Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 9 minutes
advanced divider

Minsan ba naisip mo kung bakit dapat ay palaging mayroong bantay ang isang kabaong nuong ito ay pinaglalamayan? Diba sabi pa ng mga matatanda, kaialngan may isa daw gising para magbantay sa patay. Dati naisip ko baka aalis ung patay kaya pinapabantayan o di naman kaya para bantayan ung mga kukupit sa abuloy. Pero nuong tumanda ako duon ko napagtanto kung bakit kailangang may isang kinakailangan na gising kapag naglalamay.

Nakilala mo na ba ang isang nilalang na pinaniniwalaan na nagnanakaw ng isang patay na katawan? Hindi mga embalsamador o mga purenarya ang tinutukoy ko. Isa itong nakakakilabot na nilalang. Nilalang na sa pelikula lang natin nakikita.

Ang Balbal.

Parang salitang kanot lang diba? Parang hindi naman ganun nakakatakot base sa pangalan. Well do not let the name fool you.

Origins:

BALBAL figure by Me by Iaaaaaaaaaan | Cool mythical creatures ...

Ayon sa ilang mga research, ang nilalang na ito ay isa sa naisulat na sa libro ni Dr. Maximo Ramos sa kanyang “The Creatures of Philippine Lower Mythology”. Ngunit ang pinagmulan talaga ng kwento na ito ay mula sa mga Tagbanua na makikilala sa northern Palawan. Ayon sa ilang mga pag-aaral patungkol sa tribo na ito, pinaniniwalaan na ito ay maaring descendants ng mga Tabon Man na kung saan ang kanilang lahi ay isa sa pinaka unang namuhay dito sa ating bansang Pilipinas.

A little info tungkol sa Tagbanua o Tagbawa, ipinapakita ng mga ito ang mga natural na kulay at ilang natural na itsura ng mga Pilipino. Ang pagiging kayumanggi ng balat, mapayat at ang mga buhok nito ay tuwid lamang.

Ngunit hindi lamang ang tribo na ito ang naniniwala sa Balbal pati na rin ang mga Bagobo na isang din tribo na makikilala naman sa Mindanao. Subalit iba ang tawag nila dito, mas kilala nila ito bilang Busaw. Samantalang sa Hiligaynon ay mayroon silang kinikilalang Calag, ang mga Tinguian naman sa Abra ay tinatawag itong Ebwa, at sa Apayao naman ay Wir-wir.

Ayon sa paniniwala patungkol sa itsura at buong katauhan ng nilalang na ito, mayroon itong matutulis na kuko pati na din matutulis na ngipin. Ito ang kanyang ginagamit upang mabuksan at makain ang katawan ng patay na kanyang ninakaw. Ang hininga nito ay hindi makakaligtas sa iyong ilong, dahil sa sobrang baho dahil na din sa kaniyang mga kinakain na laman.

The Story of Balbal:

BALBAL by Lan Balba | Mythical creatures, Philippine mythology ...

Ayon sa paniniwala at mga kwento, ito ay isang masamang nilalang na nangunguha ng mga taong malapit nang mamatay. Ngunit mas maraming naniniwala na ito ay nangunguha ng katawan ng taong namatay bago pa ito maiburol. Sa tuwing sila ay nakakaamoy ng isang taong malapit nang mamatay o hindi naman ay isang taong nakaburol na, ito ay papasok sa bahay upang makuha ang katawan ng taong ito.

Ito na nga ang dahilan kung bakit, kailangan ay mayroong bantay ang isang bangkay sa isang burol. Natatakot ang ilan na makuha ito ng isang halimaw at gawin na lamang isang hapunan. Ayon sa paniniwala, kapag nakuha na niya ang katawan ng kanyang biktima, syempre malalaman ito ng pamilya kung kayat ginagamitan ito ng mahika ng balbal para sa mga mata ng pamilyang nagluluksa ay nanduruon pa rin ang kanilang yumao pero hindi nila alam, ito ay magiging hapunan na ng isang halimaw.

May ilan din namang paniniwala na, mag-iiwan ito ng isang katawan ng saging sa mismong kabaong ng kanyang biktima. Sa sandaling makuha na nga ng balbal ang katawan ng yumao, ilalagay nya ang katawan ng saging sa kabaong na magisilbing pamalit sa bangkay. Pero sympre hindi katawan ng saging ang makikita ng pamilya bagkus ang kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa paniniwala, malalaman ng kapamilya ng namatay kung ang kanilang bangkay na pinagluluksaan ay ang totoong katawan kapag tumingin ito sa finger print ng namatay. Kung ang mga kamag-anak ay walang nakitang finger print, ang ibig sabihin ay hindi na totoong katawan ang kanilang ililibing. Pero sino ba naman ang bubuksan ang kabaong para icheck ang finger print diba? Ano un kukuha lang ng nbi clearance?

Ayon naman sa ibang paniniwala, mananatiling katawan ng tao ang isang saging hanggat malapit pa ang balbal. Kapag malayo na ito, dito na magpapakita na saging na lamang ang nasa kabaong. Para bang meron syang proximity o field of effect if you will na kapag lumampas na sa field effect nya, mawawalan na ng bisa ang kanyang mahika.

Dahil sa ganitong paniniwala, ang ilang mga pamilya ay naglaalgay ng isang bantay tuwing gabi upang masigurado na bantay sarado ang bangkay. Ang ilang mga tao noong unang panahon ay nagsisindi ng malaking apoy buong gabi, dahil nga sa wala pang elektrisidad nuon. Basically, ang balbal ay hindi papasok sa burol hanggat mayroong nagbabantay.

Ito ang kanilang paraan upang maitaboy ang magnanakaw na halimaw, kung minsan naman, ang mga tao noong unang panahon ay gumagawa ng ingay sa buong gabi na isa din paraan upang sila ay manatiling gising.

Sa tagal ng panahon ay mayroon na ding ilang pagbabago o idinagdag patungkol sa kwento na mayroon ang Balbal. Ang ilang paniniwala na makikita lamang ito bilang isang tao, hanggang sa kumagat na ang dilim at dito na siya magpapalit ng kanyang anyo. Ang ilan naman ay naniniwala na kung ang pangalan nito ay iyong sasambitin ng paulit-ulit, ikaw ay kanyang maririnig at mula doon ay ikaw ay kanyang hahanpin at kakainin.

Similar Mythology:

6 Obscure Mythical Creatures in Philippine Folklore | Remit to the ...

Kung ating titignan, maraming mga paniniwala patungkol sa mga nilalang na kumakain ng kanilang kapwa tao. Ang mga ito ay matatawag na Ghoul sa ingles at kilala na mula pa noong unang panahon. Ayon sa history, ito ay nabanggit sa isang kwento na mula sa Arabian legend na pinamagatang One Thousand and One Nights.

Ang salitang “Ghul” na mula sa salitang “Ghala” na mula mismo sa salitang Arabic; na ang ibig sabihin ay “to sieze” o sa tagalog ay kuhanin. Una man itong naikwento mula sa Arabia, ang katawagan sa bagay na ito ay unang nagamit noong 1786 mula sa isang gothic novel na pinamagatang Vatnek, na isinulat ni William Beckford.

Ang pinaniniwalaan na Berchta sa Germany, sa Australia at sa iba pang kalapit na lugar ay isa ding halimaw na kung saan ang kapag hindi naibigay ang kagustuhan ay ang mga pamilya na kaniyang napili ang kanyang kakainin. Ayon namansa Vedic Mythology ay makikilala ang tinatawag na Pishachas ay isang nilalang na kung saan hinihintay lamang na mamatay ang kanyang biktima.

Ang Pishachas ay mamumuhay sa ilalim ng mga bahay hanggang ang mga tao sa kanyang tinitirahan ay magakaroon ng isang malubhang sakit at dito na niya kakainin ang mga taong ito. Nariyan din ang Poreskoro na isang Roman folklore; ang Cauchemar na kilala sa mga kwento na mula sa Europe.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kinikilalang nilalang at kwento patungkol sa mga nilalang na kumakain mismo sa dugo at laman ng isang tao.

Para sa panahon ngayon, hindi man totoo ang mga ito, namana na natin ang mga kultura ng ating mga ninuno. Hindi ibig sabihin na walang balbal sa panahon ngayon. Hindi natin alam, baka isa pala sa kakilala mo ay isang balbal. Kaya kapag nagbantay ka sa lamay, buksan mo ang iyong mga mata, talasan ang iyong pandinig dahil anjan lang sila sa paligid. Naghihintay. Nagaabang….

SOURCCES

Sources

• https://www.aswangproject.com/corpse-thieves-of-the-philippines/

• http://opinyon.com.ph/index.php/rated-18/news/mystery-news/685-the-legend-of-bal-bal-the-philippine-ghoul
• https://www.britannica.com/list/8-mythological-monsters-you-should-be-glad-arent-real
• https://en.wikipedia.org/wiki/Ghoul

advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.