Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children, Always Watchin, Slender, Slender Man. Yan ang mga palabas kung saan lumbas ang isang napakalaking halimaw na kinatatakutan ng mga bata. Ang halimaw na halos walong talampakan ang laki at syempre hindi ito katatakutan kung hindi ito nangunguha at pumapatay ng tao.

Sino ba ang halimaw na ito at saan ba ito nagmula ?

Who is Slender Man:

Slender Man stabbing: Teen sentenced to 40 years in mental hospital for  stabbing classmate - ABC News

Ito ay isang semi-human na halimaw at ito ay walang mukha. Bukod pa sa kanyang dalawang kamay, mayroon din itong mga galamay kung saan pinaniniwalaan na matutulis ang mga ito.

Sinusundan muna nito ang mga bata bago niya ito kukunin at kakainin. Wala itong mata at bibig kaya’t pinaniniwalaan na hindi ito nakakapagsalita. Ayon sa ilang mga kwento, gumagamit ito ng telepathy upang kausapin ang mga tagapagsilbi nila na isa namang tunay na tao.

Naniniwala ang ilang mga tao na matagal nang nabubuhay ang halimaw na ito, pero hindi lamang madalas magpakita. Kumbaga shy type sila. Hindi katulad ng ibang mga halimaw na walang mga saplot at puno ng dugo, ang nilalang na ito ay nakasuot ng maayos na black suit, ito ay napaka payat at ang mga galamay na mayroon ito ang kanyang ginagamit upang mahuli ang mga batang kanyang bibiktimahin.

Naniniwala ang iilan na sa tuwing inuuunat niya ang lahat ng kanyang mga galamay, ito ang magiging dahilan upang ang taong kanyang bibiktimahin ay mahipnotismo. Sa tuwing ang kanyang biktima ay tuluyan nang mahipnotismo, ito na ang kanyang pagkakataon upang kunin ito at kainin.

Ayon naman sa iilan, isa lamang itong fictional character na mula sa taong nagngangalang Eric Knudsen o mas kilala bilang Victor Surge noong 2009. Magmula noon ay marami nang mga litrarto, mga video kung saan makikitang nakikihalubilo ang nilalang na ito sa mga bata. Madalas ang mga larawan na lumalabas ay nasa kakahuyan, dahilan upang paniwalaan ng mga tao na ito ay maaring namumuhay sa mga suburban na lugar at dahil uso na din ang photoshop, maraming mga old pictures na pinapakita ang slenderman pero ayon sa iilan, ito daw ay totoo.

Ang ilang mga litrato ay makikitang umaga, dahilan upang masabi na hindi ito takot makita ng mga tao. Naniniwala ang ilan na gusto ng nilalang na ito na makita siya upang makapagdala ito ng takot sa mga taong naniniwala sa kaniya. Hindi pa sigurado kung ano ba talaga ang tunay na pakay ng nilalang na ito, mayroong ilang nagsasabi na nagunguha lamang ito ng bata, mayroon namang nagsasabi na pinapatay niya ang mga bata na kaniyang nakukuha.

History:

Ang slenderman ay nabuo noong June 8-10 2009 mula sa isang Something Awful Internet forum thread. Nagkaroon ng photoshop contst. Ang mga kalahok ay magpopost ng isang larawan na ginamitan ng iba’t ibang mga editor app upanmg makagawa ng isang paranormal na larawan.

Ang isang kalahok na nakatago sa pangalan na Victor Surge na naglagay ng dalawang makalumang larawan. Makikita sa dalawang larawan ang grupo ng mga bata na naglalaro, samantalang ang isang larawan naman ay kanyang dinagdagan ng malaki, manipis at may galamay na nakasuot ng black suit.

Noong una ay isa lamang itong entry sa mga gustong sumali sa contest, ngunit noong dagdagan ito ng kwento ni Surge, dito na nagkaroon ng kwento at nagsimula si slenderman.

“One of two recovered photographs from the Stirling City Library blaze. Notable for being taken the day which fourteen children vanished and for what is referred to as

“The Slender Man”. Deformities cited as film defects by officials. Fire at library occurred one week later. Actual photograph confiscated as evidence.”

– 1986, photographer: Mary Thomas, missing since June 13th, 1986.

Ang nilalang na ito ang pinaka unang halimaw na sumikat gamit ang internet o social media. Makikita ang ilang kwento kung saan mula pa noong 16th century ay umaatake na ang nilalang na ito. Madalas na din itong makita sa ilang post sa mga blog, sa mga horror forum at iba pa nagpapakita kung paano nila nakasalamuha ang malaking lalaki na ito.


Nyarlathotep and Slender Man:

Naniniwala ang ilan na ang slender man ay nakuha mula sa isang character na nakalagay sa kwento ni H.P lovecraft. Ang nilalang na kinilala nitong Nyarlathotep na isang nakakatakot na outer God, masama ito at sinasamba ng maraming kulto. Ayon sa paniniwala ang Diyos na ito ay isang napaka mautak at napakatalino.

Katulad na lamang ng isang Slender man, ang Nyarlathotep ay natutuwa din sa tuwing ito ay nakakapagdala ng kabaliwan sa mga tao. Hindi nito pinapatay ng biglaan ang kaniyang napipiling biktima, pinapahirapan niya muna ang mga ito sa utak hanggang sa mawalan na ito ng ulirat.

Makikita na ito na mismo ang pinaka tuso sa lahat ng nilalang na naisulat ni Lovecraft. Nagagawa nitong manipulahin ang mga tao at magbigay ng ilang masasamang kaalaman. Kilala din na nakikihalubilo ito sa mga tao upang makuha niya ang buhay ng mga nito.

Ang kakayahan nito na makapag palit ng iba’t ibang anyo ang nagiging paraan upang makalakad ng malaya at hindi makilala ng mga tao sa lupa. Madalas itong ilarawan bilang The black Pharaoh na isang misteryosong ancient Egyptian Pharaoh. Ang ganitong uri ng paglalarawan ang naging dahilan upang nilalang na ito ay maikabit sa isang slender man.

Ang “Slender Man” na kilalang makikita sa kagubatan ay nagdala ng takot hindi lamang sa mga bata ngunit maging sa mga teenager. Ang takot na namumuhay sa isipan ng mga taong ito ang nagiging dahilan upang makagawa ng ilang mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Ang kwento na naging dahilan upang hindi makatulog ng nakapatay ang ilaw ang mga bata.

Ano pa ba ang ang naging epekto ng slenderman mula noong siya ay lumabas?

Similar Creatures:

Maraming katulad na nilalang ang slenderman. Sa japan, ang ashinaga-Tenaga ay isang espirito na mayroong mahabang kamay at binti. Pati ang Mikoshi Nyudo na halos katulad ng slenderman, pumapatay naman ito ng mga tao sa kakahuyan.

Sa china naman ang diyos na kilalang si hundun. Inilalarawan ito na isang nilalang na may maraming kamay at tinatawag na personification of chaos.

Sa British Isles ang tinatawag nilang Black Man ay halos katulad din ng slenderman. Ang nilalang na ito ay pumupunta sa kagubatan tuwing gabi. Pinapantakot din ito ng mga magulang sa kanilang mga anak para di na lumabas sa disoras ng gabi.

Pero hindi lang puro kilalang mga bansa ang may kahalintulad sa slenderman, in fact nuong sinaunang panahon pa ay mayroon ng ganitong nilalang. Isang kweba sa brazil ang nakitaan ng larawan malapit sa Serr da Capivara National Park. Pinaniniwalaan na ang ukit na larawan sa kweba ay nuon pang 9000 BCE. Sa kweba makikita ang isang nilalang na may mahabang kamay at hawak hawak nito ang isang bata. Much like slenderman.

Effect of Slender Man:

Dahil uso sa mga bata ang ganitong kwento, nagkaroon ng hindi inaasahang balita na kumalat sa bayan ng Wisconsin. Ang balita ay tungkol sa tatlong batang babae. Ang tatlong ito ay nasa edad labin-dalawang taon. Ayon sa balita, noong 2014, tatlong batang babae ang pumasok sa kagubatan pero dalawa lamang ang lumbas.

Noon din ay nagkaroon ng isang emergency call sa 911 may nakitang isang batang babae, duguan sa gilid ng daan. Ayon sa pagkakakilala sa tatlong babae, kinilala ito bilang sina Payton Leutner na mas kilala bilang Bella, Anissa Weier, at si Morgan. Ang tatlong ito ay kilala ng kanilang mga magulang bilang matalik na magkakaibigan.

Ayon sa pagkakakilala kay Morgan, isa itong creative wierdo at doon din ay naimpluwensyahan niya ang kanyang kaibigan na si Anissa na kung saan kinilala bilang outcast dahil ang dalawang ito lamang ang magkaibigan.Ayon sa balita ay nagpaalam ang tatlong ito na maglaro sa kakahuyan noong araw na naganap ang krimen.

Base sa pagtatanong sa dalawang bata na sina Morgan at Anissa, matagal na nilang pinag-uusapan na patayin si Bella at hindi na lamang nagulat ang batang si Anissa noong nakita niya ang malaking kutsilyo na dala ni Morgan noong sila ay pumunta sa kakahuyan. Upang maisagawa ang plano, nagyaya si Anissa na maglaro ng tagu-taguan at doon din nagawa ng dalawang bata na saksakin ng halos siyamnapung beses ang batang si Bella.

Mula sa braso, sa leeg at sa dibdib ng paulit-ulit. Bakit nila nagawa ang karumaldumal na krimen na ito? Ayon sa pagtatanong sa dalawang bata, ginawa nila ito upang makita ang Slender Man. Sila ay namanipula lamang ng isang halimaw na kanilang nakilala sa internet.

Ang dalawang ito ay nakitang nagpapahinga sa damuhan noong makita ng dalawang polisya at doon din nakita na duguan ang kanilang damit. Mula sa pagtatanong na umabot ng halos siyam na oras, nalaman ng mga imbestigador na ang dalawang babae ay wala nang balak pang magpakita sa kanilang magulang noong magawa nila ang pagsaksak kay Bella.

Ang dalawan ay mayroong dalang bag na ang laman ay mga pagkain, tubig, at larawan ng kanilang mga magulang. Ang dalawa ay nakaplanong magpunta sa Wisconsin’s Nicolet national forest na ang layo ay halos 200 miles lang naman mula sa kanilang pinanggalingan.

Noong taong 1954 sa bansang New Zealand ay nagkaroon din ng parehas na pangyayari. Ayon sa balita ng The Guardian, dalawang babae na nasa edad na 16 na kilalang bilang matalik na magkaibigan na magkasundo sa lahat ng bagay at halos hindi na ito mapaghiwalay. Kinilala ang dalawa bilang sina Pauline at Juliet.

Noong gabi ng hunyo 1954, niyaya ng dalawa ang ina ni Pauline upang maglakad sa kakahuyan at umakyat sa kabundukan. Noong ang mga ito ay makalayo na sa iba pa nilang kasama, doon naganap ang isang krimen na kanilang gagawin. Ang pagpatay sa ina ni Pauline, mula sa isang malaking bato na ipinukpok ng halos apatnapu’t limang beses hanggang sa ito ay mamatay.

Yes, ina ito ni Pauline ngunit wala itong pakialam. Mula sa journal na isinulat mismo ni Pauline, hindi ito natutuwa sa relihiyon at paniniwala ng mga Kristyano kung kaya’t napagkasunduan nila ni Juliet na bumuo bng sarili nilang paniniwala. Dahil lamang sa ayaw maghiwalay ng dalawang ito, nagawa nila ang karumal dumal na Krimen.

Makikita pa sa ilang bahagi ng Journal ni Pauline ang mga katagang


“Anger against mother boiled up inside me. It is she who is one of the main obstacles in my path. Suddenly a means of ridding myself of the obstacle occurred to me.”

On 20 June: “We discussed our plans for moidering mother and made them a little clearer. Peculiarly enough I have no qualms of conscience (or is it peculiar we are so mad?).”

Wala man itong kinalaman sa Slender man ngunit ayon sa mga eksperto, ang ganitong klase ng relasyon ng dalawang magkaibigan ay delikado. Noong sina Anissa at Morgan ay ipinatingin sa mga espesyalista , nalaman na mayroong kondisyon ang dalawa. Si Morgan ay nakitaan ng ilang mga hallucination at nalaman na ito ay minana niya sa kanyang ama na dumanas ng schizophrenia noong ito ay nasa edad 14.

Ang dalawang magkaibigan na ito ay hindi nakulong pero sa mental hospital ang kanilang bagsak. Kumpara naman kila Pauline at Juliet, nagbago ng kanilang buhay kung saan si Juliet ay naging manunulat habang si Pauline ay naging simpleng tao.

Dahil sa pangyayari mula sa tatlong bata, ang gumawa at nagpauso mismo ng character na Slender Man ay nagbigay ng kaniyang komento patungkol sa nangyari. Ayon sa kanyang panayam mula sa isang site na kinilala bilang Radar Online “I am deeply saddened by the tragedy in Wisconsin and my heart goes out to the families of those affected by this terrible act,”

Digital Age And Slender Man:

Mula noong mabuo ang si Slender Man, hindi inakala ni Victor na ito ay magiging popular at kakatakutan ng maraming bata. Mula din noon ay ito ang naging simula ng online cult na kung saan ang mga kasama dito ay nagkakausap lamang through online. Ang nilalang na ito ay kilala ng mga utak ng mga kabataan na nabubuhay sa kadiliman.

When i say nabubuhay sa kadiliman, hindi totoong kadiliman ngunit ang mga kabataang nasa murang edad pa lamang na mayroon nang pinag-dadaanan. Ang kwento na ito at ang samahan na mayroon sa loob ng internet ang kanilang nagiging kasama. Mula sa kilalang trahedya na nagawa nila Morgan at Anissa, nagawan na ito ng mga iba’t ibang mga dokumentaryo.

Mula sa isang manunulat na kinilala bilang si Chess, isinulat nito kung paano nagagawa ng internet na magamit ang ilang kabataan. Mula sa mga boses nito, sa pananaw at sa iba’t ibang mga paniniwala. Ilang mga organisayon na din ang lumalabas upang mapaniwala na ito ay makakatulong sa isang tao. Ngunit ang totoo ay ginagamit lamang nito ang mga kabataan upang makuha ang kanilang gusto.

Mula sa isang nakakatakot na nilalang, sa isang tao o samahan sa internet at sa takot na nagmumula mismo sa naniniwala sa bagay na ito. Madali na lamang mamanipula ang utak ng mga batang ito.

Ang mga kabataan ay malayang makapag sulat gamit ang social media sa kung ano mang kwento ang kanilang gustong paniwalaan. Dahil nga madami na din kumakalat sa internet kung saan maraming kabataan ang naghahanap kay Slender Man at ito na din ang naging dahilan upang matuwa ang mga kabataan dito.

Hindi lamang ito kwento, ngunit ito ay naging isang laro para sa mga kabataan. Dahil na din sa pangyayari na nagawa nila Morgan at Anissa, makikita na iba na talaga ang nagagawa ng social media sa mga kabataan. Sa iba’t ibang site at kung paano nito mapapasunod ang mga ito. Ang internet ang tumutulong sa mga kabataan upang makakuha ng impormasyon ngunit ito din ang sumisira sa utak ng kabataan upang makagawa ng kung ano-ano.

Sa panahon ngayon ay internet ang nagiging takbuhan ng mga kabataan. Ngunit kung iisipin ay ang internet mismo ang sumisira sa mga utak ng mga ito. Tulad ng kwento partungkol sa Slender Man na nagiging takbuhan upang maging kasiyahan at kaunting takot ng ilang kabataan, hindi na nila napapansin ang kanilang nagagagawa.

Parents and Slender Man:

Ang mga magulang ay maraming paraan upang matakot ang kanilang mga anak. Ang mga ito ay nagkukuwento ng kung ano-anong paniniwala upang mapasunod lamang ang mga ito. Ngunit kung minsan ay ang nabubuong paniniwala sa utak ng mga bata ang nagiging dahilan upang ang mga ito ay may mabuo na nilalang o idea sa kanilang kaisipan.

Kung minsan ang mga magulang din ang nagiging dahilan kung bakit nagagawa ng mga bata ang kanilang kinikilos. Ang payo ng mga eksperto, dahil sa murang edad ng mga bata, hindi nito alam ang totoo sa hindi. Hindi alam ng mga ito kung ano ang realidad sa hindi, ang mga batang ito ay nangangailangan ng gabay.

Kailangan gabayan at maiplaiwanag sa mga bata kung ano ba ang totoo sa hindi.

Ang kwento na mula sa tatlong magkaibigan ang maaring magsabi sa mga magulang na bantayan nila ang kanilang mga anak. Lalo na sa kanilang mga pinapanuod online. Bantayan ang kanilang mga ginagawa, alamin kung ano ba ang kanilang mga pinagdadaaanan. Kung ang mga magulang ay alam ang mga bagay na ito, malalaman nila kung ano ba ang mali sa kanilang anak.

So, Slender man is not Real. Isa lamang itong imahe na nabuo ng isang site at kumalat na lamang. Ang slender man ay sarling takot lamang ng mga kabataan na gumawa mismo ng kanilang sariling kwento.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/olB5kDMz6xc

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend