Ang kwento ng Tikbalang

Reading Time: 11 minutes

TOPICS

Tikbalang, isa sa pinakakilalang mythological creature dito sa pinas. Karaniwan itong nakikita sa mga kagubatan pero may mga kwento kwento din na nakita ito sa syudad kung saan malapit ang isang malaking puno.

Ang mga tikbalang ay mapaglarong mga nilalang. Pinaniniwalaan din na sila ang nagbabantay sa lagusan papasok sa kanilang mundo. May mga kwento kwento pa nga na ang mga tikbalang ay madalas nagugustuhan ang isang babae. Ako from my personal life, kinekwento sa akin ng lola ko nuon na nililigawan daw ng tikbalang ang nanay ko. Kesyo hindi daw kami nawawalan ng bigas at meron daw laging bulaklak sa may bintana o pintuan. Nuong bata ako, amaze na amaze ako sa kwento na ito. Pero ngayon parang ang hirap na nyang paniwalaan.

Description:

Ano ba ang tikbalang? Well for starters isa itong hybrid ng isang tao at isang kabayo. Iba’t iba ang paglalarawan sa tikbalang. Pero ang most common ay may certain parts lang ito na kabayo. Ang ulo at ang paa. The rest is Tao. I wonder, si Jr. kayo, tao o kabayo? Well, we may never know.

Ang ibang paglalarawan naman ay buong katawan nito, ulo, katawan at paa ay sa kabayo pero ang kamay ay sa tao. Karaniwan silang nilalarawan bilang mabalahibo at may nakakatakot na itsura. Lalo na pag ito ay nagalit dahil ang mata nito ay nagliliwanag na pula sa gitna ng dilim.

May mahahaba din itong mga paa, indikasyon na mabilis itong tumakbo. Ayon sa mga kwento kwento, kapag ang tikbalang ay umupo ung parang nakasquat, nakalapat ang dalawang paa sa lupa at uupo, ang tuhod nito ay mas mataas pa sa kanyang ulo. Ganun kahaba ang kanyang mga biyas.

May ibang paglalarawan din na ang mga tikbalang ay mapapayat na nilalang. Karaniwan silang makikita sa mga mayayabong na puno o hindi naman kaya sa mga ilalim ng tulay.

May mga paglalarawan din na ang mga tikbalang ay naninigarilyo. Makes me wonder baka parehas sila ng brand ng kapre. May tax din kaya sigarilyo nila?

Kapangyarihan:

Sa ngayon alam na natin na ang kapangyarihan ng tikbalang ay manligaw ng tao. Pero alam nyo ba na pupwede rin silang magbagong anyo?

Kadalasan nagbabagong anyo ang mga ito para mas lalong iligaw pa ang kanilang biktima. Magpapanggap na kakilala at magpapakita dito at sympre ang kaawa-awang biktima ay susundan ito at hahabulin unknowingly, tikbalang yon. Pambihira ung takbo natin na pang marathon malamang lakad lang sa tikbalang, haba ng mga biyas eh.

Pinaniniwalaan na ang usok mula sa sigarlyo o tabako ng tikbalang ang syang naglalabas ng hamog at ang hamog na ito ang magpapaligaw sa mga pumasok sa kanyang teritoryo.

Kagaya ng isang kabayo, ang mga tikbalang ay mabibilis din.

Origins:

May ibang nag-aakala na ang tikbalang ay mula din sa espanya nuong sinakop tayo ng mga kastila. Pero hindi, ang tikbalang ay kilala na natin bago pa tayo sakupin ng mga kistala.

Ang tikbalang ay mattrace back 4000 years ago sa hinduismo although medyo iba ang paglalarawan ng hinduism kumpara sa paglalarawan natin sa tikbalang dahil sa hinduism ito ay isang avatar ni Lord Vishnu.

Ang ating mga sinaunang ninuno ay naniniwala sa animism. Ang animism ay paniniwala na ang lahat ng bagay lugar at nilalang ay may kanya kanyang spiritual essence. In short, ang ating mga ninun ay naniniwala na ang buong mundo ay isip, may buhay. Mula sa bato, lagit, bundok, hayop, araw kahit na ang isang puno. Lahat ng ito ay mayroong spirito. Ang espirito na ito ay pwedeng masama o mabuti.

Ayon sa Aswang project.com, ang origins ng tikbalang ay posibleng mula kay hayagriva, ang avatar ng diyos ng mga hindu na si Vishnu. Ang pagsamba kay hayagriva ay nairecord mula pa ng 2000 Before common era.

Kung pagbabasihan natin ang hinduism, mayroon tayong multi layered world. Ayon sa puranas, mayroong 14 na mundo sa ating universe, 7 upper worlds at 7 lower worlds at isa sa mga mundo na ito ay ang tirahan ng mga tikbalang at iba pang mga mythological creature.

Sa china naadopt din ang hinduismo at kilala din si hayagriva pero nagkaroon na ito ng pagbabago dahil sya ay naging tagabantay ng mga demonyo sa impyerno.

Ganito rin ang nangyari sa tikbalang dito sa atin, 900 years bago pa dumating ang spaniards, ang mga tsinoy ay nakapunta na sa pinas para makipagkalakaran gamit ang kanilang mga kabayo. Marahil dito nagsimula ang tikbalang.

Reproduction:

May mga kwento na ang mga tikbalang ay mga malilibog na nilalang. Literally, although sa una naman susuyuin nila ang babae kagaya nga ng kwento sa akin ng lola ko. Pero kapag hindi nila nakuha ang babae sa santong dasalan, kukunin nila ito sa santong paspasan. Ibig sabihin kikidnapin nila.

Ang mga babaeng natipuhan ng mga tikbalang ay papadalhan ng mga bulaklak, mga nakakasilaw na bagay at kung ano ano pa. Once na makuha na ng tikbalang ang puso ng babae, sisiping ito sa tabi ng dilag. Ang tikbalang ay itatanim ang kanyang lahi sa babaeng iyon.

Ang babae, hindi nya alam na tikbalang ang kanyang sinisinta, nabulag ito sa mahika ng tikbalang. Kapag ang babae ay manganganak na, ang tikbalang ay kukunin ito sa babae para dalhin sa kanyang kaharian. Pagkatapos nito, ang babae ay mababaliw.

Habang ang ibabng kwento naman ay dinadala na mismo ang babae sa kanyang kaharian at duon gagawin nyang reyna at ito ay manganganak ng tikbalang.

Pamahiin:

Sabi nila malalaman mong nililigaw o pinaglalaruan ka ng tikbalang kapag nakakita ka ng patay na puno ng paulit ulit. Indikasyon ito na pumasok ka na sa kanilang teritoryo at hindi na makakalabas. Habang ang iba naman wala silang nakikitang patay na puno bagkus isang malaking puno ang lagi nilang nadadaanan, ito raw ang bahay ng tikbalang at kahit na tumakbo ka papalayo, dito ka pa rin babagsak.

Para mabasag ang mahika na ginawa ng tikbalang, kailangan mong baligtarin ang damit mo. Ang isa naman ay kailangan daw magpaalam ka ng sumisigaw pero kabaligtaran naman ito sa iba dahil ayon sa iba, wag daw maingay para hindi mo magambala ang tikbalang. Ewan ko ba kung anong susundin dito.

Ayon naman sa website na liufesomundane.net, ang isang nanay ay napaglaruan ng tikbalang nuong ito ay kumuha ng panggatong sa bundok. Paulit ulit ang kawawang matanda sa paglalakad hanggang sa natapilok ito at napasigaw ng susmaryosep.

Nagulat ang matanda dahil nuong tuminign ito sa kanyang dinaanan, nakita nya ang kanyang bahay na abot tanaw na lamang. So bakit nabasag ang mahika? Well, ang susmaryosep, get ready for this, ang ibig sabihin ay hesus, maria at joseph. Amazing diba. In a sense, parang sinabi nya na ang pangalan ng diyos at ang mga magulang nito, dahilan para mabasag ang mahika.

Ito pamilyar kayo sa pamahiin na to, kapag umaaraw at umuulan, may kinakasal na tikbalang. Bakit nga ba? Sa katunayan, ito ay napasa lang din sa atin kagaya ng tikbalang. Hindi na iba sa ibang mga rehiyon ang ganitong pamahiin, mula sa aso, unggoy o osong kinakasal. Sa katunayan sa espanyol, pinaniniwalaan na kapag umuulan at umaaraw may mangkukuam na kinakasal.

Anting anting:

Ang tikbalang ay malakas at makapangyarihan pero still, ang kanilang katauhan ay parehas ng sa kabayo ibig sabihin pwede natin silang hulihin. Madaling sabihin pero mahirap gawin.

Ang mga tikbalang ay may matutulos na buhok o ung mane. Sa buhok nya mayroong 3 importanteng hibla at ito ang pwedeng gamitin bilang anting anting para maging alipin mo ang isang tikbalang.

Pero hindi madaling makuha ang buhok nito dahil kailangan mong dumaan sa pagsubok. Pagsubok na posibleng buhay mo ang kapalit.

Kapag nakakita ka ng tikblaang, kailangan mo itong dambahin sa ulo at isabit ang tali, alam nyo ung parang sa mga cowboy, ganun. Pero this time, ang tikbalang ay kayang lumipad at tumakbo ng mabilis. Kailangan mong humawak ng mahigpit dahil buhay mo ang nakadepende dito. Kapag napagod na ang tikbalang hihinto ito at ito na ang pagkakataon mong makuha ang buhok ng tikbalang pero handa itong protektahan ng tikbalang kaya kapag tumigil ito kailangan mabilis mong makuha ang kanyang buhok, kundi yari ka.

Kapag napagtagumpayan mo ang pagsubok, ang tikbalang ay magiging alipin mo sa buong buhay mo o buong buhay nito, whichever comes first.

May mga ilang dagdag kwento din na kapag nakuha daw ang buhok ng tikbalang, tatanungin ka nito, isang riddle kumbaga, kapag nasagot mo ito ng tama, ginto ang ibibigay sayo. Kapag mali, buhay mo ang kapalit.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang Near Death Experience?

Stigmata