Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 7 minutes
advanced divider

Sa dinami-dami ng Diyos na pinaniniwalaan ng mga Griyego, hindi masyadong napapansin ang ilan sa pinakamatandang nilalang na nabuhay na minsang pinaniwalaan at sinamba ng mga tao. Malamang ay kilala mo na sila Zeus, Hades, Poseidon at ang ilan pa sa kanilang mga kapatid na kilalang kilala na din sa halos buong mundo.

Kilalanin natin ang isa sa pinaka unang titans na nabuhay sa paniniwala ng mga Griyego, si Coeus.

Representation:

Coeus by chamakoso on DeviantArt

Ayon sa Kwento ni Hesoid, ang mga Titans ay ang anak ng pinaka unang dietes na sina Uranus na humahawak sa langit at Gaia na humahawak sa mundo. Mula sa dalawang deities na ito, pinanganak ang 12 Titans.

Hindi natin pag-uusapan ang lahat ng Titans bagkus ang isa lamang sa kanila. Ito ay si Coeus na siyang pang lima sa magkakapatid. Ayon sa paniniwala patungkol kay Coeus, ito ang lord of the North. Si Coeus ang kinikilalang nagreresolba ng kahit anong problema at nagtataglay ng kakaibang talino at kakayahan.

Ang kanyang pangalan ay naglalaman ng kahulugan bilang pagtatanong, para sa paniniwala ng mga Roman, kinikilala nila si Coeus bilang si Polus. Dahil sa pangalan ni Coeus, pinaniniwalaan na siya din ay Titan ng paghahanap ng kasagutan.

Si Coeus na din ang kumatawan sa celestial axis na nakapalibot sa mundo. Siya din ay ang titan ng norte at naiuugnay sa sobrang lamig which make sense dahil nga titan sya. Hindi lang yan, ayon sa greek ang norte ay isa sa pinakadelikadong lugar kaya naman si Coeus ay mailalarawan din na malakas.

Story:

Coeus, Titan of intellect and the axis of heaven around which the ...

Ayon sa kwento ni Hesoid, ito ay nakipag isang dibdib sa kanyang kapatid na babae na si Phoebe na siyang Titan ng liwanag at propesiya. Ang dalawang ito ay nagkaanak na kinikilala bilang 2nd generation na ng mga Titans.

Ang kanilang anak ay sina Lelantos na siyang naging Titan ng hangin at Leto na siyang Titan ng motherhood. Kung kikilalanin ng mabuti si Coeus, ito na mismo ang pinaka matalinong Titans sa labing dalawang magkakapatid. Hindi man ito nabigyan sapat na atensyon ngunit ang kanyang katauhan ay naging mahalaga para sa kanyang mga anak.

Ang magkapatid na Phoebe at Coeus ay nabigyan ng kakayahan na makakita ng hinaharap. Ang kanilang anak na Leto ay isa sa naging asawa ni Zeus, dahilan upang maging apo nila ang kambal na sina Apollo at Artemis. Ang kakayahan ni Coeus na makakita ng hinaharap ay kanyang ipinasa sa Diyos na si Apollo.

Dahil sa talino ni Coeus, ito na mismo ang iniisip na dahilan ng mga mag-aaral ng theogony at Greek mythology kung bakit nakatagal ang mga Titan sa sampong taon na labanan sa mga Olympian Gods. Ngunit sa bandang huli ay natalo ang mga Titans at naikulong sa Tartarus.

Hindi lamang natapos ang kwento ni Coeus sa pagkakulong sa Tartarus, ayon sa ilang paniniwala ay nakawala ito at umakyat muli sa langit upang makapaghiganti. Hindi nito nagawa ang paghihiganti dahil nagawa siyang pigilan ng three headed beast na si Cerberus. Mayroon naman isang paniniwala na si Coeus at maging ang iba pang mga Titan ay pinakawalan mismo ni Zeus. Ang ilan ay naniniwala na mula noong ito ay nakawala ay bumalik ito sa north pole at ngayon ay nagsisilbing north star.

Characteristic:

Coeus

Ayon sa paglalarawan kay Coeus at maging sa mga Titans, hindi lamang sila basta higante ngunit isang malaking nilalang. Inilarawan ito bilang lalaking may mahabang buhok at mabalbas at ang kanyang kakaibang mata na inilarawan bilang pabilog at malaki dahil na din sa kanyang pagtingin ng malawak sa isang bagay o sitwasyon.

Si Coeus na din ang isa sa kumakatawan bilang pillars na humahawak sa mundo at sa kalangitan. Katulad nga nang nasabi ko kanina isa sa kakayahan ni Coeus ay pagkakita ng hinaharap. Nagagawa nitong marinig ang boses ng kanyang ama na si Uranus mula sa kalangitan.

Ayon sa ilang mga research, hindi sigurado at walang kwento patungkol sa pagiging “Prophetic” na kakayahan ni Coeus.Ang ilan ay naniniwala na maaring nalalaman lamang niya ang mangyayari dahil sa labis niyang katalinuhan at dahil na din sa kanyang malawak na pag-iisip.

Sa panahon ngayon, hindi man pinaniniwalaan ng ilang mga tao ang mga kwento patungkol sa mga Titan at mga Diyos.Makikita pa din natin ang mga ito sa mga taong ating nakakasalamuha ngayon.Well, hindi sila Diyos kung hindi isang normal na tao.

Ang mga taong may malawak na pagtingin sa isang bagay at alam nila kung paano ito kaharapin.Ang mga taong hindi basta basta gumagawa ng desisyon ngunit mabuti nila itong pinag-iisipan.Ang mga taong naghahanap ng isang magandang solusyon upang masugpo ang isang napakalaking problema.

Ito ang mga taong kailangan ng lipunan at mundo.Kung ang isang tao ay gagawa ng mga bagay na hindi man lamang niya pinag-isipan, maaring ang epekto nito ay hindi maganda at makasama pa sa iba.

SOURCCES

Sources

  1. https://www.greek-gods.org/titans/coeus.php
  2. https://greekgodsandgoddesses.net/gods/coeus/
  3. https://greekmythology.com/Titans/Coeus/coeus.html.amp
  4. https://greekmythology.wikia.org/wiki/Coeus
  5. https://www.greekmythology.com/Titans/titans.html
  6. https://classicalwisdom.com/mythology/gods/titans-of-greek-mythology/ www.ancientgreece.com/s/People/Hesoid
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.