Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Mula sa Norse mythology ,ang mga kilalang kilala na mga Diyos ay sina Thor, Odin at Loki. Ang tatlong mag-aama. Ngunit ang Norse mythology ay binubuo din ng iba’t ibang nilalang. Komplikado din minsan ang mga pinagmulan ng kanilang mga Diyos at nilalang.

Si Heimdall ang nagsisilbing watchman ng mga diyos. Tinatawag syang shining god at contrary sa pinakita sa palabas, sa totoong mythology, si Heimdal ay sobrang puti in fact sya ang pinakamaputing diyos sa lahat ng diyos ng asgard.

Halina’t kilalanin natin ang isang Guardian na mula sa Norse mythology.

History:

Mula sa Poetic Edda na isang kompilasyon ng mga tula noong 1000 hanggang 1300 AD ay mababasa ang kwento patungkol kay Heimdall. Mula sa iilang archeological records, ito ang dahilan upang mahirapan ang mga eksperto na kilalanin maigi ang pinagmulan ng paniniwala kay Heimdall. Isa sa nahanap ng mga eksperto ang tinatawag na Gosforth Cross. Ito ay isang 10th century Anglo-saxon cross mula sa Northrumbian.

Ang cross na ito ay makikitaan ng mga imahe na nagsilbing disenyo, kung saan ipinapakita ang paniniwala sa Kristyano at sa mga Pagan ng mga sinaunang Norse. Pinaniniwalaan na ang ilang ukit sa krus na ito ay si Heimdall mismo, na siyang nakikipaglaban sa dalawang malaking halimaw.

Makikita dito na siya ay may hawak na horn at sa kabilang kamay naman ay espada na siyang ginawa niyang panangga sa dalawang malalaking halimaw. Mula naman sa isang French comparative philogist na si Georges Dumezil, ito ay naniniwala na ang kwento patungkol kay Heimdall ay maaring idinagdag na nilalang upang maisama sa kwento patungkol sa pagbuo ng mundo noong unang panahon.

Dahil sa kaisipan na ito, pinaniniwalaan na si Heimdall ay walang pinagmulan na lineage dahil ito ang pinaka una sa kanyang lahi. Ngunit mayroong din mababasa mula sa old Norse Poem na Voluspa, pinaniniwalaan ng mga sinanunang tribo ng Norse ang mismong gumawa ng pagkakakilanlan at kwento patungkol kay Heimdall.

Dito ay naniniwala ang ilang mga scholar na maaring ang kwento kay Heimdall ay mula lamang sa pinag sama-samang kwento at tradisyon ng mga Pre-Christian Ancient Germania at mga early medival Scandinavia.

Story:

Si Heimdall ay mula sa siyam na ina. Pero wala itong ama. Tama ang narinig mo, pinaniniwalaan na siyam ang nagluwal kay Heimdall dahilan upag maging kakaiba ang pagkalabas dito. Hindi lamang kung sino-sinong babae ang nagluwal dito, ngunit ang siyam na ito ay pinaniniwalaan na magkakapatid at hindi lang basta normal na babae kundi mga higante o mga giants. Ibig sabihin si Heimdall ay isa ding higante.. Habang may iba naman na naniniwala na si Odin ang ama nito.

Pinaniniwalaan din na si Heimdall ang siyang tagapagbantay ng rainbow bridge na Bifrost na tanging daan upang makapunta mula Midgard na tahanan ng mga mortal, hanggang Asgard na tahanan naman ng mga Diyos na kinikilala sa Norse Mythology. Ayon sa kwento, si Heimdall ay nakatira lamang malapit sa kanyang binabantayang lugar, ang kanyang tahanan ay makikita sa Himinbjorg. Kung ito man ay hindi nagbabantay sa tulay mula sa mga kalaban, ito ay sasakay sa kanyang gintong kabayo na tinawag na Gulltop.

Hindi lamang ito kulay ginto, ngunit pinaniniwalaan na mula mismo sa ginto ang kanyang alagang kabayo. Pinaniniwalaan din si Heimdall ay nakikisalamuha sa mga mortal sa kanilang paglalakbay, dahilan upang magkaroon ito ng iba’t ibang pagkakakilanlan. Nariyan ang Reg, Hallinskidi, Gullintanni at Vindler. Bago pa man ito maging tagapagbantay ng tulay, ito ay mahilig nang pumunta sa mundo ng mga tao. Ito ay madalas bumisita sa mga mag-aasawa.

Ang unang mag-asawa na kanyang pinuntahan ay nangungupahan at katulong sa lupa ng kanilang tinutuluyan, ang pangalawa naman ay ang mag-asawang magsasaka na hirap sa buhay at ang pinaka huli ay ang mag-asawang may magandang puso. Matapos ang siyam na buwan, ang tatlong mag-aasawa na ito ay nabigyan ng anak. Pinaniniwalaan na ang una ay si Thrall na siyang hindi kagandahan ang itsura ngunit labis ang lakas at naging tagapagmana ng lupa ng kanilang tinitirahan.

Ang panagalawa naman ay si Karl na siyang magaling na magsasaka at naging tagapagmana ng mga ito. Ang pinakahuli naman ay si Jarl na matalino at magaling sa pangangaso at pakikipag laban.

Kung ito naman ay makikitang nagbabantay sa tulay, katabi naman nito ang pinagkakatiwalaan niyang espada na si Hofund. Ito ang magpoprotekta sa kaniya kung sakaling sumalakay ang mga kalaban. Kung sakaling mangailangan man ito ng tulong, ang kanyang horn na si Gjallarhorn ang kanyang gagamitin upang magtawag o humingi ng tulong mula sa iba pang mga Diyos at Diyosa na nasa Asgard.

Pinaniniwalaan na ang horn na kanyang gagamitin ay para sa tinatawag na “Ragnarok” o katapusang ng mundo. Kung sakaling malapit na ang pagtatapos ng buong mundo, ang horn ay tutunog at aabot ang lakas nito sa siyam na mundong pinaniniwalaan sa mitolohiya ng mga Norse. Kung sakaling makita nito na paparating na ang mga kalaban, ang Gjallarhorn ay tutunog hudyat upang ang mga nasa Asgard ay maghanda sa nalalapit na pagtatapos.

Characteristic:

Dahil sa kakayahan ni Heimdall, ito ang naging dahilan upang ito ay gawing tagapagbantay ng tulay mula mundo ng mga mortal hanggang sa mundo ng mga Diyos. Mayroon itong matalas na pandinig at paningin, dahilan upang malayo pa lamang ay marinig na niya at makita kung sino man ang pupunta sa tulay. Hindi lamang basta pag-uusap ang kanyang naririnig, ngunit maging ang galaw ng mga taong ito mula sa kanilang damong tinatapakan at maging ang pagtubo ng buhok ng isang tupa ay kaya niyang marinig kung nanaisin. Kaya sya nagkaroon ng sobrang talas na paningin ay dahil sa sinacrifice nya ang kanyang isang tenga kapalit nito. Kagaya ni odin kung saan sinakrifice ang isang mata.

FYI lamang, sa marvel cinematics akala natin na bulag si Heimdall dahil sa puting mata nito at hindi ito tumitingin pag kinakausap pero hindi po. Hindi bulag si heimdall. Ginagawa nya ang hindi pagtingin dahil mas tinutuon nya ang tenga nya sa kanyang kausap. You see masyadong sensitive si heimdall, think of it na kapag nasa maraming tao ka tapos kinakausap ka, tinutuon mo ang atensyon o pandinig mo sa taong un para marinig mo sya ng maayos. Ayan ang dahilan kung bakit ganun ang acting ni heimdall sa palabas.

Mas madalas itong gising, imbis na tulog at ang kanyang paningin ay mas matalas tuwing sumasapit ang kadiliman. Pinaniiwalaan na kaya nitong makita ang isang nilalang libo libong milya ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Si Heimdall na mismo ang pinaniniwalaan na pinaka makinang at pinakamaliwanag na Diyos na pinaniniwalaan ng mga Norse.

Pinaniniwalaan na ang tinatawag na “Hljod” ni Heimdall ay nakabaon sa ilalim ng Yggdrasil na siyang pinakamahalagang puno na nakatubo sa gitna ng Cosmos. Ang isang Hljod ay pinaniniwalaan na isa ding Gjallarhorn, ito ang nagsisilbing isang tenga na siyang dahilan upang magkaroon ito ng kakaibang pandinig. Bukod sa matalas nitong paningin at pandinig, pinaniniwalaan din na mayroong itong kakayahan na makita kung ano ang mangyayari. Kumbaga propecies.

Dahil dito ay nalalaman nito kaagad kung anong oras, araw at saan magaganap ang ilang pangyayari.

Sons:

Ayan sa poetic Edda, si Heimdall ay posible ding MaL. Makikita ang mga katagang.

“For silence I pray all sacred children,
great and small, sons of Heimdall.
they will that I Valfather’s deeds recount,
men’s ancient saws, those that I best remember.
Henry Adams Bellows translation:

Hearing I ask from the holy races,
From Heimdall’s sons, both high and low;
Thou wilt, Valfather, that well I relate.
Old tales I remember of men long ago.”

Sa tula nabanggit ang heimdall sons at sons of heimdall. Indikasyon na nagkaroon iuto ng anak. May mga scholar na naniniwala na kapag si heimdall ay bumibisita sa earthly realm, sumisiping ito sa mga babae. Gayunpaman, hindi naman klinaro ng manunulat kung ito ba ay sumisiping o sadyang tinawag lang na heimdall sons.

Symbol:

Si Heimdall ay sumisimbolo sa isang Ram. Naniniwala ang mga scholar na ang Ram ay sumisimbolo sa authority at kapangyarihan. Ito din ay isang simbolo ng leadership na kung saan tradisyon nang kinikilala bilang isang tagapayo at isang mandirigma. Ang isang Ram din ay pinaniniwalaan na sumisimbolo sa araw at sa madaling araw, dito ikinabit ang pagiging maliwanag at maputi ni Heimdall.

Kung ating titiganan, ang ganitong uri ng paniniwala ay makikita din sa bibliya, kung saan ang Diyos ay nagtalaga ng isang tao upang maging kanyang tagabantay. Doon ay sinabi din na kung mayroon man itong nakitang masamang trahedya, kailangan nitong bantaan ang mga tao at ihipan ang kanyang trumpeta bilang babala. Ngunit ayon sa ilang research, hindi malinaw kung sino nga ba ang nasabing Watchman o tagapagbantay mula sa bibliya.

Jeremiah 6:17
At ako’y naglagay ng mga bantay sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni’t kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.

Ezekiel 33:6
Nguni’t kung makita ng bantay na dumarating ang tabak, at hindi humihip ng pakakak, at ang bayan ay hindi napagbigyang alam, at ang tabak ay dumating, at maghiwalay ng sinoman mula sa gitna nila; siya’y nahiwalay sa kaniyang kasamaan, nguni’t ang kaniyang dugo ay sisiyasatin ko sa kamay ng bantay.

Archeology:

Isang larawan ang nakaukit na naglalaman ng inscription kung saan pinakita si heimdall. Nakiskubre ito sa Saltfleetby sa england nuong September 1 2010. Ang Spindle Whorl ay dated sa taong 1000 hanggang 1100 CE.

Sa inscription makikita ang diyos na si Heimdal kasama si Odin at Thjalfi, isa sa mga alalay ni Thor.

Sa Isle of Man naman nakita ang isang nilalang na mayroonglarge horn at hawak hawak ang isang malaking espada. Ayon sa mga scholars, ang nilalang na ito ay si Heimdall hawak hawak ang gjallarhorn.

Nuong 9th o 10th century naman sa cumbria england. Nakita rin ang isang nilalang na mayroong hawak hawak na malaking espada at horn. Nakatayo ito habang ang dalawang halimaw ay hinaharangan nito gamit ang kanyang espada. Kagaya ng naunang paglalarawan, ito ay si heimdall.

Representation:

Para sa panahon ngayon, ang isang watchman o guard ang siyang nagbabantay sa mga gusali, pamilihan at sa iba pang mahahalagang lugar. Ang taong ito ang nagpapanatili ng kaayusan at umaayos sa kaguluhan kung mayroon man. Sila ang magsasabi kung papasok ba ang isang tao o hindi sa kanyang binabantayan. Kung mayroon man itong makitang kahina-hinala, maaring itong lumaban o tumawag sa iba pang mga nakakataas upang siya ay matulungan. Kagaya ni heimdall ang ating mga sekyu ay mayroon ding pito altho wala silang espada meron naman silang mga batuta.
Kung ang guard nyo sa school ay sobrang higpit,maaring magpasalamat ka na lamang dahil sila ang nagbabantay ng kapakanan mo sa loob ng eskwelahan.SIla ang naninigurado na walang makakapasok na masamang loob sa loob ng eskwela upang ang lahat ng tao dito ay maging ligtas.Sundin na lamang ang kanilang payo dahil sila ay sumusunod lamang sa kanilang naatasan na trabaho.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/maQVbk5mPyo

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend