Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 12 minutes
advanced divider

Laganap sa ating paniniwala ang tungkol sa isang nilalang na ang katawan ay binubuo ng dalawang katauhan. Halimbawa na nga dito ang sirena na mayroong katawan ng tao at katawan ng isda. Ang isang tikbalang na mayroong katawan ng tao at katawan ng isang kabayo. Sa paniniwala ng mga Griyego at ng mga Romano, makikilala ang isang nilalang na tinatawag na Harpy.

Funfact pala, alam nyo ba na ang harpy eagle ang isa sa pinakamalaking agila na nabubuhay sa panahon ngayon? Ito ay pinangalan sa harpy dahil kagaya ng harpy, ang mga babaeng harpy eagle ay mas malaki at mas agrisibo kumpara sa lalaking harpy eagle.

Sino o ano nga ba ng Harpy na ito at ano ang nakatagong misteryo sa kanyang kwento?

History:

Flying Harpy by Candra friendly female bird woman castle mountains ...

Ang isang Harpy o Hapies, Harpuiai ay isang nilalang na pinaniniwalaan sa mitolohiya ng mga Griyego. Ito ay makikita sa mga Homeric Poem mula noong Bronze age ng Greece. Mula sa kwento naman ni Hesiod na isa ding kilalang manunulat sa Greece, ipinakilala niya ang mga harpies na sina Aello, Ocypete, Virgil at Celaeno. Ang mga ito ay mayroong iba’t ibang pagkakilalan base sa kanilang kayang gawin.

Mababasa naman sa Homeric poems ang harpies storm na pinangalanan niyang Podarge. Ito ay napangasawa ng west wind Zephyrus at nagkaroon ng dalawang anak na sina Xanthus at Baluis. Makikita din ang mga itsura nito sa mga Grecian pottery o mga pottery mula gawa ng mga sinaunang griyego.

Ayon sa reseach, tulad na lamang ng ibang nilalang na nabubuhay sa kwento, ang mga harpies ay nagkaroon na din ng iba’t ibang kwento at paniniwala. Mula sa pagiging wind spirits hanggang sa mapunta na ito sa isang nakakatakot at mapang-gulong nilalang.

Story:

Greek Mythology: Harpies

Ito ay isang halimaw at siyang nagdadala ng mga masasamang loob sa mga Erinyes o mga fury upang maparusahan. Dito ay mayroong ding isang kwento patungkol sa isang hari na pinarusahan ni Zeus. Ang hari ng Thrace na si King Phineus ay binigyan ni Zeus ng kakaibang kakayahan upang makita ang hinaharap. Ngunit dahil sa kanyang kalapastanganan, ginamit niya ito upang makita ang sikreto at plano ng mga Diyos sa Olypmian.

Dahil dito ay binulag ito ni Zeus at inilagay ito sa isang isla na puno ng pagkain. Ngunit sa kasamaang palad, ang mga Harpies ay kukuhanin ang mga pagkain bago pa man niya ito makain. Matapos lamang ang ilang taon ay mayroong dumating na tao sa isla na kinalalagyan ni Phineus at tinulungan nila ang hari.

Doon ay nakagawa sya ng paraan upang mapaalis ang mga Harpies sa kanilang kinalalgyan. Dahil dito ay nakawala ang mga mabibilis na nilalang sa kweba ng Crete. Pinaniniwalaan na ang mga Harpies ay alaga ni Zeus at ito ay kanyang pinakakawalan upang manguha ng mga kagamitan at mga tao sa mundo. Ang mga biglaang pagkawala ng mga tao noong unang panahon ay isinisisi sa mga nilalang na ito.

Ang mga ito nga ang pinaniniwalaang nagpapahirap sa mga tao bago ito dalhin sa Tartarus para sa kanilang huling kapalaran. Pinaniniwalaan din na ang mga ito ay kasama ng mga Scylla, Chimera at mga Gorgons na silang mahigpit na nagbabantay sa underwolrd. Ang mga Harpies ang inuutusan ni Zeus upang manguha ng mga taong kanyang kinamumuhian o mga kapamilya ng mga taong gumawa ng masama sa kaniya.

Ayon naman sa ilang paniniwala, ito ay hindi alaga ni Zeus bagkus ito ay pagmamay-ari ni Hades. Ito ang nagsisilbing messenger at nabigyan din ng isang misyon. Ang manguha ng mga bata at kaluluwa ng ilang mga tao. Dahil dito ay makikita ang ilang imahe nito na nakaukit sa mga libingan hawak ang mga kaluluwa ng mga tao.

Ayon sa kwento na mababasa sa Dante’s Inferno, ang mga Harpies ay makikita sa pang pitong ring ng impyerno. Doon, ang mga ito ang nagpaparusa sa mga taong nagpakatiwakal upang mamatay.

Charateristic:

 

Harpies

Isa itong ibon na mayroong ulo ng isang babae. Inilalarawan ang pakpak nito na kulay bronze at ang kanilang kuko ay napakatulis.Ayon sa paglalarawan ni Hesiod sa isang Harpy, ito ay mayroong kakaiba at magandang buhok na nakapalibot sa ulo nito.

Noong una ay pinaniniwalaan na ang mga ito ay mga magagandang dalaga na mayroong mga pakpak at magandang pangangatawan, hanggang dumating sa pagkakataon na ang mga ito ay inilalarawan na bilang pangit at nagtataglay ng mga mahahabang mga kuko na labis na kinatatakutan ng mga naniniwala dito. Ang mga ito ang naging simbolo ng mga malalakas na hangin na labis na nakakapinsala sa mundo.

Kahit na iba-iba man ang pagkakalarawan sa mga ito, ang mga Harpy ay isang halimaw na babae na mayroong katawan ng isang ibon at mayroong itsura ng isang babae. Nagiiba lang base sa mga kwento kung ito ba ay magandang dilag o isang nakakatakot na babae. Ayon sa paniniwala, ang kanilang mga balahibo ay nagtataglay ng magagandang kulay na makikita sa mukha at maging sa buong katawan ng mga ibon na ito.

Pinaniniwalaan na ang balahibo sa kanilang mukha ang pinakamahalaga dahil ito ay nag-iiba ng kulay at ito ay base sa kanyang nararamdaman. Kung ito ay sumusubok na manloko ng isang tao, makikita ang mukha nito bilang isang maganda at masayang babae.

Kung ito naman ay galit, makikita ang isang nakakatakot na mukha ng isang babae. Ang kanilang mga mata ay labis na nakakatakot dahilan upang mapatigil ang sinumang makakita dito. Ang mga ito ay pinaniniwalaan din na mayroong buntot ng isang uwak at nagtataklay ng malalaki at matutulis na ngipin at kuko. Ang mga ito ay mabibilis na katulad na lamang ng isang hangin at lalo pang mas mabilis pagsapit ng dilim.

Ang mga sinisimbolo ng isang Harpies ay ang mga hangin, ang divine punishment, pangako, pagkagutom at isang malalang sakit na kanila din ginagampanan sa bawat kwento.

Maari nga natin itong maihantulad sa mga sirena na mga magagandang babae ngunit mayroong nakakatakot na gawain. Ang mga paniniwala sa sirena na ang mga ito ay pumapatay sa mga mangingisda sa karagatan. Ang kanilang itsura na minsan ay pinaniniwalaan na magandang babae at minsan naman ay nakakatakot na nilalang na nabubuhay sa karagatan.

Similar Creatures:

Ang Tulevieja ay isang nilalang na mula sa costa rica at panama. Kadalasan itong inilalarawan na isang matandang babae na mayroong malaking hinaharap pero ito ay halos nabubulok na dahil ang hinaharap nito ay punong puno ng gatas. Habang ang kalahating katawan nito ay katulad ng sa ibon, may mahahabang kuko, mabalahibong paa at buntot ng ibon.

May mga kwento na meron itong pakpak ng paniki habang ang iba naman sinasabi na parang sa ibon. Maliliit lang ang mga tulevieja pero sila ay malalakas. Kadalasan ang kwento ng tulevieja ay katulad ng la llorona pero merong mga ibang kwento na isa itong demonyo.

Sa Slavic folkore naman maraming mga harpy like creatures. Anjan ang alkonost, pinangalan kay queen alcyone ng greek at ang counterpart nito na sirin. Parehas itong may ulo ng isang tao at kalahating ibon. Magaganda rin ang boses nito at kung sino man ang makakarinig ay maaakit dito.

Ang kanta naman ni sirin ay nagbibigay ng gantimpala sa mga santo pero para sa mga mortal, ang mga ito ay susundan si sirin hanggang sa kamtayan. Pero ang mga sirin ay nilalarawan na simbolo ng harmony, eternal joy at happiness. Habang ang gamayun naman na isa ding harpy sa slavic folklore simbolo ng wisdom at knoweldge

Media:

Ang harpy ay nakita na rin natin sa ibat-ibang games bilang mga kalaban kasama na din sa iba’t ibang pelikula.

Sa Breath of fire nakalaban ito nila Ryu bilang mini boss. Sa Castlevania naman isa ito sa mga reucurring enemies.

Sa Dark souls may sariling bersyon ang larong ito. Ang harpy ay mat ulo at pakpak ng isang uwak at katawan ng isang lalaki o babae.

Sympre di mawawala ang god of war dahiol nga sa greek ito. Sa god of war ang harpy ay recurring enemies din o ung palagiang nakikita sa mga iba’t ibang game ng god of war. Kadalasan silang nakikita na kumakain ng patay na katawan.

Sa anime naman, Sa fairy tail, si lissana strauss ay may animal soul na nagbibigay abilidad na baguhin ang kanyang anyo bilang harpy. Ang kanyang kamay ay nagiging pakpak at ang lower part ng kanyang katawan ay nagiging katulad ng ibon.

Sa one piece pinakilala si Monet sa punk hazzard arc. Inilarawan sya ni Ussop bilang harpy nuong unang tingin nya dito pero mas medyo kumplikado ang kanyang katauhan. Isa syang normal na tao pero ang kanyang kamay ay pinalitan ng pakpak at ang kanyang paa ay pinaltan naman ng kuko ng isang ibon.

Ang palabas na the lion the witch and the wardrobe ay inilarawan ang mga harpy na mapapangit. Mayroon itong pakpak ng paniki at isang napakapangit na nilalang. Habang sa Jason and the argonauts naman ay sinunod ang kwento ng mitolohiya dahil sila ay sinubok ang bulag na propeta na si Phineus. Sa palabas mayroong malaking handaan at ang mga harpy ay kinukuha ito palagi. Nahuli ng mga argonauts ang harpy at kinulong at si phineus naman ay kumakain ng masasarap na pagkain sa harap nila.

SOURCCES

Sources

  1. https://sites.psu.edu/mythologicalcreatures/2015/03/03/harpies/
  2. https://www.crystalinks.com/harpies.html
  3. https://www.greek-gods.info/mosters/harpies/
  4. https://www.theoi.com/Pontios/Harpyiai.html
  5. https://www.greekmytholgy.com/Myths/Monsters/Harpies/harpies.html.amp
  6. https://greekgidsandgoddesses.net/myths/harpies/
  7. https://en.m/wikipedia.org/wiki/Harpy
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.