Alam nyo ba ang amalanhig? Isa itong aswang na pinaniniwalaan ng mga Hiligaynon o nang mga Ilonggo. In fact nagkaroon na ito ng pelikula pero malamang ay kakaunti lang ang nakapanood nito dahil hindi sya ganuon kaganda honestly. Pero still the effort is there.
Kung sa ibang bansa meron silang tinatawag na Zombies, sa atin meron tayong amalanhig o maranhig. Pero ang mga ito ay hindi lang simpleng zombies, no no no no, sila ay mga dating aswang.

Halina’t samahan nyo kong tuklasin ang kwento sa likod ng mitolohiyang ito.

Story:

Ayon sa paniniwala, ang mga amalanhig, amaranhig o maranhig ay dating mga nilalang sa gabi o mga aswang. Kapag ang isang aswang ay hindi nya naipasa ang kanyang kapangyarihan sa ibang kamag-anak nito o sa ibang tao, tatamaan ito ng sumpa, ang hindi mamatay. Sila ay babangon sa kanilang mga libingan at katulad ng isang bampira, kakagatin nito ang leeg ng kanilang biktima.

May iba namang kwento na isa lamang itong normal na tao na mayroong hindi tapos na gawain sa mundo o ung mga hindi pa handang mamatay at dahil sa urge o kagustuhan na matapos ito o mabuhay muli, sila ay babangon pero ang kapalit nito ay ang pagkagutom sa dugo at laman ng isang buhay na tao.

Ayon naman sa iba pang kwento ang mga ito ay ang mga taong pinatay at nagbalik sa kanilang buhay para maghiganti. Sa sandaling ang mga ito ay bumangon sa kanilang hukay, hahanapin nito ang pumatay sa kanya at hindi titigil hanggat hindi nakakaganti.

Pero ang pinaka kilalang paniniwala o kwento patungkol sa Amalanhig ay noong panahon pa ng mga Espanyol. Mayroong isang Spaniard chieftain na pumunta sa Pilipinas at nag-utos sa kaniyang mga priestess na gumawa ng isang hukbo. Pero hindi lang simpleng hukbo ito dahil ang gusto ng chieftain na ito ay mga immortal.

Kaya’t ang ginawa ng mga priestess nya ay kumuha ng mga ordinaryong tao, pinatay ang mga ito at pinaliguan ang mga ito ng itim na likido. Nuong masiguradong nababalutan na sila ng kakaibang likido na ito, pinasakan nila ang bibig nito ng itim na pulbos at mga misteryosong maliliit na bato at pagkatapos ay ginawa ang ritwal.
Pagkatapos ng tatloong araw, ang mga ito ay nabuhay muli subalit wala na itong isip at mamatay din kapag natapos na ang kanilang mission.

Characteristic:

Ang itsura ng isang Amalanhig ay isang normal na tao, ngunit nagtataglay ng matulis na pangil at patusok na dila. Kahit na sila ay mukhang tao, ang mga ito ay naglalabas ng nakakasulasok na amoy at matigas ang kanilang pangangatawan dahil na din sa pumasok na sila sa rigor mortis.

Mayroon din silang kakayahang gayahin ang boses ng kahit sinong tao na kanilang makakasalubong o makakasalamuha. Ang mga dating aswang naman na naging isang Amalanhig ay mabibilis pa di kumbaga mas espesyal ang amalanhig na ito. May kakayahan itong habulin ang isang tao ng segundo lamang. Marahil ang katawan din nila ay hindi matitigas dahil na din sa kanilang bilis.

Ang kanilang amoy ang magpapakilala mismo sa kanilang tunay na katauhan. Bukod dito, kapag ang isang indibidwal ay naging target ng halimaw na ito, maari itong umakyat sa puno para makaligatas sa panganib. Hindi makakaakyat ang mga ito dahil sa hindi na nila maigalaw ng maayos ang kanilang tuhod. Maari din silang takbuhan ng pazigzag dahil sa mabagal ang mga ito, hindi agad maabutan ang biktima. Pero ingat na lang kung dating aswang ang amalanhig kasi good luck na lang sayo pag ganun.

Ang tangi mo na lang magagawa ay magpunta ilog, lawa o dagat, tyak di ka na susundan ng amalanhig. May paniniwala kasi na kung ang Amalanhig ay mapunta sa tubig, ang mga ito ay magbabago at magiging isang uod, kailangang mapatay ang mga uod na ito bago pa ulit makabalik ang amalanhig.

Media:

Napanuod nyo na ba ang kingdom? Sa mga hindi pa, panuorin nyo, tiyak na di masasayang oras nyo. Sa palabas na un maihahalintulad natin ang amalanhig altho merong mga differences marami pa rin namang pagkaakpareho. May mga minor spoilers lang kaya’t kung hindi nyo pa napapanood un, skip nyo na tong part na to at panuorin nyo muna tapos tsaka nto na lang to balikan.

Katulad na lamang ng pagkakahawa o pag infect, ganun din ang mangyayari kapag nakagat ang isang tao ng amalanhig albeit hindi naman siguro ganun kabilis. Duon kasi sa palabas parang segundo lang bago maging zombie ang isang tao depende sa sugat na natamo ha. Sinubukan kong maghanap ng info tungkol sa paginfect ng amalanhig pero wala akong makita. Kaya’t hayaan na lang natin ang ating imahinasyon ang maglaro.

Ang pangalawang pagkakapareho ay ang pagkatakot nito sa tubig. Kagaya ng zombie sa kingdom, ang mga amalanhig ay takot din sa tubig.

Sa Kingdom, isang parasitic worm ang nagiging dahilan ng zombiefication ng isang tao samantalang sa amalanhig na mula sa sinaunang kwento, ang mga ito daw ay magiging uod o bulate kapag napunta sa tubig kung kaya’t iniiwasan nila ito. Ang mga parasitic worm naman sa kingdom ay lumalabas kapag nasa tubig na parang nalulunod ang mga ito.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/OLyoi0aMMn8

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend