Bakunawa

Reading Time: 8 minutes

Topics

Narinig mo na ba ang kwento patungkol sa isang malaking halimaw na lumulipad kada sasapit ang bilog na buwan at tatangkain na lamunin ito ?
ano ba ang tawag sa niallang na ito at saan ba ito nagsimula ?

History:

Mula noong makita ng mga ninuno natin ang pagkain ng araw sa buwan o mas kilala bilang Lunar Eclipse ay pinaniwalaan na nila na isa itong malaking dragon na sinusubakang kainin ang buwan.Ayon sa Ancient Ilongo Calendar , sila ay mayroong pitong buwan na ginawa ni Maka-ako o ang diyos na sinasamba ng mga katutubo upang magkaroong ng liwanag sa gabi.Sinabi na ang pitong buwan na ito ay nagrerepresinta sa Pitong buwan ng pagtatanim at pag aani sa labin dalawang buwan ng lunar Calendar.Sinasabi na ang pagsisimula ng buawana ilonggo ay ang paglabas ng isang cresent moon sa kalangitan.Sinasabi na hinati hati nila ang taon sa labin dalawang buwan , at binigyan ito ng mga pangalan.Ang unang buwan ay tinawag nilang Ulalen, sumunod ay ang Dagancahuy kung saan sa panahon na ito ay nagpuputol sila ng puno at ikalat sa kanilang lugar .Ang pangatlong buwan ay tinatawag na Daganenan bulan kung saan pupulutin nila ang mga kahoy na nakakalat mula sa pinutol na puno.Sumunod ang Elquilin kung saan susunugin nila ang mga kahoy sa lugar, buwan ng Ynabuyan kung saan pinaniniwalaan nilang pag ihip ng bonancas(isang dragon) , sumunod ang Cavay kung saan sila ay nagtatanim at Yrarapun kung saan panahon ng tag-ani, at Manalulsul kapag natapos na ang kanilang pag-aani.

Ayon sa kwento na pinaniniwalaan ng mga katutubong visaya ay nag iingay sa tuwing nagkakaroon ng Lunar eclipse upang mapaalis daw ang bakunawa na kanilang tinatawag at hindi nito makain ang kanilang buwan na nagsisilbing liwanag nila sa madilim na gabi.

Nagkaroon ng first documentation ng bakunawa noong 1628 by Fr. Alonso de Mentrida , isang Augustinian missionary na taga Ogtong.Ayon sa kanya “Bacunaua “Entendieron que era sierpe que se iba tragando la luna la sumbra de la tiera que la cubre en los eclipses”( they believe it was a serpent (Dragon) swallowing the the moon from the earth that presents in eclipses
” binacunauahan ang bulan.” (Hiligaynon) —- moon has been swallowed ( English)

Sinasabing kung maghahanap ng isang ebidensya na nagpapakita na mayroon talagang bakunawa ay mahirap itong maipakita.Isang rason kung bakit mahalaga ang bakunawa sa Visayan mythology ay dahil sa isang espada na tinatawag na kampilan,ngunit ang totoo ay hindi alam kung ano ang nirerepresanta ng espadang ito nghunit pinaniniwalan na ito ang ginagamit na panlaban sa tuwing dadating ang halimaw na bakunawa.

Origin:

Pinaniniwalaan na parte na ng ancient astronomy at mga ritwal sa pilipinas mula noong bago pa dumating ang mag manankop sa atin.Ngunit sinasabi na ang bakunawa ay galing sa Hindu Demi-God na si “Rahu” sa India noong Vedic Perion ( c. 1500 – c. 500 BCE) at nadala sa Southeast Asia dahil sa pakikipag trade at dahil umabot sa pilipinas ang Indianized Kingdom noong 200BCE.Ang kwento ay umabot sa pilipinas dala ng mga lumipat dito nopong 200-900CE.Pinaniniwalaan din na ang kuwento ay kumalat din sa china, thailand at iba pang kalapit na bansa.

Appearance:

Pinaniniwalaan na ang bakunawa ay makikita bilang isang malaking ahas at mayroong bibig na kasing laki ng ilog , mayroon itong pulang dila, nagtataglay din ito ng whisker na parang sa hito , at may dalawang malaking pakpak ang isa ay kulay abo at ang isa naman ay maliit lamang na matatagpuan sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Story:

Sa iba’t ibang kwento na mayroon ang bakunawa ay marahil ay iisa lamang ang ibig sabihin.Pinag iba-iba man nila ang pangalan ng mga buwan at mga karakter na mayroon ang kwentong iyon ay pareho lamang ang gustong iparating ng kwento.Ang pagpapa-alis sa isang nakakatakot na nilalang na gustong kainin ang buwan at kung paano nila napigilan ang nilalang na ito.

Pinaniniwalaan sa kwento na lalabas ang bakunawa sa kanyang lungga sa ilalim ng dagat at lilipad pataas upang kainin ang mga buwan, nakain ng bakunawa ang anim sa pitong buwan, sa pagkain niya sa mga buwan ay nag alala ang mga tao na mawalan sila ng mga pagkain at iba pang pagkukunan ng kanilang kabuhayan.duon ay humingi sila ng tulong kay bathala (ang pinaniniwalaang Diyos o ang tawag sa Diyos noong unang panahon) at binigyan sila ng isang sandata (Ang kampilan) upang gamitin na gamit sa pagpaslang sa bakunawa.Gamit ang isang diwata ay pinababa ito ng bathala upang ibigay ang sandata sa mga tao.

May ilang kwento na naka isip ng paraan ang mga katutubo para paalisin ang bakunawa sa pamamgitna ng pag-iingay , dahil ang bakunawa ay takot sa ingay at ito ay nanghihina , inululuwa nito ang buwan at bumabalik sa kanyang lungga sa ilalim ng dagat.

May nag-sasabi naman na hanggang ngayon ay hindi pa din tumitigil ang nilalang na ito sa laging pagtatangkang pagkain sa buwan.

So , kung ikaw ang tatanungin? naniniwala ka ba sa kwentong ito ? Totoo ba ang nilalang na sinasabing umaahon mula sa kaibutaran ng dagat upang kainin ang bilog na buwan ? o isa lamang itong kwento na walang sapat na patunay ngunit patuloy na nakikilala sa bansang pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang napakayaman na bansa kung titignan sa kultura at sa iba’t ibang paniniwala.Kung totoo man ang bathala , diwata , engkanto , halimaw , at iba pang nilalang na nabubuhay sa isip ng bawat Pilipino at patuloy na naipapasa sa mga bawat henerasyon.
Kung may sapat na ebidensya na hindi nga kinakain ng bakunawa ang buwan sa tuwing sasapit ang Lunar Eclipse at ito ay ang araw lamang na tumatakip sa liwanag ng buwan, mahalin nalang natin ang isa sa pinaniniwalaang kwento ng mga katutubo na unang nanirahan sa ating bansa at patuloy na pausbungin ang kultura na mayroon ang pilipinas.

Sources

Sources

  • https://www.aswangproject.com/bakunawa/
  • https://www.pinterest.com › pin

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Sino ba si Anubis?

Isang diyosa nga ba si Medusa, o isang halimaw?