Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 11 minutes
advanced divider

Noong unang panahon, bukod sa paniniwala patungkol sa mga Diyos, ang mga ito ay nagbibigay ng kanilang pananampalataya at pagsamba sa tinatawag na Pagan gods. Kilalanin natin ang isa mga Pagans na hanggang ngayon ay kinikilala pa din ng ilang tao. Si Brigid.

History:

Brigid | Mythology Wiki | Fandom

Si Brigid, Brigit o Brig ay isang Diyos na siyang pinaniniwalaan ng mga Pre-Christian sa bansang Ireland. Ito ay makikilala sa mitolohiya ng old Irish na miyembro ng tinatawag na Tuatha De Dannann o tribo ng mga Diyos. Ayon sa history, maaring si Brigid ay ang kasunod ng kinikilalang goddes of dawn ng mga Indo-European.

Mababasa mula sa Cormac’s Glossary na isinulat noong 10th century ng mga Kristyanong monghe kung paano nila kinilala si Brigid. Ayon sa sulat, si Brigid ay Diyos na kinahuhumalingan ng mga manunulat ng tula. Ang kanyang pangalan na mula sa Proto-Celtic na Briganti na ang ibig sabihin ay “the exalted one” o “the high one”, na naging dahilan upang ito ay ikonekta sa araw at sa apoy.

Pinaniniwalaan din na si Brigid ang diyosa ng mga wells o mga balon dahil sa kanyang koneksyon sa mga daanan o pinagdadaluyan ng mga tubig. Binigyan din ito ng sariling araw kung kailan dapat na ipagdiwang. Ang mga balon at mga daanan ng tubig sa ilang bayan ng Ireland ay binibigyan ng alay tuwing ika-unang araw ng Pebrero na siyang simbolo din na patapos na ang tag-lamig.

Ayon din sa paniniwala, ito ay nakikitaan ng maraming similaridad sa sinasambang patron saint ng Ireland na si St.Brigid ng Kildare.

Story:

Brigid. Imbolc by TerraIncantata.deviantart.com on @DeviantArt ...

Ito ay isinilang noong February 1st at anak ng mag-asawang Daghda at Morrigan. Dahil sa kilalang hindi maalagang diyos ang kanyang ina na si Morrigan, si Brigid ay lumaki sa ibang mundo na tanging isang baka na kulay puti at mayroong pulang tenga ang nagbigay ng gatas at nagpalaki dito.

Mula sa mundo na ang tanging laman ay isang puno ng mansanas at ang mga bubugyog ay lumilipad mula sa mundo na ito papunta sa iba pang mundo. Pinaniiniwalaan na ang diyosa na si Brigid ay mahiling magbasa at matuto ng maraming bagay, dahilan upang ito ay magtayo ng isang maliit na lugar sa Kildare. Dito ay ginawa niyang paaralan ang lugar na kung saan ang mga gustong matuto mula sa kanya ay kailangan magtagal ng sampong taon sa lugar na ito.

Mula sa kaalaman patungkol sa mga gamot, sa pagtatanim at pag-gawa ng iba’t ibang bagay na makakatulong sa mga tao. Pinainiwalaan na pagkatapos ng sampong taong pagtuturo sa mga ito, ang kanilang pangalawang alituntunin ay ang pagtanggap ng trabaho mula sa Diyosa, mula sa paggawa ng mga bagay at pagtatayo nito at huling sampong taon upang turuan naman ang mga susunod na henerasyon na nais ding matuto.

Tatagal ng tatlongpung taon ang mga taong nais matuto mula sa diyosa na si Brigid. Pinaniniwalaan na makikita sa kanyang lugar sa Kildare ang mahiwagang balon na nakakapag-pagaling, ang isang oak tree at isang sagradong apoy. Ang kanyang labing siyam na tagasunod na babae ay kailangan bantayan ang apoy na ito.

Ang bawat isa sa mga babae na ito ay kailangan bantayan kada araw ang apoy at dapat masigurado na hindi ito mamatay hanggang sa sumapit ang ika dalawampung araw. Pinaniniwalaan na ang apoy na ito ay mula kay Brigid dahil noong ito ay ipinanganak ay mayroon itong apoy na nakapalibot sa kanyang noo.

Pinaniniwalaan na kung matapos ito ng kanyang mga tagasunod, magbibigay ito ng kahit anong gantimpala. Dahil dito ay sinimulan ng mga taong ito na maghulog ng mga barya sa balon na isang gawain upang pasalamatan at galangin ang diyosa. Pinaniniwalaan si Brigid ang nagsisindi ng isang apoy sa puso ng mga manunulat at musician upang ang mga ito ay mas lalo pang gumaling at mahalin ang kanilang ginagawa.

Dito ay nakilala din ang isang kwento patungkol sa dalawang lalaking may karamdaman na leprosy o mas kilala natin bilang ketong. Ayon sa kwento, pumunta ang dalawang lalaki upang humingi ng tulong sa diyosa para sila ay gumaling sa kanilang karamdaman. Doon ay sinabi nito na kailangan mapaliguan ang dalawa sa kanyang mahiwang balon hanggang sa gumaling na ang sakit nito sa balat.

Matapos mapaliguan ang isang lalaki, gumaling ito at nawala na nang tuluyan ang kanyang sakit. Ngunit noong pagkakataon na nang isa na siya naman ang paliguan, nandiri ang gumaling na lalaki na kung saan ayaw na niya itong madikitan at mahawakan pa. Noong malaman ni Brigid ang nangyari, ibinalik ng dyosa ang sakit sa naunang lalaki at ang tanging ginamot ay ang pangalawang lalaki.

Pinaniniwalaan na si Brigid ay naikasal sa isang batang hari na si Breas. Ayon nga sa kwento, ang dalawang ito ay nagkaroon ng anak na kanilang pinangalanang Ruadhan at lumaki bilang magiting na mandirigma. Noong nagakroon ng labanan sa pagitan ng kanyang anak at sa mga taong kalaban ng kanyang ama, napatay si Ruadhan sa labanan. Ito ang dahilan upang gumawa ng isang tunog si Brigid na naging dahilan upang matigil ang labanan.

Characteristic:

Honest Myth:Celtic- Brigid | EspressoComSaudade

Kilala si Brigid sa iba’t ibang bansa mula sa iba’t ibang pangalan. Pero ang itsura nito at ang paglalarawan ay iisa lamang. Ito ay tinatawag na Triple Goddess dahil sa kanyang tatalong mukha. Ang kanyang mukha ay sumisimbolo sa bawat kakayahan ng diyosa. Kung minsan ay kilala din ito bilang Three mothers o hindi naman ay three sister.

Mula sa mitolohiya ng mga Griyego, ang tatlong mukha ni Brigid ay sumisimbolo sa tatlong bahagi ng buhay ng isang babae. Ang pagiging dalaga, pagigging asawa at ang pagiging matanda nito. Ngunit ayon sa pinaka kilalang paninwiala sa tatlong mukha ni Brigid, ang una nitong mukha ang Fire of the heart na siyang goddess ng fertility, family, childbirth at healing.

Ang pangalawang mukha nito ay ang Gire of Forge na siyang goddess nang kapayapaan at hustisya. Ang pinaka huli ay ang Fire of Inspiration na siyang simusimbolo sa pagmamahal sa musika, sa tula, sa kasaysayan at taga protekta ng mga karunungan patungkol sa kuultura.

Noong ngang dumating ang Kristyano sa Ireland, natakot ang mga ancient Ireland na ang kanilang minamhal na diyosa ay kilalanin ng mga Kristyano bilang isang masamang nilalang. Ito ay kanilang ipinakilala bilang santo. Pinaniniwalaan na ang ilang mga paninwiala sa Ireland ay kanilang ginawang santo upang hindi mawala sa isipan at patuloy na sambahin ng mga tao.

St. Brigid:

A Tale of Two Brigids: A Celtic Goddess and a Christian Saint ...

Nuong middle ages, ang diyosang si Brigid ay iniugnay sa isang christian saint na may parehong pangalan. Si St. Brigid ay inuugnay din sa sagradong apoy na binabantayan ng 19 na madre sa kanyang sanktuaryo. Ang sagradong apoy ay napapalibutan ng bakod na walang sino man ang makakapunta dito. Kung sino man ang pupunta dito ay mababaliw, mamatay o hindi naman ay malulumpa.

Ang tradisyon na ang mga babaeng priestress ay sagrado ay kadalasan ding nababanggit sa indo-european pre cchristian spirituality. Isa na nga dito ang Roman Godess na si Vesta at ang hearth goddesses na si Hestia.

Ang godess na si Brigid at ang st. Brigid ay naiuugnay sa banal na balon sa kildare at marami pang lugar sa celtic lands.
Other mythos:

Sa haiti kilala ang isang vodou spirits. Kagaya ni brigid, kinuha din dito ang kanyang pangalan. Kinilala si Maman Brigitte sa haiti, asawa ni Baron Samedi. Si Maman Brigitte ay unique sa ibang vodou spirits dahil sya lang ang non afriican spirits na mayroong maputlang balat at pula o kayumangging buhok kagaya ng orihinal na si brigitte.

Si maman brigitte ay may kapangyarihan sa buhay, kamatayan, fertilifty, cemeteries at motherhood.

Modern Representation:

Kung ating titignan sa panahon ngayon, ang pagmamahal ni Brigid sa pagtuturo at pagbabasa ay makikita natin sa ating paligid. Makikita natin ito sa mga guro na nais turuan ang kanilang mga estudyante. Mula sa buhay, sa paggawa ng isang bagay at sa pagbuo ng kanilang pangarap na nais nilang makamit. Sa tagal ng panahon na pagtuturo ng guro, ang kanyang mga estudyante ay matututo sa buhay at mapupuno ng kaalaman ang kanilang utak.

Ang mga mabubuting guro ang humuhulma at tumulong upang ang isang bata o estudyante ay magkaroon ng kakayahan na makaisip sa kanyang sariling kakayanan at magawa ang kanyang sariling kagustuhan. Tulad ni Brigid na siyang Goddess ng compassion, inspirasyon at wisdom. Ang mga guro ang isang mabuting guro ang makakapagbigay ng inspirasyon sa kanyang istudyante upang marating nito ang kanyang panagarap.

SOURCCES

Sources

  1. https://goddessgift.com/goddess-info/meet-the-goddess/brigid/
  2. https://bardmythologies.com/brigid-the-goddess/
  3. https://mythopedia.com/celtic-mythology/gods/brigid/
  4. https://en.m.wikipedia.ord/wiki/Brigid
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.