Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Ang isa sa pinaka kilalang paniniwala ng mga bata sa America ay ang pagtawag sa isang nilalang sa pamamagitan sa pag-ulit na pagsambit ng panagalan nito sa tapat ng salamin. Ito nga ang pinaniniwalaan na “bloody Mary”.

Isang katatakutan na hindi naman talaga alam ang pinagmulan. Ano nga ba ang kwento sa kinatatakutan na babaeng ito. Handa ka na bang malaman kung ano ang kwento patungkol kay Mary? Kung sakaling pinapanuod mo ito ng gabi, madilim at walang kasama sa kwarto. Well, goodluck.

Kilalanin natin si Mary.

Queen Mary I :

Kilalanin muna natin si Queen Mary I na siyang pinaka-unang babae na namuno sa bayan ng England. Pero hindi niya ito namana, nakuha niya ito mula sa sarili niyang paraan. Ito ay kanyang nakuha kahit na maraming tao ang pumigil upang mapunta sa kaniya ang korona.

Si Queen Mary o nakilala din bilang Mary Tudor ay ipinanganak noong 1516. Ito ay anak nila Henry VIII at Catherine of Aragon sa edad na dalawamput’walo. Si Mary ang pang lima at tanging nabuhay na anak ng mag-asawang Henry at Catherine. Ito ay natuto mula sa kanyang English tutor na siya din nagturo kay Mary na sumulat ng mga letra, ang nagturo sa kanya ay ang Spanish Humanist na si Juan Luis Vives. Sa edad na anim na taon, ang batang si Mary ay nakatakda nang ipakasal sa hari ng Spain na siya din Emperor ng holy Roman, si Charles V.

Ngunit hindi ito naituloy dahil si Charles mismo ang bumali sa kasunduan. Dahil sa kagustuhan ng tatay ni Mary na magakroon ng anak na lalaki para sa kanyang trono,nais nitong ipasawalang bisa ang kasal ng kanyang asawa na si Catherine upang maghanap ng panibagong mapapangasawa. Ngunit ang Pope mismo ang hindi pumayag sa ganitong gawain, dahil dito ay nagpumilit si Henry at siya mismo ang nagdeklara na siya ay may prebilihiyo dahil siya ang hari ng England.

Taong 1533 ay nakapangasawa muli si Henry, ito ay si Anne Boyle na siyang ina ni ELizabeth I. Doon ay pwersahang pinatira at isinama sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ama si Mary. Ang ina ni Mary na si Catherine ay namatay sa kanyang kastilyo noong 1536, noon din ay napagbintangan ng treason ang pangalawang asawa ni Henry.

Dahilan upang ipabitay ito at pwersahan na tanggalan ng otoridad mula sa pope at maging ang kanyang pagka lihitimo na anak ng hari ay natanggal din sa kanyang katauhan. Dito ay nag-asawa muli ang hari ng apat pang beses hanggang sa maging anak na nito si Edward VI at noong namatay nga ito ay napunta kay Edward ang trono.

Noong namuno si Edward VI naging pagkakataon ito ng hari upang ipalaganap ang relihiyon na tinatawag na Protestantism. Bago tayo mapunta kay Mary, ang trono ay napunta sa Great-niece ni Henry VIII na si Lady Jane Grey. So,bakit napunta sa great-niece ang trono kung half sister naman si Mary ng namatay na hari?

Ayon sa history, si Lady Jane mismo ang pinili ni Edward VI na siyang magiging tagapagmana ng trono bago pa ito mamatay. Dahil nga ang kanyang pinsan ay isa ding Protestante at dahil si Mary ay isang debotong Katoliko mas pinili nito ang kanyang pinsan. Dahil nga Katoliko si Mary ay nawala siya sa pwesto upang maging tagapagmana ng trono ng kanyang kapatid.

Sa kagustuhan nga ni Edward na panatilihing Protestante ang England, si Lady Jane ang nakakuha ng trono.Pero hindi nagtagal kay Lady Jane ang trono. Siyam na araw lamang ang makalipas ay napunta na kay Mary ang trono sa pagiging reyna ng England. Dahil nga si Mary talaga ang karapatdapat nagkaroon ng maraming supporters ito at maging ang tatay ni Lady Jane ay umanib kay mary para maisalba ang kanyang buhay. Si Lady Jane ay hinatulan ng pagtataksil at kamatayan.

Kinikilala si Lady Jane bilangh pinaka-maikling pamumuno na naganap sa kasaysayan ng England.

Simula noong mapunta kay Mary ang trono, noong una ay tanggap nito ang pagkakaroon ng dalawang relihiyon ng kanyang pinamumunuan. Ang pagiging Protestante at ang pagiging Katoliko.

Ngunit marami ang naniniwala na simula pa lamang nung una ay nais na nitong gawin Katoliko ang lahat ng taong nasa England. Sa sobrang advance mag-isip ni Mary, naisip na niya na kung siya ay hindi magkakaroon ng anak, ang trono ay mapupunta sa kanyang kapatid na si Elizabeth I. Nais ni Mary na magpatuloy ang relihiyon na Katoliko kahit na siya ay mamatay, dahilan para makipag-kasundo ito ng kasal kay Philip II ng Spain.

Ang kanilang kasal ay hindi nagustuhan ng karamihan. Karamihan sa mga naipatupad na batas ng kanyang ama patungkol sa relihiyon ay kanyang ibinasura at pinalitan ng panibago. Ito ay nagpatupad ng isang batas kung saan siya lamang ang may kagustuhan. Sa limang taon na kanyang pamumuno,pinaniniwalaan na halos tatlong daang kataong protestante ang kanyang ipinasunog ng buhay, kinilala ang mga pagpatay bilang “Mirian Persecution” at si Mary ay kinilala bilang “bloody Mary”.

Si Mary ay hindi nabiyayahan ng anak at ito ay mayroong uterin o ovarian cancer na noon ay hindi pa kayang gamutin ng medisina. Si Mary ay namatay sa St.James Palace sa London noong November 17,1558. Ang kanyang pwesto ay napunta sa kanyang half-sister na si Elizabeth I mula noong 1559 hanggang 1603.

Just to be clear at halos lahat ay nalilito dito. Si Mary 1st ay walang kinalaman sa ritual. Oo pinangalanan sya ng bloody mary dahil sa kanyang pagpatay pero wala itong dahilan para magmulto pa. Iba ang pinaniniwalaang bloody mary kumpara kay Mary 1st.

Witch:

May isang bersyon naman ng bloody mary kung saan ang ito ay isang multo ng mangkukulam na nagngangalang Mary Worth. Si Mary worth ay isang dark magician o isang mangkukulam na gumagamit ng itim na mahika. Kadalasan itong nangunguha ng mga batang baabe na nagpupunta sa kabundukan. Kinukuha nito ang kanilang kabataan para mapunta sa kanya at maging mas bata sya.

Nuong panahon ng civil war ang mga lokal ay nalaman na mayroong mangkukulam sa kanilang nasasakupan at gaya ng nakikita natin sa mga palabas, nilagay nila sa kanilang kamay ang batas. Si Mary ay kinaladkad palabas ng kanyang bahay, tinali sa isang kahoy at saka sinunog ng buhay.

Maraming naniniwala na ang kanyang katawan ay nilibing sa sarili nitong lupa at dahil duon naging haunted ang bayan.

Sa hindi malamang dahilan ang kanyang espirito ay naabsorb sa salamin at sya nga ay sinasummoned ng mga dalaga para sa kanilang mga slumber party bilang isang katuwaan.

Mas pinaniniwalaan na ito ang bloody mary na nasa salamin kumpara sa reyna ng england dahil kung titingnan wala naman itong dahilan para maghiganti o magmulto.

The Myth Started:

Ayon sa paniniwala, dito na nga nagsimula ang kwento patungkol sa isang babaeng na makikita sa likuran ng salamin. Ngunit ang ilan naman ay nagsasabing ito ay mula sa Frudian na paniniwala ng isang Folklorist na si Alan Dundes. Ayon nga kay Alan, ito ay isang kwento tungkol sa isang initiation ritual para maging ganap na babae. Ang paniniwala patungkol sa Bloody Mary ay gawain ng mga babaeng matatapos na sa kanilang pagkadalaga. Ito nga ay kailangan gawin sa banyo sa harap ng napakalaking salamin at doon ay magpapakita na lamang ang dugo na dadaloy dito.

Paano na ba nagagawa ang ritual na ito? Kung ikaw ay matapang at malakas ang loob, isa lamang ang maipapayo ko sa iyo. Minsan ang katapangan ang nagiging simula ng kapahamakan.

Ayon nga sa paniniwala, kailangan pumasok sa isang madilim na silid at magbukas ng isang kandila. Kung sino man ang may hawak ng kandila ay tatayo sa harapan ng salamin habang sinasambit ng ilang beses ang mga katagang makakapagpalitaw sa Bloody Mary. Pinaniniwalaan na ang mga katagang “I believe in Bloody Mary”, o hindi naman ay “I killed your baby, bloody Mary” o simpleng “Bloody Mary” lamang ang maaring sabihin ng ilang ulit hanggang sa lumabas ang kanilang tinatawag.

Ayon sa kwento, kung hindi man ito magpakita sa likuran ay maari itong magbigay ng isang napakalaking kalmot sa mukha ng kung sino man ang tumawag sa kaniya. Yan ay kung ang ritwal ay natapos ng maayos. Idagdag na din ang paniniwala na maari mo itong matawag mula sa ibang mundo at doon ay mumultuhin ka nito habang buhay.

Ang ilan pa sa paniniwala ay ang pagbabago ng kulay ng buhok ng taong tumawag dito at ang mas malala ay ang biglaang pagkawala nito matapos ang ritwal.

Mirror:

Bakit papala sinasummon si Bloody Mary kung alam naman na pumapatay ito? Well ayon sa psychology ang gumagawa nito ay nasa tinatawag na robinson age o edad 9-12. Ito ang yugto ng buhay ng isang nagbibinata o nagdadalaga na masatisfy ang kanilang excitement sa pamamagitan ng pakikisalo sa mga ritual games o pakikipag laro o kwentuhan ng nakakatakot kapag madilim na.

Pero bakit salamin? Bakit hindi ba pwedeng sa pader o sa aparador? Posible na ang mga mirror witch games ay nagsimula pa nuong unang panahon. Alam naman natin ang isa pa sa mga pamahiin na kapag tumingin ka sa salamin ng hating gabi makikita mo ang mapapangasawa mo.

Ang konsepto na ang mga salamin ay lagusan para sa kabilang mundo ay makikita sa iba’t ibang kultura at pamahiin. Kadalasan itong ginagamit para makausap ang mga yumao. Ito rin ang dahilan kung bakit ang iba ay tinatakpan ang mga salamin ng isang bahay na may yumao hanggang sa ang katawan nito ay malibing.

May mga pamahiiin kasi na ang mga kaluluwa ng yumao ay nananatili sa bahay sa loob ng ilang araw. Kapag ang isang kaluluwa ay napatingin sa salamin, mattrap ito duon at hindi na makakatakas.

At yan ang dahilan kung bakit kailangan tumapat sa salamin kapag tinatawag si bloody mary.


The Explanation Behind the Myth:

Ayon sa mga kabataan sa America na nasubukan nang gawin ang nasabing ritwal, ang mga ito ay nagsasabing nakita nila ang imahe ng isang babae o isang nakakatakot na mukha ng isang tao. Ang mga distorted images na nakikita matapos tumingin ng matagal sa salamin gamit ang maliit na liwanag ay binigyan ng paliwanag ng ilang mga ekseprto.

Ayon kay Giovanni Caputo mula sa University of Urbino, ito ay tinawag niyang “Strange-Face illusion”. Ito ay nararanasan ng mga taong gumagawa nito. Dahil nga daw sa matagal na pagtitig sa salamin, ang utak o to be specific facial recognition ng ating utuak ay nagkakaroon ng maling paggalaw at nakakagawa ng kakaibang imahe.

Ang iba naman ay naniniwala na ang Illusion na kanilang nakikita ay dahil sa Troxler’s Fading na mayroon ding kinlaman sa self hypnosis. Pinaniniwalaan na malaki ang epekto ng kulay mula sa salamin, kung saan ang mga salaming silver base ay nagpapakita ng masculine figure. Habang ang isang glass base na salamin ay nagpapakita ng isang Femine figure na kadalasang nakikita ng mga tao.

Ang bloody mary ay isa lamang pananakot para sa mga bata. Maraming nagsasabi na nakakita sila ng gawin nila ito pero hindi natin sigurado baka ang utak lang ang naglalaro sa kanila. Subukan nyong tumitig sa salamin ng matagal, mapapansin nyong ang utak nyo mismo ang gagawa ng kakaibang imahe kahit hindi kayo magbanggit ng bloody mary.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/br-FRaNCQX4

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend