Ang kwento ng Griffin at bakit sinisimbolo nito si Hesukristo?

Reading Time: 8 minutes

TOPICS

Ang Griffin ay isa sa pinakakilalang mythological beasts. Nakita na rin natin ito sa iba’t ibang pelikula katulad na lamang ng spiderwick chronicles, chronicles of narnia at harry potter to name a few pero sa harrypotter tinatawag itong hippogriff.

Ano nga ba ang Griffin, saan ito nagsimula at bakit andaming logo ngayon na nagpapakita ng majestic creature na ito? Ano ba ang kanyang sinisimbulo?

Description:

Ang griffin, griffon o gryphon ay posibleng mula sa salitang griyego na gryopos na ang ibig sabihin ay curved o hook. Karaniwan silang inilalarawan bilang isang malaking agila na mayroong katawan ng isang lion. May ibang depiction na ang kanilang mga paa ay katulad ng sa agila habang ang iba naman ay sa lion.

Ang kanilang mga tenga ay pointed. Kadalasan inilalarawan bilang tenga ng isang lion pero mas katulad ito ng isang tenga ng kabayo.

Kadalasan silang makikita sa mga larawan, ang iba may pakpak ang iba wala.

Origins:

Ang representasyon ng griffin ay lumitaw sa ancient iranian at ancient egyptian dating back 3000 before common era.

Sa egypt ang griffin like animal ay unang lumitaw sa cosmetic pallete mula sa hierakonpolis na kilala sa tawag na “Two Dog Palette” at ito ay dating back 3300 to 3100 before common era.

Sa Iranian Mythology ang griffin ay tinatawag na Shirdal na ang ibig sabihin ay Lion Eagle. Ang shirdal ay unang lumitaw sa cylinder seals mula sa syudad ng susa, 3000 Before common era.

Hindi rin nagtagal ang “king of all creatures” ay nakita rin sa Greek Culture. Ang depiction ng griffin ay nakita sa frescos o isang mural painting sa throne room ng palasyo ng knossos.

Ang greek natural historians kagaya ni pliny the elder ay inilarawan ang paguugali ng griffin, ang habitat at ang behaviour nito. Di rin nagtagal at pinasa ng mga greeks ang kanilang nalalaman tungkol sa griffin sa mga romano at ang mga Romano ang nagpakalat ng kwento sa buong europa at ang griffin ay kumalat na din sa karatig bansa.

Other mythical Creatures:

Maraming mga iba’t ibang mythological creatures ang halos katulad ng griffin. Isa na nga dito si Lamassu ang diyos ng mga assyrian na kadalasang inilalarawan namay katawan ng lion o toro at mayroong pakpak ng isang agila at ang ulo nito ay tao.

Sa summerian at akkadian mythology naman ang kalahating tao at kalahating ibon na demonyo ay inihahalintulad sa griffin. Ang chief sky god din na si Enlil kung saan inilalarwan ito bilang isang malaking ibon.

Sa Jewish mythology naman tinawag itong Ziz na halos kaparehas ni Anzu. Ang sphinx ng mga ehipto ay inihahalintulad din sa mga griffin.

Sa hindu religion naman ay si garuda na isang napakalaking bird like creature.

Symbolism and Lore:

Hindi makokompleto ang medieval bestiary kung wala ang griffin, ang hari ng lahat ng nilalang. Popular ito bilang simbolo at isang nilalang.

Ang mga kristiano at muslim ay inilalarawan ang griffin bilang isang relgious symbol. Ang mga kristiano ay ginawa itong emblem bilang representasyon ng isang kasal. Pinaniniwalaan kasi na ang mga nilalang na ito ay loyal to the point na isa lang ang kanilang partner sa buong buhay nila at kung sakali na mang pumanaw na ang partner nito, hindi na maghahanap pa ng iba ang griffin. Mamatay na lamang ito ng mag-isa.

Dahil nga ang nilalang na ito ay pinagsamang aerial at terristrial, meaning isang lumilipad which is agila at isang lang animal which is leon, sa kristianismo inilalarawan nito si hesu kristo kung saan ito ay naging tao at isang diyos at dahil dito, kadalasang makikita ang mga griffin na nakaukit sa mga simbahan.

Sa divine Comedy ni Dante, ang Griffin ang nagbabantay sa pintuan ng langit. Ang mga muslim artists ay gumawa ng pinakamalaking bronze statue ng isang griffin nuong medieval times at tinawag nila itong pisa griffin.

Nuong dumating ang 12th century ang paglalarawan sa griffin ay naestablish na bilang ang katawan nito ay katulad sa leon, ang pakpak at mukha nito ay sa agila at ang mga paa ay sa lion.

Ayon sa new Dictionary of Heraldry ni Stephen Friar, ang kuko ng griffin ay mayroong medical properties at ang mga pakpak nito ay kayang magpagaling ng bulag.

Nuong medieval europes mabentang mabenta ang mga griffin claws at ang mga itlog nito. Pero hold your horses mga boss, hinid ibig sabihin totoo silang nilalang nuong medieval times. Ang griffin claws na tinutukoy dito ay mga antellope horns na pinorma para magmukhang kuko ng griffin at ang mga itlog nila ay mga ostrich eggs.

Ang Griffin ay pinaniniwalaang mahilig sa mga makinang na mga bagay, kadalasan mga ginto kaya ang kanilang mga pugad ay mayroong kala’t kalat na ginto.

Ang griffin ay nagrerepresnta ng katapangan at kalakasan kaya naman karaniwan itong nakikita sa mga kalasag o kasuotan ng mga sundalo o mandirigma.

Ancient Structure:

Isang dragon at Griffin megaliths ang natagpuan sa Mokhnataya mountain sa may Altai Region, Russia. Pinaniniwalaan na ang megalith structure na ito ay mula sa sinaunang populasyon.

Kitang kita ang ulo ng griffin at ang leeg nito sa bato. Nakatapat ang ulo ng griffin sa silangan at mayroong mga butas na pinaninwalaang for religious purposes.

Sa ngayon wala pang ideya kung sino ang gumawa nito, o bakit ito ginawa altho may hint na posibleng para sa pagsamba sa nasambing nilalang.

Ayon sa ibang eksperto, posibleng ang straktura ay 11,000 to 12,000 years ago o posibleng mas matanda pa dito.

Roots:

Isang theorya ang lumabas tungkol sa pinagmulan ng griffin. Ito ay dahil sa traders na naglalakbay sa silk road, kung saan ang fossils ng bibig ng isang dinosaur ay pinaniniwalaang natagpuan at ito nga mga boss ang protoceratops.

Nuong unang panahon, kapag nakakita ng kakaibang buto kagaya nga ng fossils ng isang dinosaur, nagkakaruon ng paglalarawan sa kung anong klaseng nilalang ito at dito nga nabuo ang galf bird, half mammal creature. Ang pasalin salin na kwento ang posibleng nagdagdag ng iba pang mga features nito kagaya na lamang ng pagkakaroon ng pakpak.

Regardless kung saan ito nagsimula, ang griffin ay naging parte na ng ating culture at parte pa rin hanggang sa ngayon. Naging emblem na ito ng iba’t ibang schools kahit sa mga libro at pelikula hindi nawawala ang griffin. Patuloy itong mabubuhay sa ating mga imahinasyon.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Kilala nyo ba si Walking Sam?

Dalaketnon