Cyclops ng Pinas

Reading Time: 12 minutes

Topics

Hindi lamang sa ibang bansa nabubuhay ang paniniwala patungkol sa isang malaking nilalang, o sa madaling salita ay isang higante. Sa ating bansa ay mayroon ding isang higante na pinaniniwalaan ng mga Cebuano. Kung sa greek merong cyclops, sa US merong shrek, ay teka ogre pala un. Basta cyclops. Sympre hindi rin papahuli ang ating mahal na pilipinas at medyo kakaiba ang pangalan ng nilalang na ito.

Ang Bungisngis. Pangalan pa lang talagang matatakot ka na.

Origins:

Syempre ang kwento sa paniniwala na ito ay naisulat din ni Dr.Maximo Ramos na kung saan isinama niya sa isa niyang libro na “The Creatures of Philippine Lower Mythology”. Ang malaking nilalang na ito ay pinaniniwalaan na nakikipaglaban sa kagubtan ng Meluz, Orion Bataan.

Ang katawagan sa nilalang na ito na “Bungisngis” ay mula sa salitang Cebuano na “Ngisi” na ang ibig sabihin ay “To giggle”. Ang kwento patungkol sa nilalang na ito ay makikita sa isang epiko na mula sa Bicol. Ang epiko ng Ibalong o kilala din sa katawagan na Handiong o Handyong.

Ang epiko na ito ay binubuo ng 60 stanza na naglalaman naman ng iba’t ibang epiko na pinaniniwalaan ng mga taga Bicol. Ang epiko na ito ay inihango naman sa  isang epiko na mula sa mga Indian Hindu na pinamagatang “Ramayana and Mahabharta” na kwento mula pa noong Indianized kindom ng  Srivijaya  noong 7th century.

Mula sa kwento na mababasa sa Ibalong, ang nilalang na ito ay isang higante at ito ay pinanganlanan nilang “Buring”, samantalang sa epiko na mababasa sa Hindu ay pinangalanan itong “Kabandha”. Kung ikaw ay nakinig sa history lesson noong ikaw ay nag-aaral pa, malalaman mong ang mga sinaunang tao sa Ilocos region ay naimpluwesyahn ng ilang Indian Hindu epics.

Ayon sa ilang mga historian, ang impluwensya na naibigay ng Indian ay dahil sa kanilang paglipat sa ating bansa. Ilang mga buto ang ang nahukay at nakitaan ng DNA na maaring mula sa mga Indian na dumating sa ating bansa bago pa makarating ang mga espanyol sa ating bansa. Makikilala din ang ilang kwento ng Bungisngis sa lugar ng Borneo.

Ayon sa history, ang mga nilalang na ito ay gumala sa Luzon at maging sa lugar ng Panay noong  Pleistocene Era. Dahil dito nga nagmula ang buto, marami ang naniniwala na hindi nakuha ng mga taga Pilipinas ang kwento mula sa ibang lahi o sa mga taong lumipat noon sa ating bansa kundi sariling atin ang kwentong ito.

The Story of Bungisngis:

Mula sa mga kwento na nilikom ng isang manunulat na kinilala bilang si Dean S. Fansler sa kanyang librong “Filipino Popular Tales Collected and Edited with Comparative Notes”. Nakuha nito ang kwento mula sa Borneo na pinamagatang “Derr, Pig , and Plandok”.

Well, sa pilipinas ay mayroon namang kwento na pinamagatan na The Three Friends- The Monkey, The Dog, and The Carabao. Ayon sa kwento, ang tatlong magkakaibigan na aso, unggoy at kalabaw ay nagkasundo na pumunta sa kagubatan upang mangaso. Ang tatlong ito ay mula sa siyudad at napagdesisyunan na pumunta sa kagubatan.

Dala nila sa kanilang paglalakbay ang kanilang mga kakainin na kanin, ulam, kutsara at tinidor. Ayon sa kwento, noong una ay ang kalabaw ang naiwan sa kanilang tahanan upang magluto ng kanilang pagkain. Noong makaalis na ang aso at ang unggoy, sinimulan na niya ang pagluluto ng kanilang makakain.

Dahil nga ang kanyang niluluto ay pritong karne, ang ingay mula dito ay narinig ng Bungisngis na naninirahaan din sa kakahuyan. Dahil sa gutom na din ang malaking nilalang na ito, agad niyang pinuntahan ang kalabaw. Hindi  para kainin ang kalabaw ngunit upang makihati sa nilulutong pagkain nito.

Pero noong makapunta na ito sa bahay ng kalabaw ay agad siyang inatake. Dahil sa pag-atake na ito, nagalit ang Bungisngis. Hinawakan nito ang dalawang sungay ng kalabaw at ibinaon ito sa lupa na halos ilang bahagi na lamang ang makikita dito. Matapos niyiang magawa ito ay kinain niya ang lahat ng pagkain na kanyang nakita sa bahay na kanyang napuntahan.

Pagdating ng aso at unggoy sa kanilang tahanan ay nabutan nila ang nakalubog na katawan ng kalabaw at sinabi ng kalabaw ang buong pangyayari. Noong ang aso na ang naiwan sa kanilang tahanann ay wala din itong nagawa upang pigilan ang bungisngis sa pagkain sa kanilang m ga pagkain.

Noon din ay sumunod na naiwan sa bahay ay ang matalinong unggoy. Dahil sa katalinuhan ng unggoy, nagawa niyang mailibing ng buhay ang bungisngis sa ilalim ng lupa. Noong dumating ang kalabaw at ang aso, dahil sa kamangmangan ay hinukay muli nila ang lupa dahil sa kagustuhan na mkita ang higante.

Noong sandaling mahukay na nila ito ay muling nakatakas at agad na pinatay ang aso at ang kalabaw. Hindi niya napatay ang ungoy dahil sa agad itong nakaakyat sa mataas na puno. Mula noon ay mag-isa na lamang gumagala sa kakahuyan ang unggoy. Isang araw habang ito ay naglalakad ay nakakita ito ng isang pukyutyan ng mga bubuyog.

Inisip niyang maghigante at balikan ang malaking nilalang na pumatay sa kaniyang mga kaibigan. Noong una ay naloko niya ang higante at nagawa niya itong paakyatin sa puno na pinamamahayan ng malaking pukyutan. Napaniwala niya ang higante na isa itong dambana na kailangan patunugin sa tamang oras. Noong sandaling galawin na ng higante ang pukyutan ay naglabasan ang mga bubugyog, dahilan upang siya ay makagat ng mga maliliit na nilalang na ito.

Dahil sa sobra nitong galit ay siya na mismo ang naghanap sa unggoy upang makapag higanti. Sa kanyang pagahahanap ay nakita niya ang unggoy na nakikipag laro sa malaking ahas.

Doon nahuli niya ang unggoy, ngunit dahil na din sa kahinaan ng utak ay nautakan muli siya ng unggoy. Nagawa ng unggoy na ipalupot ang malaking ahas sa bewang ng malaking nilalang. Dahil sa hindi alam ng higantena isang ahas ang pinalupot sa kanyang katawan natuklaw sya nito at duon na nga namatay ang bungisngis.

Characteristic:

Ayon sa ilang paglalarawan,  mayroon itong nagiisang malaking mata na makikita sa noo kagaya ng isang cyclops ng greek hindi ng xmen. Ang higante na ito ay palaging humagikgik kaya ito binansagang bungisngis. Kung titignan ang katawan nito ay katulad ng isang tao na mayroong dalawang paa at dalawang kamay at ito din ay nakakatayo ng maayos.

 

Mayroong itong malalaking ipin na kung saan palaging nakalabas at sa tuwing ibinubuka niya ang kanyang bibig ay tuluyan nang matatkpan ang kanyang buong mukha dahil sa kapal ng labi nito. Asan ka na angelina jolie. Wala kang binatbat sa bungisngis ng pinas. Kung sayo may pouty lips, sa amin merong halimaw lips. Literal na halimaw.

Ang nilalang na ito ay pininiwalaan na mayroong ding dalawang ngipin sa itaas ng kanyang magkabilang bibig. Ang laki ng nilalang na ito ay aabot sa halos sampong talampakan at nagtataglay ng bigat na 850 pounds.

 

Tulad nga nang nasa kwento, makikita na mayroon itong napakalas na pandinig at kakaibang lakas na kaya niyang patumbahin ang isang kalabaw. Ngunit makikita din sa kwento kung paano ang higante ay ilang beses na naloko ng unggoy. Dahilan upang malaman na kahit malakas ito sa pangangatawan ay mahina lamang ang utak nito.

Similar Mythology:

Kung ating titignan, ang nilalang na napakalaki at iisa lamang ang mata, maiisip natin na ito ay isang Cyclops. Ang nilalang na ito ay hango mula sa kwento ng mga griyego. Ang “Cyclops” ay pinaniniwalaan na mayroong sariling  pamumuhay at walang sinusunod na batas na nakatira sa isang malayong lugar.

 

Mula sa kilalang manunulat na si Homer, inilarawan niya ang mga cyclops sa kanyang kwentong Illiad. Ayon sa sulat ni Homer, ang mga ito ay isang nilalang na kasama ng ilang hayop habang naglalakbay. Ngunit kahit na sila ay mayroong ganitong ugali, maari pa din itong maging masama kung kakalabanin.

 

Inilarawan din ito ni Homer bilang lakas lamang ang maipagmamalalaki sa sarili. Ang pinaka kilalang Cyclops na nabuhay sa kwento ni Homer ay kinilala bilang si Polyphemus na anak ni Poseidon at Thoosa. Ayon sa ilang mga pag-lalarawan sa higante na ito, ipinakilala din ito sa Odyssey na gawa ni Homer na sadista at kumakain ng tao.

 

Kung maghahanap naman tayo ng ilang nilalang na makikita sa bibliya, makikilala natin si Goliath. Ito ay hindi man katulad ng bungisngis ng pinas at cyclops ng greeks na may isang mata, maihahalintulad naman ang pangangatawan, tangkad at pagiisip nito sa 2 nabanggit na nilalang. Kagaya ng bungisngis na natalo ng isang unggoy at ang cyclops na natalo ng isang tao, si Goliath ay hindi naiiba dito dahil sya din ay natalo ng mas maliit sa kanya at mas mahina kung lakas ang paguusapan.

Modern Representation:

Kung titignan natin sa panahon ngayon, ang ugali at kakayahan ng nilalang na ito ay makikita natin sa ilang mga tao na nabubuhay ngayon. Marami nito sa school hopefully hindi ka isa sa kanila, oo ikaw na nakikinig dito ngayon. Ang tinutukoy ko ay ang mga taong nambubully.

Laganap ito sa school.Ang mga bully na tao ay siyang palaging gumagamit ng lakas upang matapakan ang isang maliit na tao o hindi naman ang taong walang kalaban laban.

 

Kung ating titignan, karamihan sa mga bully ay mga taong wala namang ibubuga pagdating sa kanilang mga iniisip.Pagdating sa mga academics na kung saan mababa ang kanilang mga grado.Wait, hindi naman sa hinuhusgahan ko sila, pero let’s face reality na ganito ang mga bully mula noon hanggang ngayon.

 

Ang mga ito ay matatapang, ngunit walang binatbat kapag ginamitan ng utak ng kalaban. Ang mga malalakas na nilalang na ito ay walang alam kung hindi mang-away ng mang-way.

Katulad na katulad ng bungisngis sa ating kwento na kung saan matapos kang bullyhin ay pagtatawanan ka. Pero kagaya ng ibang mga kwento, maliit man sa paningin ay nakakapuwing din. Sa kaso ng mga nakwento natin, hindi lang sila napuwing, nabulag sila.

 

Tandaan na hindi sapat ang tangkad at ang laki upang mabuhay sa mundo. Hindi din ito kailangan gamitin sa kasamaan upang makapanglamang sa kahit sinong tao. Kung malakas ka naman ngunit ikaw ay walang utak, wala din mangyayari sa iyo. Sa lahat ng kwento ay makikita na ang mga malalaking nilalang na ito ay natalo lamang ng mga nilalang na mas maliit pa kumpara sa kanila. Nawa ay magsilbi itong aral sa lahat ng bully dyaan.

 

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at makain ng minokawa ang inyong request.

 

 

Sources

Sources

  1. https://www.aswangproject.com/bungisngis/
  2. https://en.wikipedia.org/wiki/Bungisngis
  3. https://erwinc09.wordpress.com/tag/bungisngis/
  4. https://cryptidz.fandom.com/wiki/Bungisngis
  5. https://mythology.wikia.org/wiki/Bungisngis
  6. https://www.ancient.eu/Cyclops/
  7. https://erwinc09.wordpress.com/tag/bungisngis/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang 8 ulo ahas ng japan

Dantes Paradiso