Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 14 minutes
advanced divider

Kung sa Pilipinas ay mayroon tayong Minokawa na isang malaking ibon, kilalanin naman natin ang isang nilalang na pinaniniwalaan sa Hindu mytholgy. Ang Garuda.Alamin natin kung ano ba ang kwento at paniniwala patungkol sa nilalang na ito.

History:

An In-depth Look at Karura And Garuda Tattoos

Ayon sa ilang research, ang pinagmulan ng kwento patungkol sa Garuda na kinilalang Syena na kung saan sa Sanskrit ang ibig sabihin ay “Eagle”. Ito ay unang nakilala sa Vedas. Ano ang vedas i hear you ask, Ang Vedas ay isang koleksyon ng mga hymns o kanta at ilan pang mga ancient religious text na nakasulat sa salitang hindu noong 1500 at 1000 BCE. Lumabas din ang Garuda sa ilan pang mga Indian text katulad na lamang ng Mahabrata at Puranas noong 400 BCE at 400 CE.

Dito naniwala ang mga taga India na si Syena at Garuda ay iisa lamang dahil sa parehong pagkakalarawan sa kanila sa bawat libro at kwento. Ayon sa ilang research, ang salitang Garuda sa Sanskrit ay mayroong ibig sabihin na “Devourer” na nakilala sa Hindu at Buddist Mythlogy. Naniniwala ang mga taga Hindu na ang Garuda ay ang sinasakyan ng preserver God na si Vishnu, at si Garuda na din ang nagrerepresent ng birth at ng heaven. Si garuda din ang kinikilalang mortal na kalaban ng mga ahas. Naniniwala ang mga taga india na si Garuda na mismo ang hari ng lahat ng ibon at siya na din ang pinaka mahalagang nilalang sa Himmapan forest.

The Story:

Mythological Stories of India: Story 7 - The Birth of Garuda

Nabanggit sa Mahabrata ang pinagmulan at ang mga nagawa ni Garuda. Ang kanyang ama ay ang kinikilalang creator na si Kashyapa at ang kanyang ina ay si Vinata. Si Kashyapa ay may dalawang asawa, ang nanay ni Garuda na si Vinata at ang isang asawa naman nit ay si Kadru.

Si Kadru ay humiling na magkaanak ng 1000 naga habang si Vinata naman ay 2 anak lamang pero kasinglakas ng 1000 anak ni Kadru. Biniyayaan naman ito ni Kashyapa at silang dalawa ay pumunta sa gubat upang magmeditate.
Silang 2 ay nagkaroon ng kanya kaynang mga itlog at ang mga itlog ni Kadru ay inabot ng 500 taon bago tuluyang mapisa at lumabas nga ang 1000 anak nito mula sa 1000 itlog. Habang si Vinata naman ay hindi nakapaghintay at pwinersang binuksan ang isa sa mga itlog at dito nga lumabas ang kapatid ni Garuda na si Aruna at ito ay mamulamula at maliwanag. Pero nga dahil sa ginawang pagpwersa ni Vinata, kulang sa taon si aruna kaya’t hindi rin kumpleto ang katawan nito. Wala itong paa. Dahil dito pinagalitan nya ang kanyang nanay at sinumpa na magiging alipin hanggang sa ang kanyang isang kapatid ay iligtas sya. Matapos nito umalis si Aruna at naging charioteer ni surya ang son god.
Si garuda ay isang napakalaking itlog nuong ito ay pinanganak at noong siya ay lumabas halos kasing lakas nito ang isang napakalaking apoy na kayang bumalot sa buong mundo. Dahil sa lakas ng kanyang kapangyarihan, ang mga ibang Diyos ay nagmakaawa sa kaniya upang mabigyan ng tulong. Sa tuwing ang mga kahilingan ng mga Diyos ay kanyang sinmusunod, nababawasan din ang kanyang laki at maging ang kanyang lakas ay patuloy ding nababawasan. Isang araw, ang kanyang ina ay natalo sa isang pustahan na ginawa nila ng knayang kapatid na si Kadru na siya namang ina ng lahat ng ahas.

Dahil sa natalo ang kanyang ina, ito ay naging alipin ng kanyang nakababatang kapatid. Upang mailigtas ang kanyang ina sa pagiging alipin, pinuntahan ni Garuda ang kanyang tiya upang makipag kasundo. Nakipag kasundo si Kadru na kung sakaling maibigay ni Garuda ang elixir of immortality na nasa pangangalaga ng mga Diyos na nasa langit, papalayain nya ang nanay nito.

Ang Diyos na kinilala bilang si Indra ay isang nakakataas na hari at pinangangalagaan ang elixir. Upang mapangalagaan ang elixir na ito, pinalibutan ito ng mga Diyos ng napakalaking apoy na kung saan aabot sa kalangitan. Kasama pa ng malaking apoy ang napakaraming mga patalim na paikot ikot din sa mahalagang bagay na ito. Ang pinaka huling dapat na pagdaaanan ay ang dalawang napakalaki at nakakalason na ahas na kung saan nagbabanatay ng maigi sa elixir. Base sa paglalarawan ng seguridad, masasabi natin na kahit ang mga diyos ay alam ang importansya nito. Kaya’t nung nalaman nila na pupunta si garuda para kuhanin ang elixir, isang buong hukbo ang kumalaban dito.

Hindi naman pipitsugin si Garuda, matapang at matalino ito. Kaya naman nagawa niyang matalo ang lahat ng mga kumalaban dito. Nagawa nya ring mapatay ang apoy sa pamamagitan ng paghigop ng tubig sa ilog at ibuga ito sa mga apoy na nakaharang. Naiwasan nya ang mga matatalim na bakal sa pamamagitan ng pagpapaliit ng kanyang sarili at binulag nito ang dalawang malaking ahas sa pamamagitan ng paghipan dito ng alikabo at nakuha ang elixir mula sa pangangalaga ng mga diyos.

Noong nakuha niya ang elixi at nilagay nya ito sa kanyang bibig pero hindi nya ito nilunok at bumalik na kay kadru. Sa kanyang pagbabalik ay nakasalubong ni Garuda Diyos na si Vishnu na kung saan napahanga sa kakayahan ni Garuda. Binigyan ni Vishnu si Garuda ng isang gantimpala, ang pagiging imortal na kung saan dahilan upang ito ay hindi mamatay. Dahil dito, tinanaw ito ni garuda na isang malaking utang na loob at inalay ang kanyang sarili sa dyos na si vishnu na maging sasakyan nito.

Matapos nito ay nagpatuloy na ito sa paglipad papunta sa kanyang destinasyon subalit naikwentro ni Garuda ang Diyos na si Indra na kung saan, agad nagbato ng kidlat at dahil sa bilis, agad naman tinamaan si Garuda. Ngunit dahil nga sa binigay na abilidad ni vishnu na pagka imortal, si Garuda ay hindi tinablan sa atake ni Indra. Dahil sa alam ni Indra na hindi nya mapapaslang si garuda, nakipag kasundo na lamang si ito kay Garuda at duon nga nabuo ang kasunduan ng dalawa. Ibibigay ni Garuda ang elixir sa mga ahas at matapos makuha ang kanyang nanay ay kukunin muli ito ni garuda at ibibigay kay indra. Binigyan naman ng permiso ni indra na pwede nitong kainin ang mga ahas.

Nuong dumating na si Garuda, ang mga ahas ay naghihintay sa kanya. Binigay nito ang elixer at sinabi ni garuda na kailangan takpan ito ng darbha grass na sya namang sobrang talim. Nilapag ng mga ahas ang elixir sa damo at inudyok ni Garuda na gawin na nila ang kanilang ritual bago nila inumin ang elixir. Nung sandaling tumalikod ang mga ito, agad na lumitaw si Indra at kinua ang elixir. Hindi alam ng mga nagas na wala na ang elixir kaya ng dilaan nila ang darbha grass ay nahati ang kanilang dila dahil sa talim nito. Ito rin ang dahilan kung bakit hati sa gitna ang dila ng ahas.

Simula nuon naging kakampi na ng mga diyos si Garuda at naging sasakyan ni Vishnu. Pinaniniwalaan din ng mga indiano na si Garuda ang nagturo sa mga tao

Garuda Characteristic:

Garuda: The King of the Birds - Glorious Hinduism

Sa tagal ng panahon, madami na ding paglalarawan ang lumabas patungkol sa nilalang na ito. Ngunit mas nakilala ito na mayroong kalahating katawan na tao at isang agila. Ang katawan nito ay kulay ginto samantalang ang mga pakpak nito ay kulay pula naman. Ang mukha nito ay kulay puti na parang isang tunay na agila at kilala ito dahil sa kakaibang tuka ng nilalang na ito.

Pinaniniwalaan na mayroon itong suot na korona sa kaniyang ulo na palagi niyang dala. Kung minsan ay inilalarawan ito na may dalawa o hindi naman ay apat na kamay at iba’t ibang mga abubot sa katawan na kung saan may mga hikaw at mga bracelets na mula naman sa mga ahas. Ayon din sa paniniwala, habang sakay nito ang Diyos na si Vishnu, ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa dalawang paa ni Vishnu na kung saan magiging gabay ng Diyos upang hindi malalag.

Buddhism:
Sa budismo naman, ang garuda ay tinatawg din nilang garula. Isa itong kulay gintong ibon. Isa ito sa tinatawag na Astagthyah na isa sa 8 klase ng hindi taong nilalang. Katulad ng hinduismo, kalaban din ng garuda ang mga naga at kadalasan inilalarawan itong mayroong ahas sa pagitan ng kanilang mga kuko.

Malalaking nilalang ang mga garuda, pinaniniwalaan na meron itong wingspan na 3,960 km. Inilarawan sila bilang matatalinong nilalang at mayroong social organization. Pinaniniwalaan na ang mga garuda ayon sa budismo ay mayroong mga hari at syudad. Ang iba ay mayroong kapangyarihan na makapagbagong anyo bilang tao.
Philippines:
Kagaya ng India, indonesia at iba pa, ang garuda ay minsan ding pumunta sa isipan ng ating mga ninuno. Kilalang kilala ito sa visayas at mindanao region. Sa bikol Area, kilala ito sa tawag na katambang. Ang mga garda ay kalahating tao at kalahating ibon. Malalakas ang mga ito at mabibilis at hindi kagaya ng naunang paglalarawan sa garuda, ang garuda ng pilipinas ay kumakain ng mga tao.

Mayroon ding paniniwala na kapag ang garuda ay nadampian ng tubig na mula sa mga ilog ito ay magiging isang maskuladong lalaki. May iba namang paglalarawan na ang katawan ito ay maskulado pero ang mukha ay agila at ang kamay nito ay nagiging pakpak na tinutulungan syang makalipad.

Symbolism:

File:National emblem of Indonesia Garuda Pancasila.svg - Wikimedia ...

Para sa taga Indonesia, ang ibon na si Garuda ang naging opisyal na simbolo ng bansang ito. Sa larawan nito ay kasama ang isang tela na kung saan nakalagay ang limang prinsipyo ng bansa. Ang Pancasila ang motto at ang Bhinneka Tunggal Ika. Makikita sa tela na nakalagay dito ang limang elemento na kung saan sa pinaka gitna nito ay makikita ang isang bituin na mayroong limang patulis na sulok at inirerepresenta nito ang limang opisyal na relihiyon ng bansang ito. Ang Islam, ang Catholicism, Protestantism, Hinduism at Buddhism. Mayroon din itong isang kadena na kung saan simbolo ng pagka makatao ng bansa, isang banyan Tree na nagrerepresnta ng pagkaka-isa ng bansa; isang ulo ng toro na mayroong dalawang sungay na simbolo ng demokrasya at pagiging malakas na ipinapakaita din mismo ng isang toro. Ang pinaka huli ay ang butil ng bigas at isang cotton na kung saan nagsisimbolo pagkakain at ang kabuhayan ng bansa.

Dahil na din sa kaugnayan nito kay vishnu, naging iconic din si garuda nuong unang panahon. Siya ang sumisimbolo ng kapangyarihan ng hari. Nakita rin sya sa mga sinaunang barya ng mga hindu kingdoms na kadalasan ay isang ulo na ibon o hindi naman kaya tatlong ulo na tinitingnan ang bawat direksyon.

Similar mythology:

Para naman sa ibang bansa ay may roon din ibang pagkakailanlan ang nilalang na ito. Sa Burmese ay tinatawag itong Ga-lon, sa Japan ay Karura, para sa mga taga Thailand ito ay kinikilala bilang Krut. Para sa Thailand, ang Garuda na din mismo ang national symbol ng bansang ito. Sa paniniwala naman ng Mongolia, ang Garuda para sa kanila ay ang kanilang kinikilalang si Khangard na kung saan tagapagsilbi ng diyos ng kamatayan.

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at makain ng garuda ang inyong request.

SOURCCES

Sources

  1. https://nowbali.co.id/garuda-2/
  2. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Garuda
  3. https://www.ancient.eu/Garuda/
  4. https://www.ancient.eu/The_Vedas/
  5. http://nightskylie.blogspot.com/2017/01/forgotten-mythic-creatures-of.html
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.