Cerberus

Reading Time: 9 minutes

Topics

Pagsinabing aso, panigurado ang iilan satin lalo na ung mga lalaki nangarap magkaroon ng isang aso na may tatlong ulo, i myself, minsan ko din naisi na sana nagkaroon ako ng alagang aso na katulad ni cerberus.

Pero alam nyo ba si Cerberus ay isang working dog? Yes he was identified as a hellhound pero ang kanyang purpose ay magbantay which is normally seen sa mga working dogs.

Parents and siblings:

Sympre magsisimula muna tayo sa kung sino ang mga magulang ni cerberus. Ang kanyang tatay ay isang halimaw na tinatawag na typhoon. Isa itong dragon like monster, sa sobrang nakakatakot ng itsura nito ang iba sa mga olympian gods ay tumatakbo papalayo dito. Si Athena at si Zeus lamang ang nakatalo dito.

Habang ang kanyang nanay naman ay ang echidna. Isang kalahitng tao, kalahating ahas. Nakatira ito sa isang kweba kung saan kinakain ang mga lalaking papasok dito.

si Typhoon at Echidna ang nagbigay buhay sa iba’t ibang halimaw sa norse mythology at halos karamihan sa kanila ay marami ring ulo. Isa na nga dito ang Hydra, ang Chimera at Ang two headed hellhound na si Orthus.

Heads:

Ang pinakapopular na paglalarawan kay cerberus ay mayroon itong 3 ulo. Ang tatlong ulo ay may kanya kanyang representasyon, ang present past at future habang ang ibang sources naman, ito daw ay nagrerepresenta ng birth, young at old age.

Ang pinakaunang description ni Cerberus ay nuong 8th-7th Century Before Common Era at ayon sa Theogany ni Hesiod, meron itong 50 ulo. Habang si Pindar naman ay binagyan ito ng 100 ulo. Pero ang mga sumunod na manunulat ay binigyan na lamang ito ng 3 ulo.

Habang ang ibang manunulat ay inilirawan si Cerberus na mayroong 50 heads pero mas inelaborate nila ito kung saan ang 3 dito ay ulo ng aso at ang 47 ulo ay mula sa iba’t ibang hayop.

Snake descendant:

Ang latin poet na si Horace ay inilarawan si Cerberus na isang ulo ng aso at isan daang ulo ng ahas. Posibleng ito ay dahil sa mga magulang ni Cerberus kung saan ang nanay ay kalahating ahas na halimaw at ang kanyang tatay isang halimaw na may ulo ng ahas. So we can see na mayroong snake genes.

Hindi lang si horace ang naglarawan kay Cerberus na may snake characteristics. Si Hecateus of Miletus ay inilarawan si Cerberus bilang isang malaki at makamandag na ahas.

Ang ibang mga manunulat binigyan sya ng nakakalasong hininga, ang mga balahibo nito ay matutulis at mayroong buntot ng isang ahas. Mayroon din itong mata na umaapoy at may tatlong dila.

Pero sympre hindi yan ang nakilala natin. Sa bawat description parang mas napapalapit na ito sa chimera kumpara sa cerberus.

Personality:

Kahit na pangit at nakakatakot ang itsura ni Cerberus, hindi naman sya isang demonic creature.

Sa katanuyan kagaya ng ibang mga aso, loyal si Cerberus. Devoted sya sa kanyang amo na si Hades at nuong binigyan ito ng trabaho ni Hades, ginawa nya ito.

2 utos lang naman, walang mortal na makakapasok at walang kaluluwang makakalabas. Ang lalabag dito ay pipirapirasuhin ni Cerberus. Nakakatakot diba? Pero we got to understand, ito ay utos ng kanyang amo, hindi sya basta basta aatake ng walang dahilan.

Story:

Nuong natalo na si Typhon, si Zeus ay hinanap ang asawa nito na si Echidna pero nagtago ito dahil sya ay naglalabor ng mga panahong iyon. Natagpuan din ni Zeus si Echidna pero bago pa mabigay ni zeus ang kaparusahan pinigilan sya ni Hera, ang asawa nito. Si Hera mga boss ang goddess of marriage, womanhood and birth.

Hindi papapayagan ni Hera na mapaslang ang isang ina na nagbigay ng buhay sa kanyang anak regardless kung ito pa ay halimaw. Kaya’t walang nagawa si Zeus kundi pabayaan si Echidna at ang mga anak nito.

Dahil sa ginawa ni Hera, tinanaw ng halimaw na isang utang na loob ito kaya’t inalay nya sa diyosa ang pinakamatanda nyang anak, si Cerberus bilang alay dito.

Si Hera ay nandiri sa itsura ni cerberus pero alam nya na hindi nya pwedeng tanggihan ang offer ni echidna lalo na’t pwede nya itong maging kakampi. Kaya’t tinanggap nya ang offer ni echidna pero binigay nya ito sa kanyang kapatid na si hades bilang regalo.

Si Hades naman inalagaan si Cerberus at trinain nya ito para magsilbing bantay sa lagusan ng underworld. May batas na binigay si Hades, ito ay wag papasukin ang mga buhay at wag palabasin ang mga patay. May ibang bersyon naman kung saan binabanggit na pwedeng pumasok ang sinuman pero walang makakalabas.

at yan mga boss ang kwento kung papaanong naging bantay ng underworld si Cerberus. Pero sympre hindi pa natatapos jan ang kwento dahil si Cerberus ang pinakamhirap sa 12 lbaors ni Heracles.

12 Labors:

Ang pinakahuling labor ni heracles ay dalhin si Cerberus sa lupa para mapatunayan ang kanyang lakas at katapangan. Nalaman ni Heracles ang daan papuntang underworld at bumungad sa kanya si Cerberus, pero hindi nya ito inatake, bagkus dumiretso sya kay hades.

Si Heracles ay humingi ng permiso kay hades na dalhin si Cerberus sa lupa. Nagulat at naimpressed si hades dito pero sympre si heracles ay basta na lang sumasabak ng hindi nagiisip.

Sa sobrang impress ni hades sa pinakita ni hearcles, pinayagan nyang dalhin nito si cerberus pero may mga kundisyones. Ang unang kundisyon, hindi nya papatayin si Cerberus, ibig sabihin walang sandatang gagamitin.

Ang 2 kondisyon ay kailangan ibalik ni Heracles si Cerberus matapos ang labor nito at ang pangatlo at huling kondisyon ay kailangang sabihin ni hearcles kay hades kung sino ang nagutos sa kanya na kuhanin si cerberus.

Si Heracles at si cerberus ay nagpangbuno. Malakas si Cerberus at mas nakakalamang dahil sa tatlong ulo nito. Sa sobrang lakas ng paglalaban ng dalawa, ang lupa na kanilang tinatapakan ay nag crack at ang mga pader ay gumalaw sa pagsasagupaan ng dalawa. Ang plano ni Heracles ay patulugin si Cerberus para madala nya ito. Hineadlock nya si Cerberus at sinubukan nitong manlaban pero hindi rin nagtagal ay natalo ito.

Si King Eurystheus ang nagutos kay heracles na kuhanin si cerberus at akala nito na hindi magtatagumpay kaya’t takot na takot ito ng bumalik si hearcles dala dala si cerberus. Hindi na nagpakita ang hari kay heracles at pinabalik ang halimaw kung saan ito nararapat.

Nuong pabalik na si hearcles at cerberus sa underworld, si hades ay lumitaw sa hari at tinanong nito kung sino ang nagutos sa hari na kuhanin si cerberus sa underworld at pinaliwanag nito na galing ang utos sa kanyang kapatid na si Hera. Ayon sa kwento, binisita ni Hades si Hera at binalaan na kung mauulit muli ang pangyayari, sya na mismo ang makakaharap ni hera.

Other Versions:

May iba’t ibang kwento tungkol sa pagkakakuha ni heracles kay cerberus, ang nabanggit kanina ay ang most common version. Ayon sa early sources, si Heracles ay nilabanan si Hades at nainjure ito ng pana ni Heracles.

Katulad ng nauna, sinabi ni Hades na kailangan magapi ni hearcles si Cerberus ng walang sandata, nagawa naman ito ni heracles subalit hindi pumayag si Hades kaya’t pinana nya ito.

May ibang bersyon naman kung saan si Heracles ay winelcome ni Persephone na parang isang kapatid. Si persephone ang asawa ni Hades. Ayon sa bersyon na ito, binigay ni persephone si Cerberus ng nakatali na kay heracles.

Hanggang dito na lang muna mga boss sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang angel ng kamatayan (Jewish Mythology)

Paano kung wala tayong anino?