Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Kilalanin natin ang isa sa pinaka malakas sa mga magkakapatid na mula sa mag-asawa na sina Cronus at Rhea. Malamang ay alam mo na ang kwento patungkol sa mag-asawa na ito. Dahil ayaw ni Cronus na may makahigit sa kanyang kapangyarihan, kinakain niya ang kanyang mga anak na hindi naman kagustuhan ng kanyang asawa. Ngunit dahil ang kanyang asawa ay mautak, ang panghuli nilang anak na si Zeus ay kanyang naitago at napalaki at naging malakas.

Kilalanin natin ang isa sa pinaka kinikilalang Diyos ng mga Griyego na si Poseidon.

Story:

Ayon sa paniniwala at mga kwento, mula noong matalo ng mga magkakapatid ang kanilang ama kasama na din ang Titans, ang mundo ay hinati sa tatlo. Ang langit, karagatan, at ang ilalim ng lupa o ang underworld. Ang kalangitan ay napunta sa pinaka bunso at nagligtas sa anim na magkakapatid, si Zeus. Ang ilalim ng lupa ay napunta kay Hades na kinikilala bilang God of Underworld, at ang karagatan na napunta kay Poseidon.

Habang nagaganap ang giyera ng mga magkakapatid sa mga Titans, natanggap ni Poseidon ang mahiwagang Trident na binigay ng mga Cyclopes. Dahil sa tinulungan ni Posiedon ang mga ito na makawala sa Tartarus o ang lugar na kung saan kinukulong ang mga masasamang nilalang.

Pero may iba’t ibang bersyon ang kwento ni poseidon. Isa naga dito ang Hyginus, ang mismong ama ni Posiedon ang naglagay sa kaniya sa karagatan noong ipanganak pa lamang ang sanggol na ito dahil sa takot na makuha nito sa ama ang trono. Ayon naman sa isa pang manunulat na si Clement na sinang-ayunan ang kwento na ito, si Poseidon nakatakda na talaga upang pamunuan ang karagatan.

Hindi lamang ang buong karagatan ang pinangangalagaan ni Poseidon bagkus kasama na din ang lindol, ang bagyo, mga kabayo at maging ang panunuyo ng kalupaan. Kilala ito bilang mainipin, madaling maasar at papalit palit ng kanyang ugali. In laymans term si Poseidon ay parang isang babae, mahirap espelengin.

Hindi gusto ni Poseidon na magpatalo sa kahit sinong nilalang at mga Diyos, ngunit ang bunso sa kanilang magkakapatid na si Zeus ang tanging nakakatapat niya at hindi niya matalo-talo. Dahil sa hindi niya matapatan ang kanyang bunsong kapatid, nakipag tulungan ito sa kanyang mga ate na si Hera at kanyang pamangkin na si Athena. Ngunit dahil si Zeus ay tinulungan ng Diyosa na si Thethis at ang isa pang nilalang na kinilala bilang si Briareus, walang nagawa ang tatlo laban sa mga ito.

Base din sa mga kwento, ang lahat ng bagay na kanyang magustuhan ay kailangan makukuha niya, kahit kapamilya pa nito ang kanyang makaaway. Kahit na tinulungan siya ng kanyang pamangkin na si Athena na makipag laban kay Zeus, kinalaban niya ito at tinanggka niyang agawin ang lugar ng Athens na pinangangalagaan ni Athena.

Ayon sa paniniwala, naniniwala si Poseidon na mas mabuti kung siya ang mamalaha sa siyudad at mas mabibigyan niya ito ng mga pangangailangan kumpara sa naibibigay ng kanyang pamangkin. Dahil sa kanyang kagustuhan, ang makapanyarihan niyiang trident ay pinatama niya sa isang bato na dahilan upang makaghawa ng isang umaagos na karagatan; samantalang si Athena naman ay nagtanim ng isang oliove tree.

Ang hari noon na si Cecrops na siyang pinaka-unang hari ng Athens , ay mas malugod na tinanggap ang regalo ni Athena dahil ito ay nakapag bibigay ng mga prutas , kahoy na ipinanggagawa ng mga bahay, at nagbibigay ito ng langis.Nanatili kay Athena ang Athens at ang puno na kanyang itinanim ay naging simbolo ng kapayapaan magmula noon.

Naniniwala ang mga tao noong unang panahon na kapag nagalit ang Diyos na ito, isang malaking delubyo ang dadating o dadaan sa kanila, halimbawa na lamang ang mga pagbaha, mga paglindol, at mga sea storm at kung minsan ay pinaniniwalaan na kapag sobra ang galit niya’y pinapalabs niya ang mga halimaw na namumuhay sa karagatan.

Kung padamihan lang naman ng babae ay hindi nahuhuli ang Diyos na ito. Kung ito ay mayroong magustuhan na babae, Diyosa man ito o isang mortal na tao ay gagawin niya ang lahat upang makuha lamang ito. Well, dahil nga babaero ang Diyos na ito, pinaniniwalaan sa iba’t ibang mga kwento na kung minsan ay nagpapalit ito ng anyo upang makakuha ng isang babaeng mortal at kung minsan ay dinadala niya ito sa kanyang tahanan at doon pagsasamantalahan.

Pero hindi lamang mga karagatan ang kanyang nahahawakan, ngunit maging ang lahat ilog, lawa at , mga talon at iba pang mga lugar na mayroong katubigan ay kanyang pinanghahawakan. Pero ang Diyos na ito ay hindi naman ganoon kasama, mabuti ang pakikitungo nito sa mga taong labis siyang ginagalang at sinasamba. Ang mga taong ito kung minsan ay binibigyan niya ng kapangyarihan at tinutupad ang kanilang mga kahilingan.

Mayroon isang nimpa na minahal ni Poseidon, Ang nimpa na ito ay kinilala bilang si Caenis at upang makuha ang babaeng ito, nangako si Poseidon na gagawin niya ang lahat at kahit anong hilingin ng nimpa ay ibibigay nya ito mapasakanya lamang ang napakangang babae. Ang hiling lang naman ni Caenis ay maging isang lalaki pero hindi lamang isa basta lalaking normal dahil hiniling ni caenis na dapat mayroon itong galing sa pakikipaglaban.

Dahil dito, tinupad ni Poseidon ang kanyang kahilingan at ang dating Caenis ay kinilala na bilang si Caeneus. Pero hindi lang si Caenis ang kanyang babae, dahil hindi kontento sa isa ang Diyos na ito, isang anak ng hari ang kanyang nagustuhan. Ito ay si Mestra na anak ni Erysichthon na hari ng Thessaly, dahil sa pagmamahal ni Poseidon binigyan niya ng kakayahan ang babae na magpalit ng kahit anong anyo mula mismo sa kanyang kagustuhan at kung kailan niya gustuhin.

Wife and Children:

Pag-usapan naman natin kung sino-sino ba ang mga pinaka kilalang babae na minahal at nagustuhan ng Diyos na ito. Nagkaroon lang naman ito ng halos tatlongpu’t apat na karelasyon mula sa mga Diyosa, sa mga nimpa at mga magaganadang babae na anak ng isang hari. Pero kung ididiscuss natin lahat un dito nako baka abutin tayo ng syam syam. Kilalanin lang natin si Amphitrite at ang mga naging anak nito kay poseidon.

Unahin muna natin ang nakakuha ng trono bilang asawa ni Poseidon na si Amphitrite. Ayon sa mga paniniwala, si Amphitrite ay ang Goddess ng dagat at ang pinaka matanda sa limampung magkakapatid na nimpa na anak ni Nereus. Nagkaroon sila ng tatlong anak at ang panganay na si Triton ay naging tagapag dala ng mensahe ng kanyang ama na si Poseidon.

Sumunod sa magkakapatid ay si Rhode, na isang nimpa ng katubigan katulad ng kanyang ina. Ayon sa mga kwento, ang anak na ito ni Poseidon ay naging isang protector goddess nang isang isla na kinilala bilang island of Rhodes. Nagkaroon ng ilang mga paniniwala na hindi si Amphitrite ang nanay ni Rhodes ngunit ito ay mula sa iba pang mga sea goddess na nakilala ni Poseidon.

Ang pinaka huli ay si Benthesikyme na kinikilala bilang African Sea nymp. Ang tatlong ito ang naging bunga ng pagmamahalan nila Poseidon at Amphitrite.

Description:

Kung ilalarawan ang Diyos na ito; hindi nalalayo ang itusra nito sa kapatid na si Zeus. Mayroon itong magandang pangangatawan, isang mabalbas na lalaki, mayroon itong kulot na buhok at nanlilisik na mata. Kadalasan inilalarawan ito bilang isang kulay puti o purong asul na mata. Mayroong ilang paniniwala na mayroon din itong suot na korona.

Si Posiedon ay laging sakay ng kanyang chariot na pinapatkbo ng apat na kabayo at gamit ang kanyang trident ginagamit niya itong manipulahin ang mga malalakas na alon na nagagawa ng karagatan.

Hindi sya madalas nakikipaginteract sa mga tao pero kilala ito sa pagkakaroon ng napakaraming babae. Maraming minana na ugali si poseidon mula sa kanyang ama na si kronos kumpara sa ibang mga diyos.

Power and Abilities:

Dahil ang tanging nakakatapat lamang sa kapangyarihan ng Diyos ng tubig na si Poseidon ay ang Diyos ng kalangitan na si Zeus. Kinilala ito bilang pangalawa sa pinaka malakas na Diyos ng Olympian. Ayon sa ilang mga kwento at paniniwala, kaya ni Poseidon na manipulahin ang bagyo, tubig at lindol. Mayroon din itong kakayahan na gumawa ng isang malaking alon.

Hindi lamang ang karagatan ngunit , nakokontrol ni Poseidon ang lahat ng tubig kahit saan mang lugar, at paniniwala na din na kaya din nitong manipulahin at kontrolin ang isang yelo.Dahil nga ito ay Diyos ng tubig, mayroon itong kakayahan na huminga sa ilalim ng karagatan.

Ayon din sa ilang mga paniniwala , hindi lamang tubig ngunit pati na din ang elektrisidad ay kayang kontrolin ni Poseidon.Tulad din ng nasabi ko kanina na mapagbigay si Poseidon sa mga taong labis na sumasamba sa kaniya, kaya niya itong bigyan ng isang kapangyarihan.

Ang Diyos na ito ay mayroong kakayahan na kausapin ang isang tao mula sa panaginip, mayroon kakayahan na magteloport o agaran na magpunta sa isang lugar, ang mga ilang lakas na gawa ng mga tao ay iniinda niya lamang dahil sa labis na lakas na mayroon ang katawan nito.Sa tuwing nasa karagatan ang diyos na ito, mas lalo itong lumalakas kung kaya’t nagagawa nitong itago ang kanyang katauhan sa ilalim ng tubig.

Ayon pa sa ilang mga kwento ay nakakapagpalit ng anyo sa lupa man o sa ilalim ng karagatan ang Diyos na ito, dahilan upang maraming nilalang ang kanyang naloloko.Ang pinaka huli ay ang pagiging Imortal nito dahil nga isa itong Diyos, sa tuwing ito ay masusugatan ng malala ay gagaling ito kaagad at hindi ito mamatay.

Pumunta naman tayo sa ilan mga kilalang Diyosa na nakarelasyon ni Poseidon at ang ilang anak naging bunga ng kanilang naging relasyon.

Nariyan si Aphrodite na goddess of love at beauty. Ang babaeng ito ay minahal ni Poseidon at naging dahilan upang manganak ito ng dalawang babae. Tulad nga nang nasabi ko kanina, ang anak ni Poseidon na si Rhodes ay pinaniniwalaan na anak ng ibang diyosa, maraming naniniwala na ang tunay na ina ng babaeng ito ay si Aphrodite. Bukod kay Rhode, naging bunga din ng kanilang pagmamahalan ang kinilalang si Herophile.

Si herophile ay ang naging taging taga bigay ng propesiya sa mga tao, at dahil pinanganak itong may magandang boses; ito ang naging dahilan upang maakit niya si Appollo.

Ayon sa paniniwala, magkapatid sina Demeter na goddess ng agriculture at si Poseidon. Noong nagluluksa ang goddess sa pagkamatay ng kanyang anak, ang goddess ay nagkatawang kabayo upang makapagtago sa mga taga sunod ni Arkadian Onkios. Doon nakita ito ni Poseidon at inakalang isang napakagandang kabayo at doon pinagsamantalahan niya ito. Matindi rin pala to parang si zeus din. Nagkaroon ng bunga ang pangyayari na ito at ipinanganak ang imortal na kabayo na si Areion at ang goddess na si Despoine.

Ang isang sea goddess na si Thethis na minsang minahal ni Zeus at Poseidon. Ngunit dahil sa nakatakdang kapalaran ng godddess na ito, ang kanyang ipapanganak ay mas magiging malakas pa kumpara sa kaniyang ama. Ang dalawang Diyos ay iniwan ang goddess at ipinangasawa sa isang mortal, at doon nabuhay si Achilles.

Ang Goddess ng Earth na si Gaia o Gaea ay naging kasintahan dinni Poseidon at nagdala ng maraming anak kasama na sina Antaios na isang higante at ang isang sea monster na si Kharybdis.

May mga kwento na hindi lamang babae ang naging kasintahan ni Poseidon, nagkaroon ito ng relasyon sa isang lalaki. Ito ay kinilala bilang si Nerites na isang minor sea-god at isang charioteer, ngunit dahil ito ay natalo sa isang karera mula sa Diyos na si Helios, ito ay naging shell-fish. Gayunpaman, nagkaroon ng bunga ang pagiibigan ng dalawa at nabuo nga si Anteros. Ewan ko kung papaanong nangyari ang pageespadahan eh nakabuo o kung sinong nabuntis sa kanila baka poof koko krunch may anak na. Afterall, mga diyos sila ng greek.

Posiedon and Medusa:

Kung napanuod mo ang palabas na Percy Jackson, malamang ay napansin mo ang malaking galit ng isang babaeng mayroong ahas sa ulo sa Diyos na si Poseidon. Hindi isang halimaw si medusa, isang diyosa ang babae na ito.

Ang bata at birhen na babae na ito ay ibinigay ang buhay sa Diyosang si Athena upang sambahin habang buhay, ngunit nag-iba ito noong nakilala niya si Poseidon. Ang isang bersyon ay dahil sa kagustuhan ni Poseidon na ipahiya si Athena, pinagsamantalahan niya si Medusa at iniwan na lamang ito pagkatapos and take note sa templo mismo ni athena ginawa ang krimen.

Dahil sa ganitong pangyayari, nagbunga ang pananamantala ni Poseidon kay Medusa ng dalawang anak. Ang isang higante na kinilala bilang si Khrysaor at ang isang kabayo na mayroong pakpak, si Pegasus. Dahil sa nangyari, itinakwil ni Athena si Medusa at ito ay kanyang isinumpa.

Ang mga Diyos mismo ang gumawa ng sariling nilang halimaw mula sa isang napakabuting babae.

Minotaur Origins:

Nuon si Minos, ang hari ng crete ay gustong patunayan na sya ang nararapat na hari, sinabi nito sa mga tao na kaya nyang magpalabas ng isang puting toro mula sa dagat. Matapos nito nagdasal sya sa mga diyos na tulungan sya na makapagpalitaw ng puting toro at matapos nito ay iaalay nya ito sa mga diyos.

Narinig ni poseidon ang kanyang panalangin at tinupad ito ni poseidon. Mula sa mga alon lumitaw ang isang puting toro. Namangha ang mga tao kaya’t tinanghal syang hari ng mga ito. Matapos nyang maging hari, hindi nya inalay ang puting toro kagaya ng kanyang pangako bagkus ang ibang mga toro ang inalay nya. Nagalit ng husto si poseidon dito at sa tulong ni Aphrodite ginawa nilang mainlove ang asawa ni Minos sa isang toro. Si Pasiphae ay nahulog nga sa isang toro at boom naging koko krunch. In short nanganak si Pasiphae ng isang kalahating tao at kalahating toro at nagsimula na nga ang kwento ni Minotaur.

Nakilala natin ang isang malakas at isang Diyos na kinikilala ng mga Griyego. Ang mga ito ay maaring gawa lamang ng imahinasyon ng mga manunulat noong unang panahon kasama na din ng kanilang kultura. Sa pagkilala sa mga Diyos at Diyosa na ito, makikita na wala pakialam ang mga ito sa isang normal na tao at gamit lamang ang tingin nila para sa mga ito.

Gagawin nila ang kahit anong kagustuhan base sa kanilang nararamdaman.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/O–uQdzN1G8

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend