Isa bang dwende o isang demonyo ang tyanak?

Reading Time: 12 minutes

TOPIC

Tyanak. Isa sa pinakakinanatatakutan ng karamihan lalo na nuong bata pa sila. Nuong pinalabas ang anak ni janice alam ko karamihan sa atin natrauma na humawak ng bata, at some point in time panigurado ang tingin nyo sa lahat ng sanggol ay magttransform, o hindi naman kaya ang iba ayaw buhatin at ilagay sa leeg kasi nga baka bigla silang kagatin nito. This is what movie does. It implants idea to us.

Anyway, hindi naman ang pelikula ang ididiscuss natin, ang mismong halimaw na nagpapanggap na isang walang kamuwang muwang na bata. Ito ung mga pagkakataon na ayaw mong marinig ng alas tres ng madaling araw. Ang tunog ng umiiyak na sanggol.

Tiyanak:

First off ano ba ang tyanak? Well, for starters, ang tyanak base sa ating philippine mythology ay isang vampiric creature, pero ito ay kinukunsedera din na changling o di naman kaya ay demonyo more specifically, demon child. Kadalasan nagpapanggap ito na kaawa-awang sanggol, sympre nga naman sino ba naman hindi maawa sa sanggol diba, lalo na kung iyak pa ng iyak. Pero ito ang hinahantay ng tyanak. Kapag nakalapit na ang biktima, agad itong magbabago ng anyo at sasagpangin ang kaawa-awang biktima.

Appearrance:

Pambihira, kailangan ba talaga ng topic na to? I mean ano pa bang idedescribe natin sa nakakatakot na nilalang na yan…

Well cge na nga. Okay may iba’t iba kasing bersyon ang tyanak. Ang pinaka kilala natin ay isang sanggol at magbabago ng anyo na malademonyo. Dyan tayo pamilyar, pero meron pa itong variation.

Ayon sa iba, Ayon sa Creatures of Philippine Lower Mythology na sinulat ni Maximo Ramos, ang mga tyanak ay halos katulad ng isang dwende. Ang totoong itsura ng mga ito ay isang matandang lalaki na mayroong kulubot na balat, mayroon din itong mahabang bigote at balbas habang ang ilong nito ay pango at ang mata ay halos kasinglaki ng isang barya. This make sense kasi nga naman may mga bata na kulubot ang balat diba, so baka nga napagkalaman lang ang mga dwende na tyanak.

Ayon pa sa libro, ang mga nilalang na ito ay may kapansanan, when we say kapansanan ibig kong sabihin hindi makalakad ng maayos, ito ay dahil sa ang isang paa nya ay mas maikli kumpara sa isa. Ang kapansanan na ito ang syang naging dahilan para itoy ay lumundag lundag o hindi naman kaya gumapang sa sahig. At dahil nga hindi sila makalakad at makatakbo ng maayos, dito na papasok ang mimicry, ang paggaya ng tunog ng isang sanggol para makuha ang atensyon ng kanyang biktima.

Ayon naman kay Fletcher Gardner, sa kanyang librong Philippine tagalog superstitions, sa isang kwento, ang tyanak ay lumilipad. Gayun din ang paglalarawan ni Adelina Del Rosario sa kanyang librong Isang pag-aaral ng mga kuwentong bayan ng oriental mindora, kung saan ang tyanak ay kayang magbagong anyo bilang isang itim na ibon at makalipad.

Iba naman ang paglalarawan sa librong Philippine Folk Literature ni Eugenio Damiana, ayon sa libro, ang mga tiyanak ay maliliit na nilalang at hindi sila tumatapak sa lupa bagkus sila ay lumilipad. Mayroon silang malalaking ilong at malalapad na bibig, ang kanilang mga mata ay nanlilisik at mayroon silang matining na boses.

Origins:

Ayon sa mga kwento kwento, ang tyanak ay isang sanggol na pinaabort ng isang magulang, kumbaga still born. Mayroong dalawang posibleng dahilan kung bakit sila naging tyanak. Unang una, ayon sa paniniwala natin, kapag ang isang tao ay namatay ng hindi nababasbasan, hindi ito makakapunta sa langit, in short mattrap sila dito sa mundo natin. At dahil sa poot at galit na pinalaglag sila ng kanilang magulang, nagkakaroon sila ng manefestation at ito ang nagiging physical form nila.

May iba namang kwento na ang mga kaluluwa ang pinaabort na bata ay sumasanib sa ibang sanggol para makapaghiganti.

Alam nyo naman siguro ang mga succubus at incubus diba? Well pinaniniwalaan din na ang tyanak ay anak ng isang tao at isang demonyo. Just to be clear, ang offspring ng demonyo at tao ay tinatawag na impaktito o impakto.

Pinaniniwalaan din na ang tyanak ay nag mula sa pntianak o mantianak. Ito ay mula sa indonesian folklore at ito ang mga babaeng namatay bago pa nila mailuwal ang sanggol o di naman kaya namatay nuong ipapanganak na nila ang kanilang anak.

Although merong pagkakaiba dahil ang pontianak at mantianak ay mga babae. Pero ayon sa kwento kwento may kakayahan silang gayahin ang iyak ng kanilang mga sanggol. Naghihiganti ang mga ito dahil sa kanilang hindi inaasahang kamatayan.

Fun fact pala, ang pontianak ay isang syudad sa indonesia at pinangalan ito sa nilalang na yon dahil pinaniniwalaan na isa itong pugad ng mga pointianak hanggang sa dumating sila syarif abdurrahman alakdrie at ang kanyang mga hukbo at inatake ang mga nilalang na ito ng mga kanyon.

Similar Creatures:

Sa Mandaya Tribe ng Mindanao, may tinatawag na pantianak. Ito ay isang lesser nature spirit na naiuugnay sa lupa at sakahan. Kumbaga ito yung mga nuno sa punso sa atin.

Nabanggit ko naman na kanina ang mantianak diba? Ito ay isang paninilaw ng mga tagakalao tribe ng davao kung saan ang nanay ay namatay kasama ang anak nito sa kagubatan. Dito sila maninirahan at kadalasang maririnig na umiiyak.

Sa ibang parte naman ng mindanao, ang mantianak ay isang babae na mayroong hiwa sa kanyang tiyan kung saan makikita ang anak nito at mga lamang loob na rin. Ang mantianak, kagaya ng pontianak ay isang vengeful spirit at kadalasan naghihiganti sa mga lalaki kung saan nagpapakita ito bilang isang magandang babae at hihilahin ang pagkalalaki nito hanggang sa mamatay ito dahil sa pagdutugo.

Pumunta naman tayo sa ibang bansa, pamilyar kba kayo sa chaneque? Parang nilandaan lang eh no. Well ang chaneque ay isang maliit na nilalang, kagaya ng isang dwende na mayroong kulubot an balat at nakatira sa kagubatan. Ang chaneque ay mula sa folklore ng aztecs ng mexico.

Ayon sa kwento, ang mga chaneque ay kinatatakutan dahil sila ay may kakayahang kumuha ng kaluluwa kung sino man ang papasok sa kanilang teretoryo. Mababalik naman ang kaluluwa sa pamamagitan ng isang ritwal pero kung hindi ito mabalik, ang biktima ay magkakasakit at unti unting mamatay. Ang chaneque ay pinaniniwalaan din na nililigaw ang mga biktima sa gubat kung saan mananatili itong paikot ikot sa gubat ng ilang araw.

Spanish Influence:

Nuong ang conquistador na si Hernan Cortez ay natalo ang mga aztecs, ang paniniwala sa chanques ay nabago dahilan para ang mga locals ay lumipat sa katolisismo.

Ayon sa mga friars, ang chaneque ay resulta ng demonyo na nagposes sa isang batang hindi pa nababawtismuhan kaya ito bumalik sa mundo para kumuha ng buhay ng mga taong naliligaw sa kagubatan.

Although medyo magkaiba ang chaneque at tyanak, may similarity pa rn sila lalo na nuong tayo ay nasakop ng espanya. Nuong 16th century, ang tyanak ay naintegrate sa kristianismo. Ang tyinak ay mga kaluluwa ng mga batang hindi nabawtismuhan bago mamatay. Dahilan para ang mga tao nuon ay ipabawtsmo ang anak as soon as iluwal ito dahil nga natatakot sila sa kung anong posibleng mangyari at hindi mabawtismuhan ang kanilang mga nak.

Sa panahon natin ngayon, lumawak pa ang depinisyon ng isang tyanak dahil ngayon kasama na ang mga batang pinapaabort, ang mga fetus. Kung saan naghihiganti ang mga ito sa kanilang mga magulang dahil pinagkait ang karapatan nilang mabuhay. Pinaniniwalaan din na ang isang sanggol ay nagiging tyanak kapag hindi ito napangalanan dahil wala ito sa book of life. Sympre pag wala ang pangalan, hindi makakapasok sa kaharian ng diyos.

Weakness:

Alam naman na natin kung ano ang weakness ng mga tyanak. Bearbrand lang. Bearbrand, blood flavor. Pero kidding aside, ang mga tyanak ay ayaw ng maiingay kaya nagtatago o umaalis ang mga ito sa isang lugar na maiingay especially kapag new year, sympre maraming paputok, ayaw nila un. Alam nyo ba kung bakit nila ayaw? Well, sympre hindi maririnig ang kanilang mga iyak, matatabunan ito ng mga ingay kaya mas gusto ng mga ito ang mga tahimik kung saan mapapaglaruan nila ang kanialng biktima.

Meron ding kakaibang paniniwala na kapag binaliktad mo daw ang damit mo ay hindi ka kakainin ng tyanak dahil matatawa sya sa itsura mo at babalik na lamang ito sa gubat. Well, lets consider the speed, malamang iaangat mo pa lang ang kamay mo para maghubad ang tyanak nasa leeg mo na agad. So good luck dito.

Sympre ano pa nga bang weakness ng mga halimaw. Walang iba kundi ang bawang. Ewan ko ba bakit bawang lagi ang panakot. Siguro dahil sa malakas ang amoy nito, sa totoo lang pag nagbabalat ako ng bawang, ilang hugas na amoy bawang pa rin.

Ayon din sa mga kwento, kapag nakasalubong o nakakita ka ng tyanak, bigyan mo ito ng pangalan para sila ay makatawid sa kabilang buhay at maglagay ka ng puting kandila para maging gabay nito sa kabilang buhay. Ano kaya no, nakasalubong ka ng tyanak tapos sasabihin mo, ikaw ay pinapangalanan kong…. BURDUGOL! ewan ko lang kung matuwa sayo ang tyanak.

Representation:

All right ano ba ang characterstics ng tyanak? Hindi ba nagpapanggap ito na isang sanggol, isang kaawa awang nilalang, isang walang malay na sanggol at hindi kayang depensahan ang kanyang buhay tapos nasa gitna ng isang gubat. Nakakaawa diba? Tapos mamukat mukat mo nasa leeg mo na, nilalasaplasap na ang dugo mo. Well, ang tyanak ay isang representasyon ng palilinlang at pagkatanga. Seryoso pagkatanga. Nadiscuss naman na antin ang panlilinlang, ang pagkatanga na lang. Sino ba namang mokong na lalapitan ang isang bata sa gitna ng gubat at hindi man lang magdadalawang isip papaano ito napunta duon at halos walang sugat diba?

Ang tyanak ay nagbibigay ng leksyon sa atin na wag tayong magisip emotionally at isipin natin ng maigi bago natin gawin ang isang bagay. Kahit na maganda ang intensyon natin, ito ay pwedeng maging di kaaya ayang resulta.

At yan ang mythology ng tyanak. Gusto nyo ba ng mga philippine mythology? Ilike lang ang video na ito para alam ko kung ano ang mga gusto ninyong videos.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9
Source 10

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Paano nabubuo ang alon sa dagat? – COMPLETED

Ano ba ang Near Death Experience?