Ano ang mga cyclops?

Reading Time: 16 minutes

TOPICS

Ang cyclops ay kilala sa greek at roman mythology bilang isang higanteng nilalang at mayroon itong nagiisang mata kadalasan nasa gito o hindi naman kaya nasa parte ng noo.

Mostly nakilala natin ang cyclops dahil sa pelikula, anjan na ang 7th voyage of sinbad, jack the giant killer at percy jackson to name a few. Tapos anjan pa ang mobile legends at panigurado ang karamihan na nag click dito ay dahil sa mobile legends na game. Pero saan ba galing ang cyclops?

Characteristics:

Ang mga cyclops ay nga race of giants na nagmula sa mga titans at ang mga titans chronologically ay ang unang greek gods bago sila matalo ng mga olympian gods.

Ang mga cyclops ay malalaki, sa sobrang laki ng mga ito, ang isang normal na tao ay hindi man lang aabot sa tuhod nito. Kadalasan meron silang bilugang mukha at mayroong nagiisang bilog na mata sa gitna ng kanilang mga noo.

Hindi rin sila mga civilized. I mean ung hygiene nila dahil pinababayaan lang nila na tumubo ang mga buhok nila sa katawan kagaya ng balbas. Ang mga damit din nila ay kadalasan sira sira at hindi rin sila madalas naliligo.

Base sa paglalarawan sa mga kwento, ang mga cyclops ay antishocial. Ibig sabihin nirereject nila ang kahit anong stuctured society. Hindi rin sila nagbibigay galang sa mga diyos, hindi rin sila sumusunod sa batas ng tao.

Kadalasan nakatira ang mga ito sa isla o bulubundukin at duon nagtatayo ng maliit na tribo. Sa tribo na ito, walang batas, bawat nilalang ay may kanya kanyang kweba at bihirang bihira bisitahin ang bawat isa.

Binabahagi ng cyclops ang kanyang kweba sa kanyang asawa o maliit na anak. Kapag ang isang tao ay pumasok sa kanyang kweba, hindi na ito makakalabas ng buhay.

Maraming accounts na ang mga cyclops ay mga tamad. Imbes na nagtatanim sila sa kanilang lupain kagaya ng ginagawa ng mga tao, hindi nila ito ginagawa, bagkus ang gusto nila ay kuhanin at kainin ang mga prutas na malapit lamang sa kanila o hindi naman kaya pumunta sa mga lungsod para guluhin ang mga tao at nakawin ang kanilang mga pagkain.

Pero sympre merong ibang paglalarawan sa mga cyclops kung saan sila ay mga magtutupa at katulad ng tao ay ginagamit ang kanilang mga kokote para makakuha ng gatas at iba pang mga pangangailangan.

Abilities:

Bukod sa kanilang brute strength, ang mga cyclops ay walang talento. Kumbaga lakas lang talaga ang kanilang puhunan. Wala silang self improvement kagaya ng tao kaya’t hindi rin sila ang proprogress. Kakaunti lang din ang nadadagdag na skills sa kanila simula nuong sila ay pinanganak.

Nakilala din ang mga cyclops sa kanilang craftsmanship. Sila ay magagaling na blacksmiths, may mga pagkakataon na kapag gumagawa ang isang cyclops sa ilalim ng lupa sa kanilang kweba, napapagkalaman na yumayanig ang lupa dahil sa bulkan, dahil na din lakas ng mga paghampas nito.

Kahit na wala silang selflessness  o ung sense of greater good, sila pa rin ay mga halimaw pagdating sa pakilipaglaban. Ang kanilang bloodlust samahan pa ng pagkaberserk nila ay makakapaslang ng daan daang nilalang.

Kinds:

May ibat ibang klase ng Cyclopes. 3 to be exact. Ito ay ang mga hesiodic, Homeric at ang wall builders. Sa Theogony ni hesiod, ang cyclopes ay may 3 kapatid, si Brontes, Steropes at arges. Sila ay mga anak nila Uranus at Gaia. Sila din ang gumawa ng thunderbold ni Zeus.

Sa Odyssey naman ni Homer, ang mga cyclopes ay mga uncvilized group na karaniwan ay mga magtutpa. Isa dito ay si polyphemus, ang anak ni poseidon na syang nakaenkwentro ni odysseus.

Pinaniniwalaan din na ang mga cyclopes ang guamawa ng cyclopean walls ng mycenae at tityns. Just to be clear mga boss, ang cycliopean walls ay totoong pader ng mycenae at tiryns, whether cyclopes ba ang may gawa nito o hindi, that remains to be a question.

Isang 5th Century BC Historian na si Hellanicus ay naniniwala na bulod sa hesiodic cyclopes na syang sinaunang mga cyclopes at ang homeric cyclopes, meron pang pangatlong grup, ang cyclopes na gumawa ng pader ng mycenae.

Hesiodic Cyclopes:

Alam nyo ba mga boss, na ang cyclops ang naging dahilan kung bakit natalo ni zeus ang kanyang ama.

you see mga boss, ang 3 cylcopes ang gumawa ng napakalakas na thunderbolt ni zeus, at dahil sa ginawa nila, sila ay naging primary role sa succession story kung saan ang titan na si cronus ay tinalo ang kanyang amang si uranus at si zeus naman tinalo ang kanyang tatay na si cronus at ang ibang mga titan.

Ang kanilang pangalan ay Brontes o thunder, Steropes o lightning at Arges o Bright which reflects the thunderbolt of zeus.

Ayon sa kwento ni Hesiod, Si Uranus o Sky ay nakipagtalik kay gaia o ung earth at si Gaia ay nakapagluwal ng 18 junakis. Ang unang 12 junakis ay mga titans sumunod ay ang 3 cyclopes, matapos nito ang 3 magkakapatid na halimaw.

Si Uranus ay galit lahat sa mga anak nito. This is bad parenting at its finest. Ang 3 cyclopes ay kinulong ng kanilang tatay na si uranus. Bawat anak nito ay kinulong nya sa ilalim ni gaia. Hanggang sa ipanganak si Cronus. Si Cronus ang tumalo sa kanyang ama at napakawalan nito ang iba pang titans subalit nanatiling nakakulong ang mga cyclopes. Si Cronus ang naging bagong tagapamahala ng cosmos.

Kagaya ni Uranus, si Cronus ay may pagkadibil din dahil lahat ng anak nito ay kinakain nya kapag sila ay pinapanganak. Si Zeus ay nakaligtas dahil tinago sya ng kanyang nanay na si Rhea.

Si Zeus ay pinakawalan ang mga cyclopes at bilang ganti, ginawan nila ng sandata si zeus, ang thunderbolt at natalo nito ang kanyang ama. Ang 3 cyclopes din ang gumawa ng trident ni poseidon at ang invisibility cap ni hades na syang ginamit nila para matalo ang mga titans.

Dahil nga sila ay mga primordial beings, meaning mga sinauna, sila ay mga immortal. Subalit pagdating ng 6th century BC, ang Hesiodic Catalogue of women ay nilathala na pinatay sila ni apollo, ito ay sa kadahilanang ang anak ni apollo na si asclepius ay namatay sa kidlat ni zeus at sympre sino pa nga bang dapat patayin, eh di ung gumawa ng kidlat ni zeus.

Lets keep in mind mga boss na si Hephaestus, ang smith god ay hindi pa pinapanganak nuong gawin ng 3 cyclopes ang mga naunang sandata ng mga diyos.

Ang 3rd century BC Poet na si Callimachus ay inilarawan ang mga cyclopes bilang aassistant ni Hephaestus at sila ay nagttrabaho sa sicily, sa ilalim ng mount etna. Ayon kay Callimachus, sila din ang gumawa ng sandata ni apollo at artemis.

Kahit na ang paglalarawan sa mga cyclopes ay mga brutal, walang puso, isip at awa, hindi ganito ang paglalarawan sa hesiodic cyclopes, bagkus sila ay mga lingkod lamang ng mga diyos.

Homeric Cyclopes:

Sa libro naman ng Odyssey ni Homer, ang bayaning si Odysseus ay nakaenkwentro ang cyclopes na si Polyphemus, ang anak ni poseidon. Isa itong one-eyed cyclops na merong sweet tooth pag dating sa laman ng mga tao. Nakatira ito sa malayong lugar kasama ang iba pang mga cyclopes.

Ibang iba ang paglalarawan ni Homer sa mga cyclops sa kanyang libro kumpara sa mga cyclops ni hesiod. Dahil sa libro ni homer, ang mga cyclopes ay kasama ng mga tao, imbes ng mga diyos. Ang mga homeric cyclops ay hindi rin mga sibilisado, kadalasan nakatira sa kweba at walang pakialam sa mga diyos. Wala din silang alam sa agrikultura.

Ang 5th century BC playright na si Euripides ay naglathala din ng kwento tungkol sa mga cyclopes, kagaya ni homer, inilarawan nito na ang mga cyclopes ay uncivilized, wala silang kahit anong pagkain na nakaimbak, walang gatas, walang mga bahay. Naninirahan sila sa mga kweba at kanya kanya ang mga ito. Lahat ng papasok sa kanilang teritorya ay hindi na makakalabas ng buhay.

Ayon kay euripides, ang mga cyclopes na ito ay nasa isla ng sicily, malapit sa mount etna.

Wall Builders:

Pinaniniwalaan na ang mga cyclopes ang gumawa ng pader sa mycenae, tuiryns at argos. Ang Cyclopean wall builders ay halos kapereha ng hesiodic cyclopes, parehas silang mga craftsman at parehas na malakas.

So bakit pinaniniwalaan na cyclops ang may gawa ng pader? Well, ang mga bato na ginamit sa paggawa nito ay malalaki na halos imposibleng mabuhat o malagay ng isang normal na tao.

Famous Legend:

Ang pinakakilalang cyclopes sa buong mythology ay si Polyphemus kung saan sya ay lumitaw sa odyssey ni homer. Si polyphemus ay nakatira sa isang kweba sa kabundukan at isang magtutupa.

Nuon ang grupo ni Odysseus ay lumapag sa isla ni polyphemus, nakita nila na maayos ang mga tupa kaya inakala nila na papaunlakan sila ng cyclopes.

Ang mga ito ay pumasok sa kweba ni polyphemus, Kinausap ni odysseus ang cyclops at sinabing magbigay galang sa mga diyos sa pamamagitan ng pagpapaunlak nito sa kanyang mga kawal. Pero hindi nakinig ang cyclops bagkus hinarangan pa nito ang kweba ng isang malaking bato at natrap nga sila odysseus sa loob kasama ang mga kawal nito.

Inumpisahan ni polyphemus na kainin isa isa ang mga ito. Nuong nakarami na si Polyphemus, nabusog ito at nagsimualng kausapin si odysseus. Nagpakilala si Odysseus na sya si Noman. Lumipas ang magdamag at nuong dumating ang umaga, kailangan ng lumabas ni polyphemus sa kanyang kweba para puntahan ang mga alaga nitong tupa.

Tinanggal nya ang bato na nakaharang. Nuong nakakita ng opening si Odysseus, agad nyang inatake ang cyclopes at sinaksak ito sa mata. Ang Cyclopes na pahiyaw sa sobrang sakit at ito ang pagkakataon ni Odysseus at mga natitirang kawal nito na makatakas.

Narinig ng kalapit na mga cyclopes ang kaguluha at pumunta sila dito para makita. Sinabi ni polyphemus na inatake sya ni noman which is no man ibig sabihin walang umatake sa kanya. MAutak din tong si odysseus eh no.

Dahil nga noman ang pagkakaintindi ng ibang cyclopes, nainis ito kay polyphemus at pinabayaan na lamang sya kaya’t nakatas sila odysseus. Gayunpaman, hindi naging madali ang paglalakbay ng grupo dahil si poseidon ang diyos ng dagat at ang tatay ni polyphemus ay nagalit dahil sinugatan nila ang kanyang anak.

Possible Origins:

Sa paglalarawan ng mga manunulat, ang cyclopes ay parang parte lamang ng imahinasyon. Pero maraming scholars na nagsasabing, merong katotohanan sa likod ng paglalarawan.

Ang halimaw na ito ay posibleng mula sa grupo ng mga tao, kung saan sila ay malalakas at posible ring mga blacksmith. Posibleng ang mga blacksmith ay ang origins ng mga cyclops.

Kagaya ng cyclops sila ay mga solitary. Sila din ay may mga malalaking pangagatawan dahil sa kanilang trabaho. Masekreto rin ang mga ito at pinapasa lamang ang kanilang nalalamn sa kanilang mga tagasunod. Kadalasan din nagsusuot sila ng eyepatch sa isa samga mata nila para hindi ito matalsikan ng bakal o bato.

Ang isa pang nakikitang dahilan kung bakit naubo ang mga cyclops ay dahil sa dwarf elephant. Ang dwarf elephant ay minsang nanirahan sa greece bago pa dumating ang mga greeks. So bakit naging cyclops ang dwarf elephants i hear you ask. Well mga boss, ito ay dahil sa bungo ng dwarf elephant. you see, meron itong malaking opening sa gitna ng kanilang noo na parang isang mata. Pero in reality, ito ay opening para sa naval vacity na nagkokonekta sa trunk.

Birth Defect:

Ito rin ang nakikitang posibleng dahilan kung bakit nagkaroon ng cyclops. I am sure, familiar na ang iba sa inyo sa cyclopia.

Sa panahon natin ngayon, alam na natin ang mga masasama at mabubuting halaman, i mean ung masasama sa kalusagan natin. Meron kasing isang halaman mga boss na nagcacause ng cyclopia. Ito ay ang corn lily o false hellebore.

Now we go back to ancient times, sympre wala pang idea, wala pang pag-aaral, dati try and die. Kumbaga testing sila ng testing ng mga herbal plants. Posibleng ang galse hellebore ay inakala nilang medicinal herb at ginagamit ito ng nagbubuntis. At dahil nga dito nagkakaroon ng defect ang bata.

Ang batang mayroong cyclopia ay mayroong conjoined eye na katulad na katulad ng isang cyclops. Although very rare ang mga cases na ganito, hindi rin tumatagal ang buhay ng bata at kadalasang namamatay.

Bungisngis:

Sympre papatalo ba naman ang pinas. Meron din tayong cyclopes dito sa atin at kagaya ng isang pinoy ito ay masayahin well.. masayahin in terms of name. Pero mind you mga boss. Carnivore din ito.

Ayon sa libro ni Dr. Maximo Ramos, the creatures of philippine lower mythology. Ang bungisngis ay isanng malaking tao na palaging tuamtawa. Ito ay may kakayahang makipagusap din sa isang indibidwal.

Meron din itong makapal na upper lip, mas makapal pa kay angelina jolie na halos lumalaylay na ito at kayang matakpan ang mukha nito sa sobrang laki.

Ang bungisngis ay posibleng naimpluwensyahan ng mga indiano nuong sila ay pumunta sa bansa natin. Pinaniniwalaan din na ang mga indiano ay nakarating na sa pinas bago pa dumating ang mga espanyol.

Ayan mga boss ang kwento tungkol sa cyclopes, at least ngayon ang iba sa inyo alam na na mayroong 3 klase ng cyclopes. Kaya kapag naopen yang discussion na yan sa mga tropa mo, paliwanagan mo at sabihin mo bulalord sent you.

Maraming salamat sa panonood mga boss. Sana ay may natutunan kayo sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Panaginip – COMPLETED

Meron bang bigfoot ng pinas?