Mula sa lugar ng Mongolia sa Gobi Dessert, Isang nilalang ang kanilang kinatatakutan. Isang nilalang na matagal nang hinahanap ng iba’t ibang indibidwal para malaman kung ito ba ay totoo o isa lamang kwento.

Ang Mongolian Death Worm.

Pero saan ba nagmula ang kwentong ito at papaano ito kumalat?. Halina’t samahan nyo kong tuklasin ang kwento sa likod ng mitolohiyang ito.

History:

Ang Mongolian death worm ay isang nilalang na pinaniniwalaang makikita sa Gobi dessert. Una ngang nakilala ang nilalang na ito sa isang libro ng manunulat na si Roy Chapman Andrew noong 1926, ang “On the Trail of Ancient Man”. Ayon sa libro, nalaman ni Chapman ang kwento ng mongolian deathworm nuong dumalo ito sa isang pagtitipon ng mga mongolian officials at dito nya narinig ang kwento. Halos lahat ng mga opisyales na ito ay hindi nakita ang sinasabing mongolian death worm pero lahat sila ay naniniwala na totoo ito.

Ayon sa isang British biologist na si Karl Shuker, mula sa kaniyang libro na lumabas noong 2002, “The Unexplained: An Illustrated Guide to the World’s Paranormal Mysteries”. Ang mga lokal ay pinangalanan ito bilang olgoi-khorkhoi na nanganaghulugang “large instestine worm”.

Story:

Ang death worm na ito ay hindi nga matatawag na death worm kung normal na bulate lamang ang kaniyang itsura. Ayon sa mga lokal, ito ay nagtataglay ng kakaibang laki at kakaibang kakayahan.
May paniniwala din na hindi lamang hayop ang kaniyang inaatake, ngunit maging ang mga taong kaniyang makakasalubong o mga taong pumupunta sa kanyang lungga.
Kagaya ng isang bulate, ang nakakatakot na nilalang na ito ay madalas nasa ilalim ng lupa,at madalas naman umaahon pagdating ng buwan ng hunyo at hulyo. Ayon sa mga kwento kwento, ang nilalang na ito ay isang warm blooded at parang hugis ng isang sausage. Hindi din makikita ang mata, bibig at ilong nito sa unang tingin kagaya ng nakasanayan natin. Marahil tinatago nya ito sa loob. May iba namang nagsasabi na meron itong bibig na kayang bumuka ng malaki kapag ito ay kakain at ito rin ang ginagamit nya pang hukay. Which make sense diba kasi papaano itong makakadura ng lason at makakakin kung wala itong bibig.
Kaya din nitong lumaki ng 2 talampakan hanggang 5 talampakan.

Ang mongolian death worm ay kaya ding pumatay ng isang nilalang sa malayuan dahil kagaya ng isang cobra kaya nitong dumura ng nakakalasong chemical. Kapag nakakita ito ng pagkain o hindi naman kaya ay nathreaten ito, dudura ito ng kulay dilaw na lason na ipapatama sa biktima. Kung sakaling hindi umalis ang kalaban nito at naramadaman nitong nanganganib ang kanyang buhay, maglalabas ito ng electric discharge at kapag lumapit ang isang nilalang dito, kamatayan ang kapalit.

Noon ay isang batang lalaki ang sinundan nito at di kalaunan ay nakita na lamang ang batang ito na wala nang buhay sa labas mismo ng kanilang tahanan. Naniniwala ang ilan na maaring nahawakan niya ang death worm at naging dahilan ng agarang pagkamatay nito. Ayon sa kwento, nagiwan ng bakas ang halimaw matapos nitong mapatay ang bata. Ang bakas na ito ang sinundan ng mga magulang ng bata para maipaghiganti ang pagkawala ng kanilang anak. Subalit ang mga ito ay hindi bumalik sa kanilang tahanan at hindi na nakita sa kanilang lugar magmula noon.

Investigation:

Maging ang Prime Minester ng Mongolia nuon na si Damdinbazar ay ipinakilala ang halimaw sa isang western explorer noong 1922. Dahil sa kakaibang kwento na mayroon ang nilalang na ito at nanggaling pa sa isang kilalang tao, maraming eksperto ang nagsagawa ng paghahanap para makita mismo ng kanilang dalawang mata ang nasabing halimaw.

Nuong 1983 muntik ng matuldukan ang paniniwala tungkol sa nakakatakot na nilalang na ito. Isang scientist ang bumisita sa lugar at nadiskubre nya ang isang klase ng ahas. Ang tartar sand boa. Pinakita nya ito sa mga lokal at ang iba dito ay inakala na ito ang deathworm na nakapaloob sa mga kwento at alamat. Subalit marami rin ang bumatikos dito dahil kung ito ay isang ahas lamang, alam ng mga ninuno nila ang pagkakaiba ng ahas sa ibang nilalang. Para sa kanila isa itong atake sa kanilang pagkatao kaya’t marami ang patuloy na naniwala na hindi ito basta isang ahas lamang.

Kinilala ang isang Czech cryptozoologist na si Ivan Mackerle na isa sa nagsagawa ng paghahanap sa death worm. Ang cryptozoologist na ito ay nakapagsagawa ng tatlong beses na paghahanap mula noong 1990,1992 at noong 2004. Ipinahayag ni Mackerle na una niyang narinig ang death worm noong siya ay bata pa lamang mula sa kaniyang pinagtatrabahuhan na paleontologist na si Ivan Yefremov.

Noong siya ay nakatuntong ng kolehiyo, nakakilala ito ng isang Mongolian student na naniniwala rin sa death worm at ito ang simula nang kaniyang pagka obsessed sa nilalang. Ang eksperto na ito ay pinag-aralan ang bawat literatura ng Mongolia para makahanap pa ng dagdag impormasyon kung paano mahanap ang mailap na halimaw.

Noong si Mackerle ay tumuntong sa edad na 40. Binigyan ito ng pahintulot ng gobyerno ng Mongolia na isagawa ang kaniyang paghahanap at pag-aaral sa nilalang.

Mula sa kaniyang nabasang sci-fi novel na Dune na isinulat naman ni Frank Herberts noong 1965, ginamit nya ang rhythmic vibrations para maobserbahan ang ilalim ng kalupaan sa Mongolia. Ngunit kahit ano pang ibang device ang kanilang gamitin, walang makitang bakas ng isang death worm.

Kahit na walang nakita, narinig at nahanap na bakas ang team na pinangunahan ni Mackerle. Ang kanilang research ay kanilang ipinamamahagi sa kung sino man ang magnanais na hanapin ang nakakatakot na halimaw.

Hindi lang naman si Mackerle ang nagkainterest na hanapin ito, Isa pang researcher ang nakakuha ng attention ng mongolian death worm at ito ay si Yuri Orlov. Nagsagawa ng paghahanap sa nasabing halimaw si Yuri magmula noong 1946 hanggang 1949. Ayon sa kanya nakita nila mismo ang halimaw, ngunit ang mga ito ay walang nakuhang larawan. Ibig sabihin word of mouth lang at alam nyo naman ang lagi kong binabanggit kapag word of mouth ang ebidensya diba?

Taong 2005 naman si Richard Freeman, na isang cryptozoologist ay nagsagawa din ng paghahanap. Nakarinig sya ng kwento kung saan daw matatagpuan ang halimaw kaya’t pinuntahan agad un ng team nila subalit ng kanilang puntahan ang nasabing lokasyon, ang nadatnan lang nila ay isang maliit na baryo na wala nang nakatira. Kung kaya’t nagtanong tanong si freeman. Dito nya nalaman na ang mga mamayan dito ay nagsi-alisan dahil sa pagkakaalam na may naghahanap muli sa nakakalasong halimaw.

Taong 2013 naman noong lumbas ang isang litrato ng isang worm at maraming naniniwala na ito ang death worm. Ngunit ito ay pinabulaanan ng ilan dahil na din sa hindi nito kakulay ang nasabing halimaw at ito ay normal na bulate lamang.

Characteristic:

Ayon sa paglalarawan sa nilalang na ito.Pinaniniwalaan na ito ay nagtataglay ng kulay dugo at ang kaniyang laki ay kasing laki ng intestine ng tao.Pinaniniwalaan nga na ang death worm ay nagtataglay ng haba na umaabot sa dalawa hanggang pitong talampakan. 

Ito ay mayroong kakayahang maglabas ng kulay dilaw na laway na nakakalason at maaring makapaglabas ng kuryente mula sa kaniyang katawan o maaring mismo sa kaniyang laway.

Ayon sa mga nomads, ang malaking bulate na ito ay binabalutan ang kanyang biktima ng kaniyang acidic saliva kumbaga parang pinapalambot nito ang laman. Karaniwan ding nasa ilalim ng lupa ang mga deathworm na ito at kapag aatake ay ilalabas ang kanilang kalahating katawan para idura ang kanilang nakakalasong laway.

Dahil sa kakulangan sa ebidensya, ang paniniwala kung totoo ba ang death worm ay hindi tiyak. Ang ilang eksperto ay nagsasabi na maaring hindi isang tunay na bulate ang kanilang nakita, dahil ang isang bulate ay walang kakayahan na mabuhay sa isang napaka init na lugar.

Ayon naman sa iba ay maaring tunay ang kwento tungkol sa nilalang na ito. Ang Gobi Dessert nga ay isang napakalaking lugar at puno din ng iba’t ibang hayop at hindi kilalang nilalang na hanggang nagyon ay hindi pa din nadidiskubre.

May ilang worms din na nabubuhay sa buhangin at hindi sa lupa .Tulad na lamang ng giant beach worm sa Australia na Australonuphis teres.

Posible na ang pag absorb ng oxygen ng isang bulate mula sa kanilang balat at dumadaloy sa kanilang katawan ang dahilan upang lumaki ang isang ito tulad na lamang ng pinaniniwalaang laki ng isang death worm.

Close resemblance:

Maaring ang paniniwala sa nilalang na ito ay nadagdagan na lamang ng nagdagdagan sa tagal ng panahon. Maari ngang isa lamang itong noraml na bulate at dahil sa ilang pagdadagdag sa ilang detalye, nakilala ito bilang malaki at nakakamatay na hayop.

Maaring hindi isang worm ang tunay na death worm ngunit ibang hayop. Naniniwala ang ilang mga eksperto na maaring naguluhan lamang sa pangalan na ibibigay dito ang mga naghahanap. Ang Worm nga sa katawagan nito ay hindi talaga nangangahulugang isang bulate.

Naniniwala ang mga eksperto na maaring ito ay isang uri ng ahas o maaring isang uri ng legless lizard na nabubuhay sa Gobi Dessert.Maraming eksperto ang silang naniniwala na maaring hindi kilalang uri ng ahas ang death worm.

Kahit nga sabihin ng iba na walang ahas ang silang nakakapaglabas ng kuryente sa kanilang katawan. May ilang ahas ang nakakapag patalsik ng kanilang laway at kasama nito ang kanilang lason. Ang mga Cobra at ang mga vipers ay kilalang ginagawa ang mga ganitong bagay, ngunit ang kanilang venom ay hindi naman acidic gayunpaman makakapagbigay ito ng sakit at maaring makabulag sa isang tao o hindi naman ay kamtayan kapag pumasok sa sugat.

Dahil na din sa ugali nitong nasa ilalim ng lupa, naniniwala ang ibang eksperto na ang mongolian death worm ay isa talagang reptile in fact ayon kay shuker posibleng ang death worm na inaakala ng mga lokal ay isa lamang amphisbaenids o isang lizard na walang paa at naninirahan sa ilalim ng lupa and in fact ang mga lizards na ito ay naninirahan sa mga maiinit na lugar. Kung ako ang tatanungin, mukha talaga syang bulate.

Ang amphisbaenids ay hindi nakakalason pero masasakit ito mangagat. Para sa akin ang pagbuga o pagdura ng lason ay dinagdag na lamang pati na rin ang kakayahan nitong makakuryente. Marahil dahil sa itsura nito inakala ng mga tao na nakakakuryente ito o di naman kaya hinawakan ng isang tao tapos sa sobrang taranta nya feeling nya nakuryente sya dahil sa ridges na meron ito. Ewan ko, we can only assume.

Ito ang kwento ng mongolian deathworm.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/27NNH1S6tlo

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend