Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 8 minutes
advanced divider

Nakilala na natin si Coeus na siyang isa sa pinaka-unang Titan na nabuhay sa mundo. Ngayon ay kilalanin naman natin ang isa sa kanyang mga kapatid. Dahil nga ang bawat nilalang sa bawat mitolohiya ay mayroong katungkulan at nirerepresenta, ating alamin kung ano ang paniniwala kay Hyperion.

Si Hyperion ang titan god of the sun.

History:

Hyperion

Mula sa salitang Griyego na Hyper at ion, mabubo ang pangalan ni Hypeerion na ang ibig sabihin ay “watcher from above” o hindi naman ay he who goes above”. Isa na nga si Hyperion sa labing dalawang Titan na pinaniniwalaang anak ni Ouranos at ni Gaia. Mababasa nga ang kwento nito mula sa isang epic poem na isinulat ng kilalang author na si John Keats. Ang librong Hyperion na kanyang isinulat mula 1818 hanggang 1819 at kanya namang inilabas noong 1820.

Mula naman sa mga panulat nila Hesiod at Homer na silang pinagkunan ng kwento patungkol sa mga Olympian at mga Titan, mababasa na ang bawat araw ay tinatawag na Hyperionides o ang ibig sabihin sa Ingles ay “Son of Hyperion”. Dahil nga sa wala masyadong impormasyon na mayroon si Hperion, ito ay isa sa pinaka hindi kilala sa labing dalawang Titan mula sa Mitolohiya at kultura ng mga Griyego.

Story:

Hyperion | The Demonic Paradise Wiki | Fandom

Mayroong 12 Titan. Si Hyperion ay may 5 kapatid na lalaki at anim na kapatid na babae. Ang mga titans ay mga higante. Malalakas sila at matatalino. Pinaniniwalaan na nakatira sila sa Mount Orthrys, isang totoong bundok na matatagpuan sa sentro ng greece.

Si Uranus ay kinulong ang mga titan o ung mga anak nya sa tartarus. Kapag nanganganak si Gaia, ang nanay nila hyperion, agad itong kinkukulong ni Uranus. Nakipagtulungan si Hyperion sa kanyang mga kapatid at sa kanyang nanay na si gaea para mapatalsik ang kanilang ama na si Uranus.

Nuong bumisita si Uranus kay Gaea. Ang apat na magkakapatid na sina Hyperion, Crius, Coeus at Iapetus ay pumunta sa apat na sulok ng mundo. Si Hyperion sa silangan, Si Crius sa Timog, Si Coeus sa hilagat at si iapetus sa kanluran.

Hinawakan nila ang kanilang tatay at ang isa nilang kapatid na si Cronus ay pinutol ang junjun ni uranus gamit ang karit na ginawa ni Gaea. Umagos ang dugo mula dito at lumabas sila Gigantes, Meliae, Erinyes. Matapos nito ay kinuha sya ng kanyang mga anak at kinadena sa Tartarus pero sinumpa nya na si Cronus ay sasapitin din ang kaparehas na kapalaran.

Nagtagumpay at nabuhay ng maayos ang mga titan. Pero naisip ni Cronus ang sumpa ng kanyang ama kaya’t paunti unti nyang kinukulong ang mga kapatid nito sa tartarus. Dito binantayan sila ng isang higanteng cyvlops at ang hecantoncheires.

Dahil alam ni Cronus ang nangyari sa kanyang ama, ang ginawa nya ay kinain nya ang bawat anak nito. Pero alam naman na natin ang kwento. Fastforward na natin nakatakas si Zeus at sinuka ni Cronus lahat ng anak nito. Fastforward ulit, nangyari na ang tinatawag na Titanomachy. Ang gyera ng mga olympian gods laban sa mga titans.

Hindi na masyadong nabanggit si Hyperion sa kwento pero pinaniniwalaan na isa sya sa sumuporta sa kanyang mga kamaganak sa laban na ito at lumalaban pa rin kahit na natalo na sila. Nuong matapos ang gyera, sya at ang kanyang mga kapatid ay tinapon sa tartarus kung saan binabantayan sila ni hecantoncheires na sumapi na rin sa mga olympians.

Nuong natalo na sila, ang mga role nila na mga diyos ay tinakover na ng mga olympians. Sa mga nalilito, iba si hyperion kay helios. Si Helios ay ang sun god at anak ni hyperion.

Representation:

Ayon sa ilang impormasyon na mayroon si Hyperion, ito ang kinikilalang Titan god of heavenly light. Mula sa kanyang asawa na si Theia na kanya ding kapatid,ipinanganak nito ang kanilang anak na sina Eos na siyang bukang liwayway,si Helios na siyang araw at si Selene na siya namang buwan.

Pinaniniwalaan na si Hyperion ay isa sa mga pillar na nagdudgtong sa mundo at sa kalangitan,at siya nga kinikilalang pillar of the east.

Pinaniniwalaan na si Hyperion ang unang nakaintinidi sa galaw ng araw,ng bituin at ng buwan na siya din ang nagalagay nito sa kani-kanilang mga pwesto.

Characteristic:

Pinaniniwalaan na si Hyperion ay isang arogante at masamang Titan tulad na lamang ni Cronus at nang dalawa pa nilang kapatid na nangunang pabagsakin ang kanilang ama. Hindi lamang basta masama ngunit kinikilalang brutal si Hyperion. Ang buong katawan ni Hyperion ay pinaniniwalaan na mismong ulap at ang mundo.

Pinaniniwalaan din na katulad ng kanyang iba pang kapatid, ito ay mayroong natatanging talino at kaalaman patungkol sa mga kakaibang bagay. Ang mga mahika at mga ritwal na mula pa noong unang panahon. Bukod pa dito ay mayroon din itong kakaibang lakas at galing sa pakikipaglaban.

Si Hyperion ay pinaniniwalaan na mayroong buong kontrol sa buong liwanag, mayroon itong kakayahan na balutin sa nakakasilaw at nakakabulag na liwang ang buo niyang katawan. Pinaniniwalaan din na ito ay mayroong kakaibang bilis. Dahil nga ito ay lumabas din sa iba’t ibang palabas tulad na lamang ng Percy Jackson, dito ay inilarawan ito bilang makisig na lalaki, matangkad, mabalbas at ang kanyang balat ay nagliliwanag.

Pinaniniwalaan din na siya ang sumunod na pinaka malakas mula sa kanyang mga kapatid na si Cronus at si Atlas.

Kung tayo ay magbabasa pa ng napakaraming libro, research at iba na mula noong panahon. Tayo ay maraming makikilala na iba’t ibang nilalang.Ang ilan ay walang pagkakatulad mula sa ibang bansa,ngunit ang iba naman ay mayroon.Kung ating titignan,ang paniniwala patungkol sa bibliya na ang mismong Diyos ang gumawa ng langit at lupa.

Maging ang araw,bituin at buwan ay mula din sa kanyang mga likha.So,iba-iba man ang paniniwala kung saan nagmula ang mga bagay na ito,ang mga bagay na ito ang nagsisilbing tulong upang malaman natin kung gaano katagala na nga ba tayo nabubuhay sa mundo.Ang araw na siyang nagsisilbing liwanag sa umaga at ang buwan na siyang nagbibigay naman ng liwanag sa gabi.

SOURCCES

Sources

  1. https://rioedan.fandom.com/wiki/hyperion
  2. https://greekgodandgoddeses.net/gods/hyperion/
  3. https://www.greekmythology.com/Titans/Hyperion/hyperion.html.amp
  4. https://www.theoi.com/Titan/TitanHyperion.html
  5. https://en.m.wikepedia.org/wiki/hyperion_(Titan)
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.