Isa bang totoong nilalang ang Pope Lick Monster?

Reading Time: 10 minutes

Mga boss narinig nyo na ba ang pope lick monster? Well bago kayo matawa sa pangalan ng cryptid na ito, i just want to inform you boss na mayroong mga namatay sa paghahanap dito.

Ang pope lick monster ay mula sa pope lick creek hence the name, hindi po sya pari na naging halimaw.

Maraming mga haka haka tungkol sa cryptid na ito, may ibang nagsasabi na isa daw syang miyembro ng circus habang ang ilan naman anak daw sya ng isang tao at isang tupa.

Famous Legend:

Ang pinakapopular na kwento ng Pope Lick Monster AKA Goatman ay isa itong miyembro ng isang circus freak show.

Ayon sa kwento, mayroong lalaki na nagngangalang Colonel Beauregard Shcildnecht at sya ay isang ringmaster o ung may ari ng circus. May reputasyon si Beuregard bilang isang manlokoko at sinunganling, hindi rin sya mabuting amo. Ang kanyang mga trabahador ay tinatrato nya na parang isang gang at sa bawat bayan na pupuntahan nila, kasunod nito ay nakawan. Isa lang ang motivation ni Beauregard at ito ay pera.

Isang araw, habang naglalakad ang kanyang grupo nakakita sila ng isang kakaibang bata, isang kalahating tao at kalahating kambing. Hindi nakakatakot na nilalang ang nakita ni beuregard bagkus isang tumataginting na salapi kaya’t kinuha nya ang bata para isama sa kanyang circus.

Dito pinapalabas nya ang bata kapag may show sila. Habang lumalaki ang bata mas lalo itong lumalakas kaya’t kinulong nya ito sa isang hawla na parang isang hayop. Binubugbog nya rin ang bata at kadalasan nalilipasan ng gutom.

Dito nagkaroon ng poot at hinagpis ang bata sa lahat ng tao. Para sa kanya, pare parehas lang lahat at nagplano syang tumakas.

Dininig ng kapalaran ang kanyang panalangin dahil nagkaroon ng matinding bagyo at nuong mga panahong yon ay nasa tren ang grupo, naglalayag. Biglang tinamaan ng kidlat ang train tracks dahilan para maderail ang tren.

Lahat ng nasa loob ng tren ay nasawi pwera sa isa, ang goatman. Nawasak din ang kulungan nito kaya’t nakalaya sya. Bilang paghihiganti, winasak nya ang lahat ng katawan ng mga kasama nya, kasama na ang katawan ni beauregard. Dito na nagising ang bloodlust ng halimaw. Kaya bawat makikita nyang tao ay kanyang pinapatay.

Other Legend:

Sympre kapag cryptid may kanya kanyang bersyon ng kwento. May iba na rated SPG. Sympre nga naman half human, half goat or sheep. Anong naglalaro sa isip ninyo? Either sexual way or experiment.

Ayon sa kwento, isang magsasaka ang naging intimate ang relasyon sa isa nyang alaga. In short, nakipagsex sya dito. Amazingly, ang kambing ay nabuntis at nagkaroon ng anak. Naghalo ang genes ng tao at kambing which mga boss, FYI is impossible. Sana andami na nating nakitang mga human-beast hybrid kung ganon.

Moving on, Sinubukang itago ng magsaaska ang bata, dahil sa kahihiyan at dahil na din sa itsura nito. Hindi rin nagtagal at nakawala ang nilalang at napatay nya ang lalaki.

Dahil wala nang ibang matutuluyan, nakakita ito ng tulay at dito sya nanatili. Sa kwentong ito, ang goatman ay hindi isang mamatay na nilalang, bagkus sinusunod nya lang ang kanyang animal instincts.

Sympre ang kambing ay kadalasan naiuugnay sa demonyo, i mean, alam natin ang itsura ni baphomet base sa mga drawings diba.

Ayon sa kwentong ito, isang magsasaka ang nagsasacrifice ng mga kambing kay satanas para magkaroon ng supernatural powers. At nuong namatay sya, binigay ni taning ang kahilangan nya at sya nga ay naging goatman, nagkaroon sya ng kakaibang lakas at abilidad.

Ang kwentong ito ay nagkaroon ng traction sa mga satanic worshipers. When i say traction mga boss, literal na nagsasacrifice ng mga hayop. Nangyari ito nuong 1970, ang mga satanic cult ay kadalasan gumagawa ng demonic ritual malapit sa pope lick road area. Nagsimulang mawala ang mga aso at pusa sa mga karatig na lugar.

Ang kanilang mga dugo ay ginagamit sa ritual sa isang sakahan mala pit sa pope lick road area. Naniniwala ang mga satanista na ang goatman ay emdbodiment ni baphomet. May mga reports din nuong 90’s na nakakarinig ang mga lokal ng mga tunog ng drum sa kalagitnaan ng gabi.

Appearrance:

Ang pope lick monster o Goatman ay isang misteryosong nilalang. Kadalasan inilalarawn ito bilang matangkad at may malaking pangagatawan. May iba’t ibang paglalarawan pagdating sa kanyang animal part, ang iba nagsasabing isa daw itong kambing habang ang iba naman isang tupa at may mga reports din na meron itong sungay ng isang ram o ung lalaking tupa.

Ang dibdib nito ay katulad ng isang tao habang ang kanyang mga kamay ay mayroong matutulis na kuko. May mga kwento rin na ang kanyang katawan ay deformed, maputla ang mga balat at ang buhok nito ay para bang malagkit at kulot.

Ito ay mga imaginary description lamang mga boss dahil ang pope lick monster ay wala pang confirmed sightings. Merong mga reports na nakita nila pero isa lamang itong anino ng puno o hindi naman kaya iobang hayop. Kadalasan ang natatagpuan ng mga naghahanap dito ay ang mga patay na hayop na pinaghihinalaang pinatay nito.

Abilities:

Ang goatman ay hindi basta basta umaatake hindi kagaya ng ibang mga halimaw, medyo mautak din itong isang to. Ayon sa mga reports, kadalasan iunaakit nya ang kanyang mga biktima na pumunta sa ilalim ng tulay o hindi naman kaya sa may train tracks gamit gamit ang mapanlinlang nitong boses.

Kapag ang goatman ay tinawag ang isang biktima, para itong nahyhypnotize na susunod kung saan nangagaling ang tunog na yun. Kapag ang biktima ay malapit na sa tulay, ang goatman naman nag-aabang sa taas at biglang tatalunan ito.

Habang ang iba naman naniniwala na merong psychic ability ang goatman. Kadalasan ginagaya nito ang boses ng taong kilala ng biktima, minsan sisigawan ang biktima, o hindi naman kaya bubulungan. Sympre ang biktima, magtataka, hahanapin kung saan nagtatago ang kakilala nya hanggang sa mapunta na ito sa ilalim ng tulay at duon na mangyayari ang katapusan.

Death:

Kahit na isang kwento lang ang goatman, ang mga buhay na nawala sa tulay kung saan pinaghihinalaan na naruon ang goatman ay totoo. Mayroong 2 confirmed cases na namatay sa ilalim ng tulay nuong 1987 at 1988.

Marami ring mga close calls at mga injuries which is evident given the fact na mayroon itong taas na 90 feet at may haba ng 700 feet. Dito din dumadaan ang mga tren. Kaya’t kapag nasa gitna ang isang tao at dumating ang isang tren, wala ng choice kundi tumalon na lang at magdasal na hindi mamatay, at least kahit papaano may chansa pa sa pagtalon, sa tren wala na, giniling na labas nun.

Sa katunayan, nitong 2016 lamang, dalawang magkasintahan mula sa ohio ang pumunta sa kentucky para hanapin ang halimaw. Hindi sila nakaalis ng dumating ang tren. Ang lalaki nakaligtas ng pumunta ito sa pinakagilid ng tulay pero nagkaroon pa rin ito ng marka sa kanyang kamay. Ang nobya nito, hindi nakaligtas.

Maraming reported injuries dito kada taon, kung ito ba ay dahil inaakit sila ng goatman na pumunta, o sadyang gusto lang nilang mahanap ang nilalang, mahirap malaman mga boss.

Mary Land Goatman:

Hindi lang ang pope lick monster ang cryptid na half goat at half human. Ang Mary Land Goatman ay halos kaparehas ng Pope Lick Monster pero malayo ang dalawa mga boss ha. Kadalasan din napapagpalit ang dalawang cryptid.

Ang maryland goatman kasi mga boss ay hinahabol ang kanyang mga biktima, paborito nito ang mga lovers at hahabulin dala dala ang isang palakol. Habang ang pope lick monster naman ay walang palakol altho meron daw sightings na may dala dala itong palakol pero majority ng kwento, wala.

Halos magkaparehas ang dalawa hindi lang sa appearrance, dahil ang maryland goatman ay nakatira din sa ilalim ng tulay o madalas makita dito. Posible kaya na magkapatid ang dalawa? O posibleng iisang nilalang lang sila at nagpasalin salin lang ang kwento? Kayo mga boss, ano sa tingin ninyo?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mega Piranha

crucifixion of Jesus