Ifrit

Reading Time: 14 minutes

TOPICS

Panigurado ang iba sa inyo pamilyar sa final fantasy. Isang napakalakas na guardian force o GF ng final fantasy. Sa totoo lang nuong naglalaro pa ako ng final fantasy 8, akala ko talaga nuon ang GF ay parang close relationship sa final fantasy. Nalaman ko lang nuong tumanda ako. Well anyway, ang Ifrit ay totoong mythological creature mga boss.

Isa silang supernatural creature na napapaloob sa mga kwento ng middle east. Sa Islam naman, sila ay klase ng jinn o hindi naman kaya mga death spirits.

Tara mga boss. Tuklasin natin ang Mythology ng ifrit.

Description:

Ang Ifrit ay isang djinn, pinaniniwalaan ding naaatrract ito sa life force o hindi naman kaya sa dugo ng isang pinatay na bikitima kung saan gusto nitong mapaghiganti ang kanyang kamatayan.

Ang Ifrit, kagaya ng ibang djinn ay pwedeng maging mabuti o masama subalit kadalasan sila ay inilalarawan bilang isang masamang nilalang, isang malakas at makapangyarihang shaitan. Ang shaitan mga boss ay masasamang espiritu sa islam.

Pinaniniwalaan din na ang mga ifrit ay binabantayan ang underworld o hindi naman kaya sa mga desolated places kagaya na lamang ng mga kweba.

Kadalasan inilalarawan ang ifrit bilang umaapoy na nilalang. Ang mga apoy ay kadalasan ding lumalabas sa bibig nito at napakadelikado sa mga tao. 

Ang iba inilalarawan ang ifrit bilang isang malaking nilalang na may pakpak, pero ito ay ibang nilalang dahil ang mga ifrits ay walang mga pakpak. Sila rin ay mayroong nakakatatkot na itsura at kadalasan mayroong mga sungay o mga malalaking pangil.

Although sila ay kinukunsidera na masamang nilalang, mayroong paniniwala na ang mga nilalang na ito ay mayroong purong kaluluwa o malinins na kaluluwa. Lagaya nating mga tao, sila ay binigyan din ng freewill at dahil duon mayroon silang kanya kanyang desisyon sa kung papaano nila gustong mamuhay.

Story:

Ayon sa mythology, ang tao ay ginawa mula sa alabok, clay o putik, habang ang anghel ay ginawa mula sa liwanag, ang mga djinns naman ay ginawa mula sa apoy na wlang usok.

Ang ifrit ay isa sa mga unang grupo ng nilalang na ginawa ni allah at proud sila sa kanilang katauhan. Subalit nuong ginawa na ang tao, dito na nagkaroon ng problema. Hindi nila makita kung papaanong ang bagong grupo ng nilalang, gawa sa isang putik ay mas mataas pa kumpara sa kanila samantalang sila ay ginawa sa apoy na walang usok.

Isang ifrit na nagngangalang Iblis ang hindi tinanggap ito. Dahil sa kanyang pagsuway sa utos ni allah, sya ay pinalayas. Kayang kaya syang tapusin ni allah dahil sa kanyang kasalanan pero hindi nya ito ginawa, bagksus pinalayas nya lamang ito at sa judgement day ang huling hatol.

Dahil dito, nagkaroon ng matinding galit si iblis sa sangkatauhan dahil nga nawala ang pagmamahal ng panginoon sa kanya. Naging puot ang galit ni iblis at dahil dito, pinaniniwalaang sya ay naguudyok sa mga tao na lumayo sa liwanag ni allah. Inilalarawan si Iblis bilang shaitan.

Ayon naman sa hadith, ang ifrit ay sinubukang pigilan ang pagadarasal ng propetang si muhammed. Nagapi naman ni muhammed ang ifrit at gusto nya itong itali sa isang poste para lahat ay makita ito kinabukasan, subalit nalaal nito ang sinabi ni solomon kaya’t pinakawalan nya na lamang ang ifrit.

Ayon naman sa shabak community, si Imam Ali ay nagalit sa ifrit dahil hindi ito naniniwala sa islam. Dahil dito, kinadena nito ang ifrit. Tinawag naman ng ifrit ang lahat ng propeta pero walang nakapagpalaya sa kanya hanggang sa dumating si muhammed at dinala nito ang ifrit kay imam ali. Pinakawalan naman nito ang ifrit sa kundisyon na mananalig sya sa islam.

Abilities:

Ang ifrits ay pinaniniwalaang may kakayahang makapagbagong anyo. Sa katunayan ang mga ifrits ay kadalasang nagpapanggap na ahas at nagpapakita sa mga bahay ng mga muslim. Pero dahil nga sila ay may freewill pwedeng beliver o non believer ang isang jinn at dahil dito, bago patayin ng isang muslim ang ahas sa kanilang bahay ay binabanggit muna ang pangalan ni allah ng 3 beses bago ito patawan ng parusang kamatayan. Dahil ito ang nagsisilbing babala sa jinn na umalis na. Kapag ang pangalan ni allah ay nasabi ng 3 beses pero hindi umalis ang ahas, pwede na itong patayin dahil ang jinn na ito ay demonyo.

Ang ifrit ay kilala sa konkesyon nito sa apoy. Kaya nitong gumawa at imanipulate ang apoy, pwede rin itong makapagtransform sa naglalagablab na nilalang.

Hindi lang ahas o nagbabagang halimaw ang pwede nilang gawing anyo, pwede rin silang maganyong tao, subalit ang kanilang human form ay maiitim o mga negro. Ito rin ang dahilan kaya’t ang mga african ay tinatawag na ifrit dahil sa kulay ng kanilang balat.

Ang ifrit ay pinaniniwalaang mayroong enhanced strength at speed, kaya din nitong mag teleport. Ang mga ito ay mga magic caster din, at walang talab sa kanila ang mga ordinaryon sandata. Pero bulalord, diba may katawan sila so bakit di sila nasasaktan ng sandata?

Well the answer would be due to the elemental properties. Dahil nga sila ay gawa sa apoy na walang usok sila ay literally mga enerhiya, at good luck kung masaktan mo ang isang enerhiya. Although pwede nilang ifocus ang enerhiyong ito para magkaroon sila ng physical form.

Ang posibleng makasakit lang sa kanila ay mahika na ginagamit ng mga banal na tao, wizards, sorcerers o warlocks. Ang mga ito lang ang makakatalo sa ifrit.

Kadalasan ibibind ito ng sorceror sa isang bagay at kung sino man ang may hawak ng bagay na un ay magiging master ng isang ifrit. Dito na nga papasok ang 3 wishes ng jinn.

3 Wishes:

Kapag ang isang tao ay na ibind na ang isang jinn sa isang object, well sa case na alam natin ang aladdin, sa lampara. Example na lang un mga boss, magbibigay ito ng 3 kahilingan. Kagaya nga ng napanood natin sa aladdin, kapag ang isang tao ay nakakita ng isang bagay at ang bagay na to, sa di inaasahang pagkakataon ay may jinn na nakakulong, kapag kinaskas o pinunasan ng taong yun ang bagay, ang jinn ay lalabas at magbibigay ito ng 3 kahilingan.

Kapag ang isang jinn ay nakulong ng punong puno ng galit o natalo ito sa labanan o hindi naman kaya ayaw nitong magpagapi, susundin pa rin nito ang kahilingan ng tao subalit, gagamitin nya ito bilang ganti. Halimbawa, humiling ka ng napakaraming salapi, ibibigay sayo ito ng jinn pero pwede syang magdagdag dito, meaning to say mga boss, grinant nya ang napakaraming salapi subalit nakalagay naman ito sa kahon na mahirap buksan o di naman kaya nakakandado. Tingin ko gets nyo naman ung point.

May mga kwento rin na ang ifrit ay sasabihin na 4 ang pwede mong hilingin. Subalit pagdating ng pang-apat na kahilingan, lahat ng naunang wish ay mawawala. Isa rin itong paghihiganti sa mga taong umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

Iblis:

Isa na nga ung nabanggit ko kanina na si Ibis, in fact sya ang pinakakilalang ifrit dahil sa pagsuway nito kay allah. Nuong inutusan sila na lumuhod kay adam, hindi nya ito sinunod at si iblis ay pinalayas sa paraiso.

Maraming religious scholars ang naniniwala na ang kwento ni iblis ay halos kaperahas ni Lucy, in fact, si iblis ay ang counterpart ni lucy pagdating sa islam.

Pero merong mga pagkakaiba ang dalawa, Si Lucy kinalaban ang panginoon, nagrebelde kasama ang iba pang mga anghel habang si iblis ay hindi naman. Sumuway lamang sya sa utos at pagdating ng judgement day, hindi nya lalabanan si allah, hindi katulad ni lucy na makikipagyera sa panahong iyon.

Hindi rin sya isang anghel dahil ayon sa islam faith, ang mga anghel ay walang free will at sumusunod lamang sa tagapaglikha habang si iblis ay mayroong free will.

Possible Evidence:

Sa Northern parts ng qurna sa may egypt, isang pamilya ang ginawang stable at lumber room ang isang kweba. Isang araw, habang nililinis ang stable, nakakita ang may-ari ng isang lagusan. Dito nya narealized na hindi ito ordinaryong kweba, bagkus isang parte ng isang libingan na posibleng mula sa mga sinaunang hari o reyna ng ehipto.

Dahil dito na excite ang may ari sa posibilidad na merong kayamanan na naghihintay sa kanya sa lagusan na iyon. Nagpatuloy sya sa pagexcavate ng sit. Sinabi nya rin ito sa kanyang pamilya pero sinekreto ito sa iba pa.

Nagpatuloy ang lalaki hanggang sa natagpuan nya na ang lagusan papuntang libingan. Pero hindi sya agad pumasok dito, bagkus naghintay pa sya hanggang sa ang kanyang pamilya ay umalis.

Kinabukasan, nagtataka ang misis nito sa pagkawala ng kanyang asawa. Pinuntahan nya ang kweba at pumasok sa lagusan. Ilang oras matapos nito, ang nanay ng misis nya ay sumunod din para hanapin ang anak nito.

Nuong hindi lumabas ang lola, ang kanyang pinsan ay pumasok din para hanapin sila. Subalit hindi din lumabas ang pinsan, ang pangalawang pinsan nito ay sinubok din ang kapalaran.

Nuong hindi pa rin bumalik ang pangalawang pinsan, ang dalawang kamag-anak ay mas lalong kinabahan kaya’t nagdesisyon silang 2 na pasukin ang lagusan at nagdala ng kanidal. Dito nakita nila ang 2 nilang pinsan na nakahiga sa sahig. AGad nilang hinila ito palabas subalit huli na ang lahat.

Tinawagan nila ang mga police at kasama nitong dumating ang isang antique inspector. Marahil nagbabakasakaling sya ang makakita ng kayamanan. Ang mga pulis at ang inspector ay pumasok din sa lagusan, dito nila naamoy ang sobrang baho. Akala nila na ito ay ang mga katawan ng naunang biktima subalit hindi na nila ito nakumprima pa dahil hindi na sila nakapasok pa sa sobrang baho ng amoy.

Naniniwala ang marami na ang dahilan ng pagkamatay ng buong pamilya ay ang ifrit, subalit ang official cause of death ay asphyxia by poisonous gas.

Pinaniniwalaan din na isang ifrit ang nagbabantay sa libingan ni thebes. Nuong 1871, naglalakad ang 3 kalalakihan sa nasirang tempo ng reyna na si hatsheptus. Habang naglalakad, nakita ni Ahmed, isa sa mga lalaki ang isang madilim na lugar sa likod ng malaking bato. 

Nilapitan nila ito at dito nila napansin ang maliit na butas. Kumuha si Ahmed ng barya at nilaglag ito sa bato kung saan merong butas. Ilang segundo ang tumagal bago tumunog ang barya. Indikasyon na mayroong laman ang ilalim.

Agad silang naghukay ay bumaba sa butas. Ang lider nila ang unang bumaba. Ilang oras din ang lumipas pero wala silang narinig. Maya-maya pa, isang sigaw ang umlingawngaw. Agad itong nagtatakbo sa lubid para makaakyat at sinabi nito sa dalawa nyang kasama na nakita nya ang isang ifrit.

Nakaligtas naman ang tatlo. Sumunod na araw, isang napakabahong amoy ang umalingasaw sa baryo at ito ang senyales na mayroong nagambalang ifrit sa di kalayuan.

Kagaya ng mga tao, ang ifrit ay naninirahan din bilang mamamayan, kadalasan sila ay mayroong tribo at nakatira sa desyerto. Naniniwala din ang ilan na sila ay mayroong mga hari at reyna pati na rin ang mga royal families. Meron din silang social heirarchy na katula sa mga tribo.

Ang mga jinn ay kadalasang pinapakasalan ang kaparehas nilang lahi pero meron ding mga kwento na nakapagasawa sila ng tao at nagkaroon ng anak dito.

Although walang definite proof ng kanilang existence, maraming naniniwala na ang ifrit ay kasama pa rin natin ngayon, naglalakad, nagmamatyag.

Kayo mga boss, ano sa tingin ninyo? Tingin nyo ba si ifrit ay totoong nilalang? O gawa gawa lang ng ating imahinasyon. Saan nyo din unang Nakita o nakilala ang nilalang na ifrit?

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7

Source 8
Source 9
Source 10
Source 11

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Freemason Part 2 – Ano ang Order of templars at ang masonic knights?

Freemasons part 3 – Papaanong nagsimula ang Freemason sa Pinas