Danag

Reading Time: 6 minutes

Topics

Kung sasabihin ang salitang may aswang , marahil ay mapapatanong ka kung anong klase ng aswang ang mayroon.Alam na ng mga pilipino na madami nag uri ng aswang, nariyan ang Manananggal , ang tik tik , wak wak iba pa na kinikilalang kumakain sa laman loob ng loob ng tao.

Kung titignan sa ibang parte ng mundo , nagkalat na din ang mga ganitong kwento.Karamihan na kwntong kumakakalat sa ating bansa mamngmula noong unang panahon ay hatid ng mga dayuhan noon sila madako sa pilipinas.

Ang kultura ng isang pilipino ay sabihin na na halo-halo , mula doon , dito , diyan at sa iba pa.Maging ang tao sa pilipinas ay iba iba na ang lahi ngunit iisang salita lamang ang sinasalita.Ngunit hindi natin pag-uusapan kung paano nabuo ang iba’t ibang lahi na mayroon tayo.

Pag-uusapan natin ang isang bagay na marahil ay hindi mo alam o maaring kakaunti lamang ang nakaka alam.Hindi dahil nahaluan na tayo ng ibang kultura ay wala na tayong sariling kwento , kung aaralin ang historya ng Pilipinas ay marami pa naman ang mga kwento na sa atin mismo.

Magpasalamat tayo sa mga taong gumawa ng mga kababalaghan na ito.

Pero bago natin ito simulan, may tanong lamang ako.
Gagawin mo ba nag lahat para sa pag-ibig ?
Maari bang mag-sama ang isang normal na tao at isang kakaibang nilalang ?

Sa dami ng mga kwento patungkol sa sinaunang tao at sa mga nakakakilabot na nilalang kung paano nila kalabanin ito , halina’t balikan natin ang isa sa pinaka unang kwento ng mga tao at ang nilalang na tinatawag na Danag.

History:

Kung ang probinsya ng apayao ang tatanungin patungkol sa pagsisimula ng mga nilalang na kumakain ng laman loob ng tao , ginagawang tubig ang dugo nito.Ayon sa probinsya ay nagsimula ito sa isang payapang pagsasama ng tao at ng nilalang na ito.
Angg Danag ang umpisa ng “Bamparismo” ? Vamparism ? , ayon sa paniniwala sila ang unang maninisipsip ng dugo ng tao noong unang panahon.

Similar Creature:

Kung titignan ang nilalang na ito ay katulad ito ng isang Vampira sa na laganap na kwento sa europa.Isang maninipsip ng dugo.

Makikita natin mula pa noong unang panahon ay uso na ang mga maninipsip ng dugo.Makikilala natin ang iba’t ibang babae na mayroong iba’t ibang istorya na buhay na mula noong matagal na panahon.Sa Greece mayroon silang Empusa , Lamia at mga striges , sa acient india na kilala ang kwento ng mga vetalas.Sa Albanian Mythology , ang kwento ni Shtriga , sa ireland at scothland na mayroong Baobhan sith at Lhiannan Shee.Sa america , africa , espanya na halos may iba’t ibang kwento kung bakit at paano sila naging ganoon na nilalang.

Kung magbababasa tayo at maghahanap pa nang mga sinaunang mga kakaibang nilalang, makikilala natin ang babaeng si Lilith.

So para lamang sa kaunting kaaalaman , may mga naniniwala na Lilith ang pinaka unang babae na ginawa ng Diyos.Kung titingin naman tayo sa medieval folk traditions , si lililth ang unang asawa ni adam bago kay eve, at pinaniniwalaan na iniwan niya si Adam upang maging reyna ng mga demonyo.Ayon sa Ancient mythical tales ng Babylonian ( Iraq ) mayroon silangh kinikilang Lilith.Si lilith ay isang babaeng demonyo na kung saan mahilig kumain ng mga laman loob ng mga bata.

 

Story:

Bago pa dumating ang mga spanyol at ibang lahi ay mayroong ng sinasamba ang mga tao sa ating bansa.Nariyan ang Bathala , diwata , elemento at iba pa.

Ayon sa paniniwala sa bayan ng Apayao , ang mga tao at ang danag ay payapang nagsama at naninirahan sa iisang lugar.Ang danag ay isang kakaibang nilalang na umibig sa isang tao, habang ang dalawang ito ay nag-aani ng kanilang pananim.Hindi inaasahan na nasugatan ang kamay ng taong babae, dahil sa pag-aalala at pagmamahal ng danag nagpresinta itong sipsipin ang dugo upang hindi lumala ang sugat.

Ang sweet hindi ba? ngunit sweet pa kung malalaman mo ang buong kwento?
Sa pagsisip ng danag sa dugo ng babae , nalasahan nito na masarap ang dugo.Dahil sa nasarapan ang danag sa dugo ay hindi niya napansin na patay na ang babae dahil naubos na neto ang dugo.

There’s always a first in eberything ika nga.Dahil nasarapan ang nilalang na ito sa dugo ng tao , tumigil silang tumulong sa pagtatanim at naghanap na lamang ng taong bibiktimahin.

At dito nagsimula ang unang bampira sa pilipinas. 

Ngunit hindi babae ang unang maninipsip ng dugo , kung hindi lalake.
Magandang babae , matandang babae , tahimik na babae.
Bakit lagi nalang Babae ang napagkakamalan na Aswang , manananggal at iba pa.

Alam naman natin na halos lahat ng mga tumutulong sa nanganganak mga nagpapa-anak ay babae, masasabi na kung mayroong masamang mangyari sa bata na nasa sinapupunanan ay dito ang sisi.
Iba’t ibang kwento na ang maglalabasan at kakalat, o di kaya masyado lamang malakas ang pang-akit nang mga babae.

 

Sources

Sources

  1. https://en.wikipedia.org/wiki/Vampire_folklore_by_region
  2. http://georgedelapaz.blogspot.com/2012/05/why-aswangs-in-philippines-are-mostly.html
  3. https://www.aswangproject.com/birth-of-vampirism/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Si Michael The Archangel ba ang tagapagtanggol ng Sanlibutan?

Ang angel ng kamatayan (Jewish Mythology)