Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Ang bayan ng Africa ang kinikilalang pangalawa sa pinaka malaki at pangalawa sa pinaka madaming poplasyon na kontinente. Bukod sa populasyon nitong 1.3billion noong taong 2018, tirahan din ito ng iba’t ibang hayop. Kagaya ng iba pang bansa, mayroong iba’t ibang paniniwala ang bumubuo sa bayan na ito?

Mula sa kanilang kultura, tradisyon at paniniwala, malamang ay magugulat kana lamang na ito ay kanilang ginagawa. Tulad na lamang ng apat na lalaking isinasayaw ang bangkay. Hindi natin pag-uusapan kung ano ang kanilang mga ginagawa ngunit kikilalanin natin ang isa sa mga nilalang na kanilang kinatatakutan at pinaniniwalaan.

Kung sa atin mayroong batibat, sa africa mayroong tikoloshe. Alamin natin kung ano ba ang kwento patuingkol kay Tikoloshe.

History:

Ang Tikoloshe ay mula sa Zulu o Xhosa mythology o    isang indigineous group na naninirahan sa South Africa. Ang Tikoloshe ay kanila ding kinikilala sa pangalan na Tokoloshe, De’Avian at Hili na kanilang pinaniniwalaan na isang dwarf spirit. Ito ang sinisi kung bakit namamatay ang ilang mga tao sa lugar habang ang mga ito ay natutulog.

Ayon sa tradisyon ng mga African, ang mga ito ay natutulog sa isang lugar kung saan ang damo ang nagsisilbing sahig at ito ay kanilang pinalilibutan ng kahoy na kanila naman sisindihan habang sila ay matutulog sa malamig na gabi. Ang mga tao noon ay hindi alam na ang kanilang ginagawa na pagpapalibot ng apoy habang sila ay tulog ay isang masama. Yung tipong magigising ka na lang lechon ka na pala.

Story:

Ayon sa kwento, ito ay tinatawag upang manggulo sa ibang tao. Ang Tikoloshe din ang ginagamit ng mga magulang na panakot sa kanilang anak. Bagama’t pinaniniwalaan na hindi ito nakakasakit ng kapwa, nakakapagbigay naman ito ng malalang sakit sa katawan na maaring humantong sa kamatayan ng taong mabibiktima nito.

Ang Tikoloshe ay mahilig gumala at magbigay ng kamalasan sa mga tao lalo na sa mga bata. Kung nais man na mapaalis ang nilalang na ito, ang kilalang pangtaboy ay ang pagtawag sa isang “N’anga” o isang albularyo para sa Africa. Pinaniniwalaan na mayroon itong kakayahan na paalisin ang Tikoloshe saan mang itong lugar naroroon.

Idagdag na din ang paniniwalan na maari mapa-alis ang Tikoloshe tuwing gabi ay ang paglalagay ng brick sa paanan ng bawat isang natutulog.So,kung wala kang brick sa paanan ay ilkaw lamang ang guguluhin ng Tikoloshe.Kung sakaling ang isang tao naman ay makakita ng isang TIkoloshe,ito ay hindi niya dapat ikuwento sa iba kung hindi ay ang Tikoloshe ang maghahanap at magbibigay ng perwisyo.

Taong 1953 hanggang 1955, isang kilalang Axe killer ang gumagala sa South Africa. Kinilala ito bilang si Elifasi Msomi. Ito ay pinaniniwalaan na pumatay ng labin-limang katao, dahilan upang hanapin ito. Nahuli at binitay ito noong 1956. Ayon sa panayam kay Elifasi, Tikoloshe ang dapat sisihin sa pagkamatay ng mga taong iyon at hindi siya. Sinisisi niya na ang Tikoloshe ang nag-uutos sa kaniya upang pumatay ng mga tao. Nagkaroon din ng kasabihan sa South Africa na “When in doubt, blame the Tikoloshe, as it is the Tikoloshe who is the doer of all evil”. Kumbaga pag gumawa ka ng krimen isisi mo sa tikoloshe, siguro kung nakakapagsalita lang ang tikoloshe matagal na itong naghain ng reklamo bat laging sya.

Charateristic:

Ayon sa paniniwala, ang Tikoloshe ay mayroong kakayahan na maging invisible kung ito ay iinom ng tubig. Pinaniniwalaan na makikita ito na parang goblin, poltergeist o hindi naman ay isang gremlin.

Marami ng lumabas na paglalarawan sa nilalang na ito. Kung minsan ay pinaniniwalaan na ang buong katawan nito ay mabuhok na parang isang oso.

Pinaniniwalaan din na ang kapangyarihan ng mga Tikoloshe ay mula sa isang mainit na metal na siya namang inilalapat sa kanilang ulo noong sila ay nabubuo pa lamang. Lumabas din sa reseach na noong 2009 ay nagkaroon ng usap-usapan patungkol sa babaeng Tikoloshe na kinilala namang “Livashni”. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din napapatunayan ang bagay na ito.

Similar mythos:

Sa dinami dami ng mga nilalang sa mundo, maaring ang Tikoloshe ay kinikilala sa ibang bansa bilang isang Goblin o isang nilalang na mahilig paglaruan ang mga tao base sa paglalarawan sa isang Tikloshe at sa kung ano ang nagagawa nito. Ang masama lamang ay ginawa na nilang paniniwala na kung walang ibang masisi sa isang pangyayari ang dapat sisihin ay ang Tikoloshe.

Sa panahon ngayon marami na ding mga taong mapangbintang. Makikita natin ang Tikoloshe hindi sa halimaw na anyo ngunit sa isang tunay na tao. Ang taong napagbibintangan sa mga bagay na hindi naman nila nagawa. Dahil sa mga taong naghahanap ng masisisi,ang mga ordinaryo ay mga inosenteng tao ang nadadamay at napagbubuntungan ng galit.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/4JJlRqUm12I

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend