Ano ba ang mga centaurs?

Reading Time: 10 minutes

Ang video na ito ay nirequest ni Pinoy Takutan na isang kaibigan ko din sa youtube. Chix po yan kaya sa mga single jan, message nyo na yan. Anyway, ang centaur ay naging parte na ng ating mga imahinasyon at pinagtibay ito ng mga pelikula kagaya ng percy jackson, harry potter at chronicles of narnia to name a few.

Dito satin may sarili tayong bersyon ng centaur at ibang iba ito sa nakagisnan. Imbes na katawang kabayo at mukhang tao, dito satin baliktad. katawang tao ulo ng kabayo. Kinukunsidera na ibang variation ito ng centaur dahil na din sa pisikal na pagkakaiba ng dalawa. Just to be clear mga boss, ang tikbalang ay hindi centaur, marahil isa itong malayong kamag-anak for lack of the better word. Sana po clear tayo dito.

Simulan na natin mga boss.

Description:

May iba’t ibang variation ng centaur pero ito ay mostly human at horse characteristics. Ang pinaka popular ay ang mula ulo hanggang bewang ay tao at ang pababa ay karawan ng kabayo na may apat na paa. Ang isa naman ay buong katawan ng tao pero ang paa ay sa kabayo at dito nga sa atin, ulo ay kabayo at ang katawan ay sa tao.

Ang mga centuars na nakatira sa Mount Pelion o sa kagubatan ng cyprus ay mayroong pointed ears ung parang sa mga elf. Ang kanilang buhok ay hindi rin maayos at ang kulay ng balat nila ay brown. Kadalasan may dala dala silang tirador o hindi naman kaya pana. Wala din silang kahit anong kasuotan at ang ibang tribes ay mayroong mga sungay.

Mga savage din sila, meaning mga wild. Kadalasan nakatira sa mga kweba. Kagaya ng mga cyclops naghuhunting din sila ng mga ibang hayop para kainin o hindi naman kaya ang mga prutas sa mga puno na kaya nilang abutin o panain.

Pero meron nabang iilang nagstandout na mga centaurs, isa na nga dito si Chioron. Sa katunayan, sya ang pinakakilalang centaur. Isa syang mandirigma at isa ring magaling na manggagamot. Isama na rin natin ang mga Lamian Pheres, ito mga boss ang 12 centaurs na mababait at matulungin. Sila ang nagpalaki sa diyos na si Dionysus at nuong malaki na ito, sinamahan nila si Dionysus sa digmaan.

Sa mga nakapanood ng hydra, nabanggit ko din si Nessos, ang centaur na knialaban ni hercules.

Origins:

Sympre ang susunod na tanong natin, papaanong nabuo ang centaur, ano un nagtalik ba ang isang tao at kabayo?

Well sit tight mga boss dahil ito ang kwento kung papaanong nagkaroon ng mga centaurs.

Mayroong tribo na tinatawag na Lapiths. Sila ay nakatira sa central greek region ng thessaly. Ang hari ng Lapith na si Ixion ay nabighani sa kagandahan ng diyosang si Hera, ang Asawa ni zeus. Si Hera nagsumbong kay Zeus na papasukin ni ixion ang kanyang kwarto sa gabi.

Skeptical si zeus. Hindi sya agad naniwala sa sinabi ng kanyang asawa dahil isa syang diyos, sino ba naman ang magtatangkang lumaban sa kanya. Nakaisip sya ng paraan, gusto nya munang mapatunayan kung totoo nga ang sinasabi ni hera. Kumuha ito ng isang ulap at hinubog ito para maging kamukha ng kanyang asawa. Binigyan nya ng buhay ang nasabing ulap at tinawag itong nephele.

Nagkatotoo nga ang sinabi ng kanyang asawa dahil nuong gabi, dumating si xion sa kwarto ni hera. Nuong makita nya si nephele inakala nyang si hera ito at boom nagtalik sila. Easy to get din to si nephele eh, di man lang nagpakipot.

Nagalit si Zeus at inutos nyang itali si ixion sa isang gulong at patuloy na magpapaikot ikot sa kalangitan. Habang si Nephele naman ay nagpatuloy sa kanyang buhay.

Fast forward, nanganak si nephele at ito ay isang deformed na bata. Which is expected dahil hindi naman talaga sya tao.

Pinangalanan itong Centaurus.

Dahil sa kakaiba ang itsura ni centaurus, pinalayas ito at napwersang manirahan sa kagubatan ng thessaly kung saan nakipagtalik ito sa mga galang kabayo na naninirahan din sa kagubatan. At dito mga boss nabuo ang Centaurs. May ibang bersion naman kung saan si centaurus mismo ang naging unang centaur.

May isang tribo aman ng centaurs na nakatira sa cyprus. Ayon kay nonnus, ang mga ito ay mula kay zeus. Si Zeus kasi Ma L. Gusto nya si aphrodite pero hindi sya pinagbigyan nito, kaya nagpaputok na lamang si zeus at ang kanyang likido ay bumagsak sa lupa na naging centaurs. Ang mga centaurs ng cyprus ay may mga sungay.

Well yan ang mythological, pero sympre ang ibang historians ay mayroong theorya sa kung papaanong nabuo ang mga centaurs.

Ang rehiyon ng Thessaly ay hindi naiimpluwensyahan ng greek nuong magtayo ito ng mga lungsod kagaya ng athens kaya para sa mga greeks, ang rehiyon ng thessaly ay isang barbaric place.

Ang mga naninirahan sa thessaly ay kadalasan nanggagaling sa kanlurang asya at ang mga ito ay nanghuhuli ng mga kabayo sa kagubatan para alagaan. Ayon sa mga historians, ang mga nakatira sa rehiyon ng thessaly ay laging nakikitang nakasakay sa kabayo at ito ang inakala ng mga griyego na mythical creature, dahil nga sa malayo posibleng parang isang katawan lamang ang mga ito.

Centauromachy:

Isa sa pinaka kilalang kwento kapag pinaguusapan ang centaurs ay ang maalamat na labanan nito sa mga lapiths na tinawag na Centauromachy.

Ang mga centaurs nuon at this point existing na sila, inimbitahan sila sa kasal ng hari ng lapith. NAgpunta naman sila dito, dahil nga sa wild sila, hindi pa sila nakakatikim ng alak at dahil party, un ang unang pagkakataon nilang matikman ang alak. Nalasing ang mga ito at ang isang centaur ay gustong kuhanin ang ikakasal at ang ibang centuars naman gusto ang ibang mga babae.

Dahil sa impluwensya ng alak, nagkaroon ng kaguluhan. Mabuti na lamang at naroon ang bayaning si theseus na syang tumulong para matalo ang mga centaurs. Dahil sa pagkakatalo, ang mga ito ay umalis ng thessaly at nanirahan sa mount pindus.

Chiron and Pholus:

Si Chiron ay iba ang heritage kumapra sa mga centaur dahil sya ay mula sa 2 titans. Si Cronus at Philyra. Nuong nakita ng mga ito ang itsura ng kanilang anak, inabandona nila ito. Nakita ito ng dalawang diyos na sina artemis at apollo na syang nag-alaga kay chrion.

Si Chiron ang nagturo sa ibang diyos at bayani na sina Jason, Achilles, Hercules at Aslepius. Si Chiron ay aksidenteng natamaan ng pana ni zeus na may lason. Dahil nga isa syang anak ng diyos, isang immortal si chiron, ibig sabihin hindi sya mamatay sa lason pero habang buhay nyang mararanasan ang sakit nito. Kaya humiling sya kay zeus na mamatay na lang, pinagbigyan naman ito ni zeus at nilagay sya salangit, ito nga ang nakikita nating constellation ng saggitarius.

Si pholus naman ay isang centaur na binisita ni Hercules. Pinaunlakan naman ito ni Pholus at binigyan sya ng pagkain pero hindi nya ito binigyan ng alak. Nakita ni hercules ang isang bote ng alak sa kweba ni pholus. Pinaliwanag naman nito na ang alak ay hindi sa kanya kundi sa lahat ng centaurs. Pero sympre, matigas ulo ni hercules kaya pinabukas nya pa rin ito kay pholus.

Nuong binuksan na ang alak, ang aroma nito ay kumalat at naamoy ito ng ibang mga centaurs. Nagkaroon ng paglalaban dahil dito dahil gusto ring tikman ng mga centaurs ang alak. Si Hercules pinagpapana nya ang mga centaurs at naging matagumpay naman si hercules dito. Nuong matapos ang laban, kinuha ni Pholus ang isang pana at inexamine nya ito. Hindi sinisadyang nabitawan nya ang pana at tumusok ito sa kanyang paanan. Dahil nga may lason, si pholus ay namatay din.

Ito ang kwento ng Centaur. Maraming salamat sa panonood. Wag kalimutang ilike ang video kung nagustuhan ninyo ang ating tinalakay at sympre magsubscribe na din kayo para lagi kayong updated.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Hindi talaga nakalapag ang apollo sa buwan?

Ano ang dahilan bakit hindi agad nakabalik sa buwan?