Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Mula sa salitang Griyego, ang Epimetheus ay nangangahulugang “hindsight” o isang “After thinker”. Si Epimetheus ay isa sa magkakapatid na mga second generation na titan na sina Atlas, Menoetius, at Prometheus.

Kinilala ito ni Plato sa kaniyang Protagoras,at ito ay ikwinento din ni Hesoid ng dalawang beses sa kaniyang Theogony.

Mas kilala ang ibang kapatid nito kumpara sa kanya. Ang pinakakilala nga natin ay si Atlas na pinarusahan ni Zeus na hawakan o bitbitin ang kalangitan habang si prometheus naman ay naging kilala dahil sa pagtulong nito sa mga tao at pinarusahan din ni zeus. Habang si Ephimitheus ay hindi direktang pinarusahan ni zeus pero isa sya sa mga naging dahilan ng paglaganap ng kasamaan dahil na rin kay pandora.

Story:

Si Epimetheus ay anak nila Lapetus at Clymene. Ang kaniyang mga kapatid ay kinilala bilang sila Atlas, Menoetius at Prometheus. Ang apat na ito ang pangalawang henereasyon ng mga Titans.

Kinikilala si Epimetheus bilang god of afterthought o god of excuses. Ang Titan na ito ay palaging napapagtanto na wala siyang nagawang maayos o mabuti.

Sa timeline ng greek mytholgy, mayroong tinatawag na titanomachy. Isa itong 10 taong labanan ng mga titans at greek gods. Sa pamumuno ni Cronus at Atlas, nilabanan ng mga ito si zeus at ang kanyang mga kapatid. Si Monoetius na kapatid nila ay tumulong din sa labanan at umanib sa mga titan. Pero iba ang 2 natitira, si Prometheus at Epimetheus. Ayaw nila ng gulo kaya nanatili silang neutral o walang pinapanigan. Sympre kahit wala silang pinapanigan, pabor ito sa grupo ni zeus lalo na’t kakaunting titans na lang ang kakalabanin nila. Noong matapos ang labanan ng mga Olympian gods at ng mga Titans hindi pinarusahan ni zeus ang 2 titan na ito.

Bagkus, inutusan na lamang sila ni Zeus na gumawa ng mga hayop at gumawa ng mga tao na titira sa mundo. Si Epimetheus ang siyang nakatoka para gumawa ng mga hayop habang ang kaniyang kapatid na si Prometheus ang nakatoka upang gumawa ng mga tao.

Si Epimetheus ang lumalang sa lahat ng hayop na nabubuhay sa mundo noong unang panahon. Inisip ng mabuti ni Epimetheus ang kanyang mga ililikha kaya’t binalanced nya ito. Ang ibang mga hayop ay binigyan nya ng lakas pero hindi nya ginawang mabibilis habang ang mabibilis na hayop ay maykakaunting lakas lang. Ang iba nilagyan nya ng pang depensa para sa kanilang sarili habang ang iba ay nilagyan nya ng pang atake para sa ibang mga hayop. Ang iba naman ay ginawa nyang malalaki para mas maprotektahan ang kanilang sarili habang ang iba ay maliliit lamang para mabilis itong makapagtago at makatakas.

Naging busy si Epimetheus sa pag bibigay ng mga kakayahan at paggawa ng mga hayop at nakalimutan nya na ang ginagawa ng kanyang kapatid. Ang mga tao.

Dahil sa naubos na ni Epimetheus ang kakayahan na dapat ay hati sa mga tao at hayop, ang mga tao ay hindi nabigyan ng magagandang kakayahan at kailangan na lamang ilagay sa mundo ng walang kalaban laban sa mga matatalino mababangis at malalakas na hayop.

Hindi na nila pwedeng lapitan si zeus dahil nagsabi ito na hindi na ito magbibigay ng kahit ano. Napamahal na si Prometheus sa kanyang mga likha kaya’t hindi nya hahayaan na maging hapunan na lang ng mga hayop at ibang nilalang ang kanyang ginawa. Nakaisip sya ng paraan. Isang paraan para maisalba ang kanyang mga likha pero ang kapalit nito ay ang matinding pagpapahirap.

Ang pagnanakaw.

Ninakaw ni Prometheus ang ilang kagamitan sa mga diyos para ito ang maibigay sa mga tao at ang isa sa kanilang nakuha ang ay ang wisdom o talino na nangaling kay Athena. Ang ilan sa kanilang mga nakuha ang kanilang naibigay sa mga tao upang maipaglaban ang kanilang mga sarili. Subalit hindi rin nagtagal at nalaman ito ni Zeus. Noong ito ay nalaman ni Zeus, agad niyang naparusahan si Prometheus.

Bago pa man mahuli si Prometheus, nabalaan na nito ang kaniyang kapatid na mag-ingat sa diyos na si Zeus at wag magtiwala, binalaan din nya ang kanyang kapatid na wag tatanggap ng kahit ano mula sa diyos. Gayunpaman, pinakitaan ni Zeus ng magandang pakikisama ang mga natitirang titans kasama na din si Epimetheus at namuhay ng payapa kasama ang iba pang diyos.

Ang payapang pamumuhay ay nagkaroon na nanaman ng mitsa ng kaguluhan noong ang mga tao ay nakagawa ng ilang bagay na ikinagalit ni Zeus. Dahil dito ay nagdesisyon ang diyos na si Zeus na parusahan ang mga tao sa pamamagitan ni Ephimetheus. Nagpagawa ito ng isang napakagandang babae at ibinigay kay Epimetheus para kaniyang mapangasawa.

Ito nga ay si Pandora na magdadala naman ng kapahamakan at kamalasan sa mga tao at mga hayop na nagawa ng magkapatid. Nuong makita nito si Pandora, nawala lahat ng sinabi ng kanyang kapatid tungkol kay zeus na wag tatanggap ng kahit ano. Para bang na love at first sight ang titan sa isa at pinakaunang mortal na babae. You see, ang mga tao nuon ay mga lalaki pa lamang, walang babae.

Di nagtagal ay kinasal ang dalawa at mula sa kanilang kasal ay ibinigay ni Zeus ang isang box bilang simbolo na ang mga diyos at ang mga titans ay walang samaan ng loob. Ang hindi nga alam ni Epimetheus na ang box na ito ang magbibigay ng kasamaan sa mga tao at nakatakdang buksan ni Pandora.

Ang dalawa ay nagsama at sila ay nagka anak at kinilala naman ito bilang si Pyrrha.

Characteristics:

Si Epimetheus nga ay kinikilala bilang isang Titan na hindi nag-iisip at siyang dahilan upang ito ay makagawa ng mga bagay na hindi nakkaabuti para sa iba at maging para sa kaniyang kapakanan.

Maaisip nga lanag nito ang kaniyang nagawa matapos na nia itong magawa at ito ang dahilan kung bakit siya ang kinilala ng pagiging afterthought.Makikita nga sa isang Athenian red-figure amphora na nagawa noong C5th B.C ang paglalarawan kila Epimetheus at kay Pandora.Doon ay makikita din ang isa pang dios na si Eros.

Kung ating mapapansin.Ang sinisimbolo ng Titan na si Epimetheus sa panahon ngayon ay ang mga taong padalos dalos sa kanilang mga ginagawa.Ang mga taong hindi nag-iisip ng mabuti at silang nadadala sa kanilang nararamdaman.

Ang pag-iisip nga ang siyang pinaka unang bagay na kailanagan nating gawin sa ating buhay,at kung hindi natin iisipin ang susunod na mangyayari ay maaring ito pa ang magng mitsa na iyong kapahamakan.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/xKp9OFZWkKA

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend