Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Kung ang mga kristiyano ay mayroong tinatawag na paghuhukom o pagtatapos ng mundo. Ang Norse Mythology ay mayroong pinaniniwalaang Ragnarok. Ito ay isang kwento tungkol sa pagtatapos ng mundo.

Ang Norse mytholgy ay binubuo ng iba’t ibang Diyos tulad na lamang ng kilalang sila Loki at Thor at ang kanilang ama na si Odin. Alamin natin kung ano ba talaga at saan ba nagsimula ang paniniwala patungkol sa kwento na ito.

History:

Ang Ragnarok ay galing sa paniniwala ng mga Vikings noong unang panahon. Mula pa noong unang panahon, naniniwala ang mga Vikings na ang mundo ay matatapos din at ito ay ang tinatawag nilang Ragnarok.

Ang salitang Ragnarok ay mula sa Old Norse na ang ibig sabihin ay “Fate of the Gods.”, habang ang ilang literatura naman sa lumang Norse, ang Ragnaraok ay nangangahulugang “Twilight of the Gods.”. Ang pangyayari din ay kinikilala bilang Aldartok o “fate of mankind,”.

Ito nga ay mababasa lamang ng buo sa isang Icelandic Poem “Voluspa” o “‘Prophecy of the Völva” at ang pinaka kilala at pinaka unang poem ng Poetic Edda.

Ang historian na si Henry Adam ay naniniwala na ito ay mula sa isang Pagan Icelander na mayroong kaalaman patungkol sa Kristyanismo. Dahil nga ang kwento ay sa pagsisimula ng panahon hanggang sa matapos ito.

Ang tula ay naka preserved ng buo sa isang codex Regius. Karamihan sa paniniwala sa Norse mytholgy ay nakatala din sa codex na ito. Makikita din ang kwento na nakapreserved sa isang Manuscript mula pa noong 14 Century, ito ay tinatawag na Hauksbok.

Pinaniniwalaan nga na ang tula na ito ay nagawa noong 10th century at noong 13th century naman ay sinundan ito ni Snorri Sturluson ng Prose Edda o ang Young Edda. Ang ilang bahagi ng Prose Edda ay kinuha mula sa mga kwento ng Codex at Manuscript na binubuo ng halos 60 stanza.

The Story:

Ano nga ba ang kwento ng Ragnarok? Ang kwento ay naglalarawan kung paano nasira ang buong kalakawan maging ang mga Diyos at lahat ng nilalang na nabubuhay dito. Dahil kilala na din ang Norse mythology na naglalaman ng iba’t ibang paniniwala patungkol sa iba’t ibang nilalang, Ang Ragnarok ay mayroong simula at katapusan.

Naniniwala ang mga Vikings noong unang panahon na ang pagtatapos ng mundo o Ragnarok ay isang propesiya na mangyayari sa hinaraharap. Katulad na lamang ng nakasaad sa bibliya ng mga Kristyano, ilang mga sensyales ang matutunghayan bago maganap ang pagtatapos.

Para sa Norse Mythology, magkakaroon muna ng isang buong taong pagbagsak ng nyebe sa kalangitan na kanilang kinikilalang Fimbulvetr. Ang pulang tandang naman na si Fjalar ay sasabihan ang mga higante na ang Ragnarok ay nagsimula na. Ang pangalawang tandang naman ay magbibigay ng babala sa mga patay na ang Ragnarok ay nagsimula na.

Ang pangatlong tandang na kinikilalang si Gullinkambi na nakatira sa Valhalla ay magbibigay naman ng babala sa mga Diyos patungkol sa pagsisimula ng madugong labanan.

May dalawang major groups na bumubuo sa Norse Mythology. Ang mga Giants o Jotnar at ang Aesir at Vanir. Ayon sa paniniwala ng mga Norse, ang mga giants ang unang tumira sa tinatawag na Jötunheimr na isa sa siyam na mundo ng Norse Cosmology. Ipinadala sila dito ng mga Aesir dahil sa ang mga ito ay pinagbawalang makapasok sa Asgard. Ang mga nilalang na ito ay madalas nagkikita at madalas nakikipagpaligasahan sa isan’t isa.

Ayon nga sa paniniwala, ang malaking labanan mula sa tao, sa Diyos at sa lahat ng nilalang ay magaganap sa lugar na tinatawag Vigrid.

Ang Diyos na si Heimdallr na nagbabantay sa tulay papuntang Asgard ay papatunugin ang kanyang trumpeta hanggang sa marinig ito sa Valhalla. Ang tunog ng kanyang trumpeta ay makakapagpabangon sa mga patay at ang mga ito ay magmamartsa sa Vigrid. Katulad ng alam natin sa bibliya na tutunog ang trumpeta kapag magsisimula na ang paghuhukom.

Si Jörmungandr na mas kilala bilang Midgard Serpent o world serpent ay lalabas sa karagatan habang ang makamandag niyang buntot na naglalabas ng lason ay kanyang iwawasiwas sa iba’t ibang direksyon. Dahil sa laki ng ahas na ito, makakagawa ito ng malalaking alon na makakapamaminsala ng lubos sa buong kalupaan.

Habang ang Fire giant na si Sutr naman ay magsisimula ng apoy sa Asgard at maging sa rainbow bridge na Bitfrost. Ang wolf na si Fenrir ay makakawala sa kanyang pagkakatali at maglalaganap ng kamatayan at kaguluhan sa mundo. Ang araw at ang buwan ay kakainin ng mga wolves at maging ang World tree o Yggdrasil ay yayanig dahilan upang ang lahat ng puno, bundok ay mawawasak at babagsak.

Maging ang mga bituin ay mawawala, dahilan upang mawalan ng liwanag at tanging kadiliman ang babalot sa mundo. Dahil sa patuloy na pagyanig ng kalupaan, makakapaglayag muli ang tinatawag na Naglar o Nail Ship na gawa sa kuko ng mga namatay na babae at lalaki. Ang malaking barko na ito ay sasakyan ng mga higante at ang mangunguna dito ay walang iba kung hindi si Loki. Ang kinikilalang Traydor sa lahat ng Diyos. Makakawala din ito sa kadenang nakapalibot sa kaniya na ibingay ng mga Diyos upang siya ay hindi na makagawa ng masama.

Habang sina Loki at ang mga higante ay naglalayag papuntang Vigrid para makipaglaban, si Fenrir ay magkakalat ng apoy sa buong mundo, habang ang serpent naman ay magkakalat ng lason sa karagatan, sa hangin at maging sa kalupaan.

Dahil sa magaganap na labanan, si Odin ay nabahala. Dahil dito, kinuha niya ang pugot na ulo ni Mimir o Mim na pinaka wais at pinaka matalinong nilalang sa buong mundo. Ang pugot na ulo nito ay nakapagbigay ng sikretong kaalaman kay Odin.

Ang mga Diyos ay makikipaglaban kahit na alam na nila ang mangyayari at ang kahihinatnan ng labanan. Ang mga ito ay kukuha ng mga panangga at mga panlaban at pupunta sa Vigrid.

Kakalabanin ni Odin kasama niya ang mga Einherjar o mga human warriors na kanyang pinili mismo. Ang mga ito ay makikipag laban kay Fenrir ng buong puso at buong lakas. Ngunit dahil sa labis na kalakasan ni Fenrir, si Odin at maging kasama niyang si Einherjar ay makakain ni Fenrir.

Dahilan upang ang isang anak ni Odin na si Vidar ay makaramdam ng matinding galit at aatakihin si Fenrir upang maipaghiganti ang kanyang Ama.

Dahil ang isa sa paa ni Vidar ay suot ang kakaibang sapatos na gawa sa iba’t ibang leather scraps, matibay at makapal ito at ito ang kanyang gagamitin upang mahawakan o matapakan ang bunganga ni Fenrir at doon ay masasaksak niya ang lalamunan nito, dahilan naman ng kamatayan ng halimaw.

Ang isa pang wolf na si Garm ay makakalaban naman ang Diyos na si Tyr. Sina Heimdall at Loki ay magtutuos, ang diyos na si Freyr naman ay kakalabanin si Surt.

Habang si Thor naman ay makakalaban si Jormungand na simula pa lamang ay palagi na niyang nakakaaway. Dahil sa napakalakas ng mjolnir na pagmamayari ni Thor, nagawa nitong pabagsakin ang malaking ahas sa isang wasiwas lamang. Ngunit hindi sumuko si jormungand at nagawa nitong bugahan si Thor ng kanyang lason, dahilan upang hindi makagalaw ang Diyos. Namatay si Jormungand sa kanilang sagupaan pero dahil sa nalagyan ng lason si thor, hindi rin ito nakaligtas sa kamay ni kamatayan.

Bago tuluyang mamatay si Thor, nakalakad pa ito ng halos siyam na hakbang hanggang tuluyang bumagsak sa kalupaan ng Vigrid. Matapos ang madugong labanan, ang mundo ay babalutin ng karagatan.

Ang lahat ng bagay ay lulubog sa katubigan na parang walang nangyaring malagim na labanan. Matapos ng lahat ng ito, ang mundo ay muling babangon at magsisimula ng panibagong buhay. Magkakaroon muli ng araw, bituin at magagandang lupa sa mundo. Ang mga Diyos na nakaligtas sa Ragnarok ay sina Vidar, Vali, Baldur, Hodr at maging ang mga anak ni Thor na sina Modi at Magni ay nagawang makaligatas sa labanan.

Ang pinaniniwalaang tao na sina Lif o “Life” at si Lifthrasir na ang ibig sabihin ay “Sriving after Life” na nakapagtago sa lugar na tinatawag namang Wood of Hoddmimir, ang silang magpapalaganap at magpaparami ng tao sa mundo.

Ragnarok Interpretation:

Ayon sa ilang mga nagbigay ng interpretasyon sa kwento na ito. Naniniwala ang ilan na ito ay mula sa paglipat ng lugar ng mga Vikings noong unang panahon.

Noong ngang 8th century, ang mga kabataang Scandinavia ay umalis sa kanilang lugar upang makahanap ng ibang tirahan. Ang mga ito ay nanakop ng iba’t ibang lugar sa Europa at maging sa North America taong 1000. Ang kanilang pag-alis ay nag-iwan ng malaking katanungan sa maraming scholar at historian at naging dahilan din upang maikabit sa kwento ng Ragnaraok.

Ayon naman sa isang novelist na si A.S Byatt, ang masayang katapusan ng Ragnarok kung saan nagkaroon muli ng panibagong buhay at simula ay maaring naidagdag at nakuha sa kwento mga Kristyano. Just to be clear mas nauna ang kwento ng Norse bago ang kristianismo. Kaya nga naniniwala ang mga historian na ito ay naidagdag lamang.

Pinaniniwalaan na maaring nakuha ang kwento noong dumating ang kristyanismo sa mga Vikings noong 10th century. Ngunit ang isang paniguradong parte na naisama sa kwento ay ang pagkakaroon ng buong taong taglamig o ang tinawag na Fimbulwinter. Dahil ang Fimbulwinter ay totoong nangyari. Don’t believe me?

Ayon sa dalawang Archeologist na sina Graslund at Price, noong mid 6th century, isang volcanic eruption ang naganap at nag-iwan ng makapal na hamog sa Asia Minor hanggang Europe. Dahil sa pangyayari na ito, umikli ang panahon ng tag-init ng ilang taon.

Makikita ang ilang dokumento sa Literature at mga naiwang physical evidence at kinikilala nga ito bilang “Dust Veil of 536”. Makikita sa ilang lugar sa Scandinavia ang mga tree rings na makikita din sa ilang panig ng mundo.

Ang mga ilang mga psysical evidence nga ay nagpapatunay na ang epekto ng mga dust veil mula sa pagsabog ng bulkan ay umabot hanggang sa iba pang rehiyon ng Scandinavia, dahilan upang ang halos 75 hanngang 90 percent ng village sa bansa ay abandonado.

Naniniwala sina Graslund at Price na sa pangyayari na ito nakuha ang mga kwento patungkol sa isang taong paglamig at ang panibagong simula ng kwento. Dahil nga noong mawala na ang abo o fog sa lugar, muling bumalik ang liwanag at nakita na muli ang kapaligiran sa buong lugar.

Ang ilan ay nagbigay ng interpretesyon sa kwento na ang lahat ng bagay sa mundo, maging ang mga Diyos ay mayroong katapusan. Ang mga ito ay maglalaho at mawawala at magkakaroon ng panibagong simula. Ang ilan ay ikinabit ito sa buhay, kung saan ang malaking digmaan ay ang mga malalaking problema na dinadanas ng tao sa kanyang buhay.

Hindi natin alam at sigurado kung paano nga ba matatapos ang ating mundo at kung paano mamatay ang lahat ng nilalang at buhay na naninirahan dito. Ang sigurado lamang ay kailangan nating maging isang mabuting tao at huwag gumawa ng masama.

Huwag sayangin ang oras at gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo.

 

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/CmDNW2bEdTI

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend