Tunay ngang napakayaman ng paniniwala at kultura patungkol sa katatakutan ang bansang Pilipinas. Mula sa Visayas, isang nilalang ang pinaniniwalaan at kinatatakutan ng mga mamamayan na naninirahan dito.
Tinawag nila itong AGTA.

Ang agta ay katulad ng isang kapre. Madalas itong nasa puno. May mga kanya kanyang kwento ang mga probinsya ng Visayas, tulad na lamang sa Samar at Leyte. May ilang mga lugar din sa Masbate at Bohol ang naniniwala sa Agta. Ang kilalang manunulat nga na si Maximo Reyes ang nagbigay ng eksaktong deskripsyon sa nilalang na ito.

Halina’t samahan nyo kong tuklasin ang kwento sa likod ng mitolohiyang ito.

Story:

Ayon sa paniniwala, ang isang Agta ay makikita sa ilang liblib na barrio sa probisya ng Masbate. Katulad ng isang kapre, ang agta ay nasa itaas din ng puno at naghihintay ng kaniyang mabibiktimang babae. Kadalasan ay makikita ito sa oras ng alas otso ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga at nakaupo lamang sa puno na kadalasan ay sa puno ng santol.

Ang isang agta ay hindi nambibiktima ng magkasunod. Halimbawa nambiktima ito ngayon, papalipasin muna nito ang araw bago mambiktima ulit. Ito nga ang dahilan upang magkaroon ng ilang kakaibang paniniwala ang mga tao, mula sa lugar na pinangyarihan nto.

May isang lugar sa bohol ang kinatatakutan ng lokal na mamayan pati na rin ang turisda dahil amya mga kwento kwento na nakakakita sila ng tao sa madilim na lugar na ito.
Ito ang natinoal highway sa Tagbiliran hanggang Corella mula sa isla ng Bohol.

Ang kalsada na ito ay puno ng aksidente ng sasakyan at maging ng mga tao at ang lahat ng ito ay kanilang isinisisi sa isang Agta. Nuong unang panahon pa, nuong hindi pa nagagawa ang kalsada, ang daanan na ito ay punong puno ng mga kawayan at mga buho. May mga kwento kwento na ang mga dumadaan dito kadalasan ay nakakakita ng kabaong na nakalutang at may bungo, habang ang iba naman ay nagsasabing hinarangan sila ng isang malaking tao na kasing laki ng puno.

Ayon naman sa mga nagsisimba nuon na dumaan sa lugar na ito, hinabol daw sila ng isang malaking pusa nuong sila ay dumaan sa lugar na ito ng madaling araw. Ito ay bago pa masementuhan ang lugar. Gayunpaman, nagpatuloy pa rina ng kwento tungkol sa lugar.

Ayon sa ilang matatandang nakatira sa lugar ang lahat ng aksidente ay dahil sa tatlong agta na nakatira sa underground cave na nasa ilalim lamang ng kalsada.

Ang mga Agta nga daw ay mahilig lamang tumambay sa kalsada upag pagmasdan ang kagandahan ng karagatan. Naalala nyo ba ang mga pamahiin na kapag nagddrive sa isang liblib na lugar, sa tunnel o sa lugar ng dating pinagaksidentihan kailangang magbusina? Well ganun din ang paniniwala sa agta. Kapag binusinahan ang kalsada, ang Agta ay aalis sa daan pero ang mga hindi bubusina ay madidisgrasya.

Dahil sa dami ng aksidente sa lugar, naisipan nila na lagyan ito ng babala na nagsasabing “Agta! blow your horn” para na rin maengganyo ang mga driver na gawin ito lalo na ang mga turista. Gayunpaman pinatanggal ito ng isang district engineer dahil hindi sya naniniwala sa kwento.

Pero sympre may iba’t ibang kwento din ang agta, kagaya na lamang ng paniniwala na naglalagay daw ito ng mga malalalking sanga sa daanan ng mga mangingisda para hindi sila matuloy habang ang iba naman nagsasabi na kaya daw ito ginagawa ng agta ay bilang babala sa mga mangingisda na huwag maglayag.

Pero karamihan naman ng mga mythological creatures na ito ay may pangontra lalo na dito satin sa pinas. Hindi pa natin napapatunayan na totoo ang nilalang na ito, may pangontra na tayo agad. Ayon sa mga kwento kwento, ang agta ay takot sa tinatawag na “Asugui”. Sinubukan kong hanapin ang Asugui pero ang nakita ko lang ay Asigi at sa wikang bicol ito. Ito raw ay ang mercury.

Gamit ang asugui pwede itong ipangsaboy sa kanila at sila ay lalayo.

Characteristic:

Tulad na lamang ng isang Kapre, ang agta ay isang maitim na nilalang at naninirahan sa puno. Ngunit hindi tulad ng kapre, ang isnag agta ay mapayat, may patulis na tenga at mas matangkad pa sa normal na tao.

Ang mga ito ay naningarilyo din sa itaas ng puno at walang saplot. Mayroon din silang kakayahang tumakbo ng mabilis, dahilan naman para sila ay hindi mahabol.

Ang mga Agta ang isa lamang sa mga nasisi sa mga natural na aksidente. Magmula noon hanggang nagyon, ang isang aksidente na nangyayari ng paulit-ulit sa iiisang lugar at hindi maipaliwanag ng mga tao ay syang nagiging dahilan para ituro ito sa supernatural.

Ito ang pinagsisimulan ng kwentong katatakutan at kakalat sa iba pang lugar.
Ito ang kwento ng agta.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/6hBm6usGiTU

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend