Ang taong may super power

Reading Time: 4 minutes

Nuong early 20th century ang isa sa pinakakilala sa larangan ng pagpeperform ay si Frank cannonball richards. IS irchard ay isang malaking tao at may matibay na sikmura. Kapag sinabi kong matibay, hindi ito basta basta tinatablan at ito ang naging bala nya sa kasikatan.

 

Unang nadiskubre ni Richard ang kanyang kakayahan ng sinubukan maranasan nyang suntukin sa tyan pero halos hindi ito nasaktan.

 

Ayon sa kwento, si Richard ay nakikipagpustahan sa kanyang mga kaibigan na suntukin sya sa kanyang sikmura. Dahil sa paulit ulit na pagsuntok sa kanya ang pain tolerance ni richards ay tumaas kayat hindi na sya naapektuhan ng mga normal na suntok.

 

Dahil dito naisip ni Richards na maglevel up kaya’t imbes na kamao lang ang pinasusuntok sa kanya, pinasubok nya ang isang kahoy hanggang sa naging bakal na.

 

Dahil sa abilidad na ito, si richards ay nakilala bilang Iron gut. Sa kanyang kasikatan, kapag nakikita sya ng mga tao, nagtatanong ang mga ito kung pwede ba syang suntukin, marahil para na rin masubok talaga kung toto nga ang kanyang titulo.

 

Simula nuong nabuhay ito, walang isang tao ang nakapagpangiwi sa mukha nito ng suntukin ang kanyang sikmura kaya’t ang ibang mga eksperto ay naniniwala na si Richards ang kauna unahang tao na mayroong super armour sa totoong buhay.

 

Sympre dahil pataas na ng pataas ang kanyang kasikatan, kailangan ding tumaas kaya’t sinubukan nyang magperform sa harap ng stage. Ibang iba ang tatayo ka lang tas susuntukin ka ng tao sa tyan kumpara sa magpeperform ka sa stage kumbaga kailangan maging creative ni richards para sa mga manonood sa kanya. Hindi naman pwedeng pumila bawat isang manonood tapos susuntukin sya.

 

Kaya’t naisip nya na imbitahan ang isang heavyweight boxing champion nuon na si Jack Dempsey. Sympre iisipin mo na isang suntok lang sa chan mula sa isang heavyweight champion talagang mapapangiwi sa sakit pero hindi, sa katunayan pinasuntok nya ang kanyang tyan ng 75 beses.

 

Pero alam din ni richards na hindi ito magiging sapat para sa mga manonood. Hindi rin naman pwedeng bawat labas sa stage ni richards eh pupunta si Dempsey kung kaya’t nakaisip sya ng ibang mga pakulo, anjan na ang hihiga sya at tatalunan sya ng mga audience sa tyan, pupukpukin ang tyan nya ng sledge hammer at ang pinaka nakilala sa lahat…. ang barilin ng kanyon ang kanyang tyan nya.

 

Alam nyo ba kung gaano kalakas ang isang kanyon? kaya nitong dumurog ng tao.

 

Nagtagumpay naman si Richards dito at nagawa nyang pahintuin ang kanyon sa kanyang tyan. Siguro iisipin mo na tama na un para sa kanya kasi napatunayan nya na ang lakas nya pero hindi, sa katunayan nagpapabarl si richards sa kanyon 2 beses kada araw sa loob ng isang dekada bukod pa ang ginagawa nyang pagpaapsuntok at pagpalo ng sledge hammer.

 

Sympre sa medical part, alam natin na nabubogbog ang mga laman loob ni richards diba? Baka di nya alam meron na pala syang sakit sa loob o baka may internal bleeding na sya pero wala. Walang sakit na naramdaman si richard wala rin syang injury na natamo sa buong buhay nya na nag perform. Si richards ay namatay sa edad na 81.

 

Marahil mayroon talagang mga taong may superpowers.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Dantes Paradiso

Succubus