Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Mababasa natin mula sa mitolohiya ng mga griyego ang tungkol sa isang babae na nagawang isakripsisyo ng kanyang sariling ama. Kilalanin natin si Iphigenia.

History:

Mula sa salitang griyego na Iphios na ang ibig sabihin ay “strong, stout” at genes na ang ibig sabihin ay “born”. Nabuo ang pangalan ni Iphigenia. Ayon sa owlcation, ang kwento patungkol sa babaeng ito ay nakakabit sa ilang mahahalagang bahagi ng greek mythology. Lalo sa kwento ng Trojan War at House of Atreus and Orestes.

Mula kay Homer sa kanyang kwentong Illiad, isinulat pa ito ng ibang manunulat at binigyan ng iba’t ibang pagkakakilanlan ang babaeng ito.

Story:

Ayon sa kwento at paniniwala ng mga griyego. Si Iphigenia ay anak ni Agamemon na hari ng Mycenae at ng kanyang asawa na si Clytemnestra.
Ang mga army ng Greek ay naghahanda para pumunta sa Troy upang kuhanin ni Paris si Helen. Nuong sila ay nasa aulis na, ang ama ni Iphigenia ay hindi sinasadyang mapatay ang sagradong usa na alaga ni Artemis. Dahil sa pangyayari, ang diyosa ay nagalit dito. Dahi dito ay pinigilan ni Artemis ang hangin upang hindi makaandar ang barko na sinasakyan ng mga Griyego.

Nalaman ni Agamemnon ang nangyayari mula sa kanyang impormante na si Calchas. Dito ay binigyan ito ng paraan upang humingi ng tawad sa Diyosa. May kasabihan ngang, an eye for an eye. Kumbaga, buhay ang nawala, buhay din ang kapalit at ito ang pagsasakripisyo sa kaniyang anak na si Iphigenia.

Noong una ay hindi pumayag ang hari ngunit di kalaunan ay pumayag din ito.A ng hari ay nagsinungqaling sa kanyang asawa at anak, sinabi niya dito na si Iphigenia ay ipapakasal kay Achilles bago pa man pumunta ng Troy.

Pumunta ang mag-ina sa daungan ng Aulis at doon na din nalaman ang malagim na katotohanan. Kahit na nalaman ni Iphigenia ang katotohanan, pumayag itong magsakripisyo. May ilang kwento at paniniwala na sa pagmamahal din ng ama sa kanyang anak, mas nais nitong huwag nang ituloy ang pagsugod sa Troy upang hindi na matuloy ang pag-aalay.

Ang iba naman ay naniniwala na ang pagpatay o pagsasakripisyo nito sa anak ay kinilala niya bilang isang duty o katungkulan sa bayan.

Ngunit ayon sa paniniwala at pinaka kilalang kwento, noong papatayin na ang dalaga, ang diyosang si Artemis ay bumaba sa lupa upang mailligtas ang dalaga. Pinalitan niya ng usa ang dalaga at ang tanging nakakaalam lamang nito ay si Calchas, ngunit nanatiling tikom ang bibig nito at hindi ipinagsabi sa kahit kanino ang katotohanan.

Ayon sa ilan pang mga kwento, ang pagpatay kay Iphigenia ay mayroong ding nakakamatay na parusa. Sa ilang taong nagang pakikipaglabay sa Troy, ang nauwing pagkapanalo ni Agamemnon ay nagdala din sa kanyang huling hantungan.

Noong si Agamemnon ay nakauwi sa Mycenae, pinatay ito ng kanyang asawa na si Clytemnestra. May nagsasabi na dahil ito sa panibagong asawa ng reyna, ngunit marami ang naniniwala na dahil ito sa pagpayag ng hari na patayin ang kanilang anak na si Iphigenia. Noong mailigtas ni Artemis si Iphigenia, dinala niya ito sa siyudad ng Tauris at doon ay ginawa niya itong priestess.

Mayroon namang isang kwento na napatay ng kanyang kapatid na lalaki ang kanyang ina at ang asawa nito. Dahilan upang habulin ito ng mga taga Erinye sa kasong Matricide. Ang kanyang kapatid na si Orestes ay pinayuhan na pumunta ng Tauris upang kuhanin ang wooden image ni Artemis na bumagsak mula sa langit at ibalik ito sa Athens. Noong si Orestes ay pumunta ng Tauris. Nadakip ito ng mga lokal na opisyal sa lugar at doon ay dinala kay Iphigenia. Noong una ay ay hindi nagkakilala ang magkapatid na sina orestes at iphigenia dahil na din sa tagal na hindi pagkikita, hindi kalaunan ay nalaman nila ang katotohanan sa kanilang pagkatao at sabay na tumakas sa Tauris.

Ang dalawa ay nakabalik ng Greece. Ang kanyang kapatid ay tuluyan nang naging hari noong makuha ang trono ng kanyang ama. Habang si Iphigenia naman ay nanatiling naglilingkod kay Artemis. Mayroong ilang paniniwala na si Iphigenia ay naikasal kay Achilles sa kabilang buhay at doon ay namuhay ng masaya ang dalawa.

Characteristic:

Ayon sa pagkakakilala kay Iphigenia, ito ay mapagmahal sa kanyag ama at mayroon ding magandang kalooban. Dahil sa pagmamahal nito sa kanyang ama, nagawa nitong ialay ang kanyang sarili. Inisip na nito na ang bawat mandirigma na lalaban sa Troy ay handang ialay ang kanilang buhay, ito na lamang ang kanyang magagawa upang makatulong sa mga ito.

Similar Story:

Kung ikaw ay nagbabasa ng bibliya, malamang ay mayroon kang maalalang kwento patungkol sa isang mag-ama. Sina Abraham at ang kanyang anak na si Isaac. Mula Genesis 22.

Then God said, “Take your son, your only son, whom you love—Isaac—and go to the region of Moriah. Sacrifice him there as a burnt offering on a mountain I will show you.”

Ang pagmamahal ni Abraham sa Diyos ang naging dahilan upang muntikan na niyang kuhanin ang buhay ng kanyang sariling anak. Noon ngang malaman ni Isaac ang gagawin ng kanyang ama, hindi ito tumakbo at tinanggap na lamang ang kanyang kapalaran. Ngunit ang lahat ng ito ay isa lamang pagsubok at doon ay hindi napatay ni Abraham ang kanyang anak.

Ang kwento ni iphigenia ay tumatak na sa iba’t ibang indibidwal, iba’t ibang libro at mga play sa teatro ang itinanghal ang kanyang kwento. Maging ang isang palabas noong 2017 na pinamagatang Killing of a Sacred deeer ay patungkol kay Iphigenia.

Sa panahon ngayon, kakaunti na lamang ang nakakaalam sa kwento ng isang babaeng kayang magsakripisyo ng buhay para sa kaniyang bayan. Kaya nitong isakripisyo ang kanyang buhay sa kasalanan na hindi naman siya ang gumawa.

Katulad ngayon, madami na ang nakakalimot sa ating mga bayani. Ang mga bayaning nagtanggol at nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bansa. Ang iba naman na katulad ng ama ni Iphigenia na si Agamemnon ay gagawin din ang lahat para sa bayan kahit na ang kabayaran nito ay ang kanyang sariling kadugo.

Sa panahon ngayon, mahirap man aminin ngunit nagkakaroon ng mga ama na kayang ialay ang buhay ng kanilang mahal sa buhay makuha lamang ang tagumpay na kanilang nais makamit.

Tandaan na natin na walang kwenta ang tagumpay na makukuha kung mawawala naman ang taong mahalaga sa iyong buhay. Ang tunay na tagumpay ay ang pagiging masaya na hindi na kailangan pang dumanak ang dugo ng iyong kapamilya, kaibigan o kahit sino mang tao.

 

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/0V5aJrVZHUA

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend