Isang diyosa nga ba si Medusa, o isang halimaw?

Reading Time: 9 minutes

TOPIC

Ang kwento ni Medusa ay naukit na sa ating mga puso’t isipan. In fact nakita na natin ito sa iba’t ibang pelikula at kwento, naging kalaban na din ito ni darna. Pero sino nga ba si Medusa, papaano syang nagkaroon ng ahas at akapangyarihan na gwaing bato ang lahat ng titig sa kanya?

Definition:

Si Medusa ay isang halimaw, isang Gorgon. Isa sya sa tatlong magkakapatid. Ayon sa tula ni Hesiod na Theogony, ang mga gorgons ay mga Graiai. Ang mga kapatid ni Medusa ay sina Sthenno at Euryale. Silang tatlo ay mga babae at si medusa lang ang mortal, ang dalawang kapatid nito ay immortal.

May 2 bersyon ang kwento ni Medusa, ang isa ay pinanganak silang 3 magkakapatid na halimaw which is evident sa mga paso. Ang pangalawang version naman ay isa syang magandang dilag na sinumpa ni Athena at ang mas nakilala na nga natin ay ang pangalawang bersyon.

In short mga boss sa unang bersyon na ginawa nuong 700 Before common Era, Si Medusa at ang 2 nitong kapatid ay mga halimaw na, complete with scaly features, pati ang ahas at ang kapangyarihan nitong magawang bato ang mga tumitingin sa kanila. Hindi lang si Medusa ang may kakayahan nito, silang tatlo ay ganito. Again mga boss, ito ang unang bersyon.

Ang pangalawang bersyon ay… welll next slide please.

Story:

Ayon kay ovid, si Medusa ay isang magandang dilag. Lahat ng lalaking nakakakita ng napakaganda nitong mukha at malalmbot na buhok ay agad hinihingi ang kanyang kamay para pakasalan. Well halos lahat pwera sa isa. Ang diyos ng karagatan. Si Poseidon.

Kahit na si poseidon ay hindi nakaligtas sa kagandahan ni Medusa. Si Medusa ay isang maiden at isang celibate priestress sa templo ni Athena.

Isang araw, habang nasa templo ito ni Athena, hindi nakapagpigil si Poseidon at pwinersa ang kaawa-awang si Medusa at sa loob pa ng sagradong templo ni athena.

Si Athena bilang isang birhen na diyosa ay nagalit sa pangyayaring ito, subalit imbes na si poseidon ang parusahan nya, mas pinili nitong parusahan si Medusa. Ayon sa iba, ito ay dahil sa kagagawan ng kagandahan ni Medusa, in short, kung hindi maganda si medusa, walang panggagahasang mangyayri.

Ang magandang buhok ni Medusa ay ginawa ni athena na mga ahas at sinumpa nya ito na lahat ng titingnan ni medusa at titingin pabalik sa kanya ay magiging bato.

Other Interpretations:

May ibang bersyon ng kwento kung saan bukod sa 2 nabanggit, binago ni athena ang itsura nito kung saan naging isa itong pangit na matanda at mayroong berdeng balat na parang ahas.

Ayon sa ibang mythology enthusiasts, si medusa ay hindi naman talaga nirape bagkus sya ay gandang ganda sa kanyang sarili to the point na pinagmamalaki nya ito sa iba. Isang araw bumisita sya sa templo ni Athena kasama ang mga kaibigan nito at sinabing mas maganda pa sya kay athena at dahil dito, sinumpa sya ni athena na maging sobrang pangit at may kakayahan na gawing bato ang mga taong tumingin sa kanya.

Which is possibly a misinterpretation sa Bibliotheca, Ito mga boss ang mga koleksyon ng mga mythological stories dating back 1st and 2nd centures Common Era. Ayon sa libro:

“But it is alleged by some that Medusa was beheaded for Athena’s sake; and they say that the Gorgon was fain to match herself with the goddess even in beauty”

Ang iba naman naniniwala na ang kwento ni Medusa ay isang tragic Love story. Ayon sa interpretasyon na ito, si Poseidon ay mahal sya at balak syang pakasalan at ang magkasintahan ay nagtalik sa templo ni athena. Sympre nagalit si athena dito at sinumpa si medusa bilang parusa sa kanilang dalawa kung saan hindi na sila pwedeng magkita pa dahil pagtumingin si poseidon kay medusa, magiging bato ito.

So saan galing ang interpretasyon na yan? Isang statemeng mula sa Theogeny, kung saan si poseodon ay nag-alay ng bulaklak para kay medusa. Then again, hindi sinabi dito kung si medusa ba ay halimaw na o isa pang magandang babae ng alayan ito ni poseidon ng bulaklak.

Overpower:

Sa totoo lang OP si medusa. Biro nyo kahit gaano kalakas ang isang nilalang, kahit diyos pa kaya nyang gawing bato. Hindi lang yan, Nuong pinugot ang ulo ni Medusa, isang winged pegasus ang lumabas mula dito at isang gintong higante na mayroong gintong espada na si Chrysaor.

Nuong naglakbay si perseus dala dala nito ang pugot na ulo ni medusa, sympre fresh pa at ang mga dugo ay pumapatak. Bawat patak ng dugo ni medusa ay nagiging makamandag na ahas.

Isa sa mga nakatikim ng kapangyarihan ni Medusa ay ang titan na si atlas, ang halimaw ng dagat na si Cetus, ang tito ni andromeda na si phineus at si polydectes, ang hari ng isla ng seriphos.

Idiscuss ko lang ng mabiulisan ang titan at sea monster kung bakit sila naging bato. Kay Atlas muna tayo, Si Atlas mga boss ay isang titan na pinarusahan para hawakan ang kalangitan. Nuong si Perseus ay humingi ng matutuluyan ng saglit na panahon, hindi ito pinahintulutan ni Atlas. Alam ni Perseus na hindi nya kakayanin ang titan by brute force kaya nilabas nya ang ulo ni medusa at si Atlas ay naging bundok.

Ang halimaw na si Cetus ay pinadala ni poseidon para parusahan si cassiopeia dahil sinabi nito na mas maganda pa ang kanyang anak na si andromeda kesa sa mga nereids eh ang mga nereids alagad ni poseidon kaya’t nagpintig ang tenga ni poseidon dito, sabi nya, hindi pwedeng mas maganda ang anak mo kesa sa alagad ko. Mas maganda ang alagad ko! Pakawalan ang halimaw at ipakain silang lahat! di joke lang un, pero pinadala talaga ni poseidon ang halimaw dahil sa statement nito.

Nanghingi ang hari at reyna ng advice mula sa oracle at sinabi ng oracle na kailangan nilang isacrifice ang kanilang anak sa halimaw. Buti na lang nanduon si perseus kaya’t kinalaban nya ang halimaw well si medusa talaga ang tumalo dahil kapangyarihan ni medusa ang nagpabagsak dito.

Matriarch to Patriarch:

Nadiscuss na natin previously ang meaning nito. Historically mga boss bago pa ang sinaunang greece, si Medusa ay sinasamba ng mga libyan amazons bilang serpent goddess.

Maraming scholar ang naniniwala na ang Greek at Roman Mythology tinanggal ang pagiging diyosa ni Medusa dahil mas dominante ang mga male gods kagaya na lang ni Zeus at poseidon.

Icon:

Ang imahe ng gorgon ay makikita sa iba’t architectural structures, isa na nga dito ang temple of artemis, 580 before common era. Naging popular din ito sa mga kalasag at pinaniniwalaang nakakapagpataboy ng masamang espiritu. Ang Diyosang si Athena at Zeus ay kadalasang inilalarawan na mayroong kalasag at sa kalasag na ito ang ulo ng gorgon na pinaniniwalaang si medusa.

Hanggang dito na lang muna mga boss. Sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakunawa

Ano ba ang Chupacabra? Isa ba itong imahinasyon o totoong nilalang?