Dantes Paradiso

Reading Time: 12 minutes

Topics

Para sa mga nakapanuond ng mga nakaraang video patungkol sa Purgatoryo at Inferno na sinulat ni Dante. Natapos na natin ang pag-uusap patungkol sa mga kakaharapin na paghihirap ng mga tao kung sakaling ang mga ito ay mapupunta sa mga lugar na ito. ,Pag-usapan naman natin kung ano ang mangyayari kung ikaw ay “Magpapakabait” sa mundong ibabaw.

 

Well, sabi nga, kung ikaw ay mabait at walang ginagawang masama at malakas ang pananalig mo sa Diyos, ikaw ay mapupunta sa Langit. Naghihintay sa isang taong mabait ang tinatawag na Paraiso. Pag-usapan natin kung ano naman ang isinulat ni Dante patungkol sa Paraiso. Literature po ito so do not take this literally.

Divine’s Comedy History:

Ayon sa ilang history, ang “Paradiso”,ang  pinaka huling bahagi ng Divine’s Comedy na isinulat ni Dante Alighieri. Ang una nga ay ang Inferno at ang Purgatoryo. So, katulad na lamang ng ibang nasabi ni Dante sa dalawang bahagi ng  kanyang kwento, ang Paradiso ay kanya na din narating at nalibot.

 

Para sa mga hindi nakakaalam, ang libro nio Dante na Divine Comedy ay sinimulan niyang isulat noong taong 1308 at natapos naman noong 1320. So, bakit Divine Comedy ang pinangalan nya dito? Dahil nga ito ay patungkol sa Inferno o hell, Purgatoryo o Purgatory at ang Paradiso na kung saan ay Heaven.

 

Si Dante Alighieri ay isang Italian poet at isa ding moral philosopher. Ang Divine Comedy ay kinikilala bilang “greatest work of literature” na isinulat mismo sa salitang Italyano. Si Dante na din mismo ang kinikilalang “father of modern Italian” at maging ngayon ay kinikilala pa din ang kanyang mga gawa.

 

Ang kwento ay nagsimula sa isang mahirap na pagusbok ngunit bandang huli ay narating niya ang langit na kung saan siya ay nkagkaroon ng masayang ending. At ito ang dahilan kung bakit ito pinamagatan na Divine Comedy.

The Paradiso:

Ssimulan na natin kung ano ba ang nakalagay sa pinaka huling bahagi ng kanyang kwento. Sapaunang kwento ni Dante na mula sa impyerno at purgatoryo. Siya ay sinamahan ng isang tao na kinilala bilang si Virgil. Ito ang nagsilbi niyang gabay upang marating ang iba’t ibang bahagi ng mga lugar na ito.

 

Para naman sa Paradiso o heaven, ang nagsilbing gabay ni Dante ay ang kinilala niyang si Beatrice Portinari na pinaniniwalaan na love of life ni Dante. Ayon sa kwento, mayroon ding mga levels ang Paradiso bago makapunta sa pinaka itaas kung saan makikilala na ang Diyos. Ayon sa kanyang kwento, nakita niya ang ilan sa mga taong kilala bilang nagpalagnap ng pagmamahal, katalinuhan  hustisya at labis na pagsamba sa Diyos sa kanyang paglalakbay.

 

Matapos mapuntahan ni Dante ang lahat ng level na ito, sa bandang huli ay nakilala niya ang Diyos at ito ay kanya pang nakausap. Makikilala ang siyam na bahagi ng heaven na kung saan matatagpuan sa sphere mismo ng mundo.

 

Ang Moon, Mercury, Venus, Sun, Mars, Jupiter, Saturn , Fixed Stars at ang Primum Mobile, bago makarating sa dulo na kanyang pinangalanan na Empyrean na tahanan ng Diyos, mga anghel, mga santo at ilan pang mga faithful souls. Ayon sa kwento, ang paradiso ay magsisimula sa pinakatuktok ng bundok ng Purgatoryo, at ito ay kanyang tinawag na Earthly Paradise.

Halos isang linggo lamang ang itinagal ng  paglalakbay ni Dante, mula na ito sa Inferno hanggang sa Paradiso.

The  9 Sphere:

Alamin naman natin kung ano ang mga napagdaanan ni Dante sa siyam na level ng kalangitan. Unahin na natin ang Moon na siyang pinaka una sa mga sphere. Makikita sa pinaka unang bahagi ang mga kaluluwa na kung saan ang mga ito ay hindi tumupad sa kanilang mga sinumpaang responsibilidad. Halimbawa na lamang ang mga madre na natanggal sa monasteryo o sa simbahan dahil sa sapilitang pagpapakasal ng kanilang mga magulang.

 

Dahil hindi nila kasalanan ang mga pangyayaring ito, ang kanilang kaluluwa ay inilagay sa pinaka mababang parte ng paraiso na kung saan hindi na sila makakaakyat kailan pa man. Dahil nga ang kanilang pinupuntahan ay mayroong aral na itinuturo kay Dante, ipinaliwang ni Beatrice kung bakit nakikitaan ng ilang mga dark spots ang buwan o ang moon.

 

Kahit na gumawa sila ng mabuti, hindi nito matatakpan ang kasalanan na kanyang nagawa.

 

Ang sunod naman ay ang Mercury. Sa bahagi na ito ay nakilala nila Dante at Beatrice ang mga kaluluwa ng mga taong nagiging mabait lamang upang makuha ang kanilang gusto. Sa madaling salita ito ang mga taong panggap lamang ang kabutihan para makuha ang kanilang mga ambisyon.

 

Ang mga kaluluwa na ito ay makikita lamang bilang isang maliwanag na nilalang. Dito ay nakilala nila ang isang Roman Emperor na si Justinian. Si Justinian ay isang Christian Roman Emperor na kung saan kinikilala sa kanyang mga nagawang kabutihan para sa kanyang bayan. Ngunit ayon sa pakikipag-usap ni Dante at Beatrice sa kaluluwa ng taong ito, nasabi niya na ang paggawa ng mabuti para sa sariling kapakanan ay nakakalimot upang magbigay ng pagmamahal sa para sa Diyos.

 

Ang pangatlo ay ang Venus. Ito ang tahanan ng  mga kaluluwa na nakakuha ng pinaka tatlong bahagi ng kalangitan dahil sa kanilang pagmamahal sa tao at sa Diyos. Nakilala niya ang batang prinsepe na si Charles Martel ng Anjou na kung saan sumunod sa mga bagay na nakatakda sa kaniyang buhay.

 

Si Charles Martel ay isang Frankish statesman na isa ding military leader. Nakilala din nila Dante si Troubadour Folco o troubadour Folquet de Marselha , na tumutuligsa sa mga self serving popes at ilang mga cardinals.

 

Ang pang-apat na bahagi ay ang araw o ang Sphere of Sun. Ito ang tahanan ng mga kinikilalang wise men na nabuhay sa mundo. Nakita at nakilala nila sina St. Thomas Aquinas, Boethius, King Solomon, Peter Lombard at si Venerable Bede.

 

Makikilala naman sa panglimang sphere na kung saan tinawag na Mars ang mga holy warriors. Dito rin nakilala ni Dante ang kanyang great-great-grandfather na si Cacciaguida na napatay noong second crusade na naganap noon sa Europa taong 1147 hanggang 1150.

Sa pang-anim ay ang sphere of Jupiter at ito ang kinalalagyan ng mga kaluluwang minsan ay naging rulers sa ibaba ng lupa. Ang mga ito ay nagpapakita ng salitang “diligite iustitiam qui iudicatis terram” o “cherish justice, you who judge the earth”. Sa sphere din na ito ay mayroong isang malaking agila na kumausap kay Dante. Ipanaliwanag ng agila ang divine justice at inscrutability o ang pagiging misteryo nito. Isa sa nakilala ni Dante ang isang Trojan hero na isa ding pagan na si Ripheus. Dahil sa righteousness ng taong ito, nailigatas ito ng Diyos at napunta sa pang-anim na bahagi ng kalangitan.

 

Sa pang-pitong bahagi ng paraiso ay ang sphere of Saturn. Dito nakilala ni Dante ang mga taong buong buhay na nagdadasal sa Diyos. Dito nya rin nakausap si St. Peter Damian at ang kanilang napagusapan ay patungkol sa korupsyon na nagagawa mismo ng ilang mga simbahan. Nakilala din niya si St.Benedict na galit sa hindi pagtuturo ng magandang moral ng mga simbahan noong unang panahon. Naabutan din ni Dante ang mga kaluluwa na akyat baba sa isang gintong hagdanan na ipinaliwanag naman ni St. Benedict na ito ay daanan upang makarating sa pinaka mataas ng bahagi ng paraiso.

 

Doon ay nakapunta sin Dante at Beatrice sa pang walong sphere na makikita sa constellation ng Gemini; ang Fixed Stars. Dito na nila nakita ang ilang mga santo na nakilala sa bibliya katulad na lamang nila Peter, John at James na sinubok ang pananampalataya, pag mamahal at pag-asa ni Dante.

 

Nakilala din ni Dante ang ina ni Jesus na si Virgin Mary, maging si Adam ay kaniya ding nakausap. Nakausap niya ito patungkol sa kung ilang taon na itong nakatira sa Garden of Eden, kung gaano ito katagal nabuhay, ang salitang ginamit nito noong unang  panahon at maging ang dahilan kung bakit nagalit ang Diyos sa kanya. Bago pa makaakyat sa pang-siyam na sphere, nasaksihan pa nila Dante at Beatrice ang pagpaparusa ni Peter sa isang Santo Papa na si Pope Boniface VIII.

Naakyat din nila Dante at Beatrice ang pinaka mataas na bahagi ng sphere, ang Primum Mobile na kinokontrol mismo ng Diyos at ang lahat ng nangyayari sa lugar na ito ay mararamdaman sa walong bahagi ng Paradiso.

 

Dito na nakita ni Dante ang mga anghel at nakita din ni Dante ang liwanag ng Diyos na pinalililbutan ng halos siyam na pabilog na hanay ng mga anghel. Noong sila ay papaakyat na ni Beatrice sa Empyrean, ikinuwento nito kay Dante kung paano nabuo ang mundo, paano nagkaroon ng mga anghel at maging ang pagbuo sa kalawakan.

 

Ayon kay Beatrice, ang kalawakan ay kasabay na nabuhay ng mga anghel. Nakakita rin si dante ng tatlong bilog na liwanag at dito pinaliwanag ni beatrice na ang kanyang nakita ay nagrerepresenta sa ama, sa anak at sa holy spirit. Noon din ay naisip niyang ang tatlong ito ay rumerepresenta sa eternal na pagmamahal ng Diyos.

Backlash:

Dito ay nakita natin kung papaano ba makakapunta ang mga tao sa kalangitan base sa kanilang mga ginagawang kabutihan. Dahil nga hindi din nakaligtas sa ilang kontrobesya ang sulat ni Dante patungkol sa kanyang libro, ayon sa ilang mga Italian NGO, ang libro ay isang “‘racist, Islamophobic and antisemitic’ epic poem ” na kung saan kailangan alisin sa mga klase.

 

Ngunit ang mismong tagapangalaga ng kultura ng Italya ay inaksyunan kaagad ang ganitong kaisipan at hindi hindi ito nagawang alisin sa pag-aaral ng mga kabataan sa eskwelahan.

 

Ang pagtingin ni Dante patungkol sa kalangitan ay masasabing turo upang maintindihan ng mga tao kung paano mamuhay ng mabuti sa mundo. Kung ikaw ay masama ay mapupunta ka sa impyerno, o hindi naman ay sa purgatoryo. Kung ikaw naman ay nagpakita ng pagmamahal sa diyos, maari kang makakuha ng  pwesto sa siyam na bahagi ng paraiso ng Diyos.

 

Hindi man totoong nakapunta si Dante sa mga lugar na ito, hindi rin maitatangi na ang kanyang gawa ay nagbukas sa maraming tao ng kanilang mga isipan. Marami mang hindi naniniwala na mayroon talagang langit at impyerno at maging purgatoryo, minsan din ay maiisip mo; kung wala ang mga bagay na ito ay saan mapupunta ang mga tao kung ito ay mamatay na.

 

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at makain ng garuda ang inyong request.

 

 

Sources

Sources

  1. httpswww.quora.comWhy-is-it-called-the-Divine-Comedy

  2. httpswww.biography.comwriterdante

  3. httpwww.supersummary.comparadisosummary

  4. httpshistorylists.orgart9-spheres-of-heaven-dantes-paradiso.html

  5. httpswww.gradesaver.comdivine-comedy-paradisostudy-guidesummary

  6. https://historylists.org/art/9-spheres-of-heaven-dantes-paradiso.html

  7. https://www.biography.com/writer/dante

  8. https://en.wikipedia.org/wiki/Paradiso_(Dante)

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Cyclops ng Pinas

Ang taong may super power