Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Sa Norse mythology, makikilala natin ang isang pares ng nilalang na nagsisilbing tagapagbigay ng mensahe sa isang Diyos sa kalangitan. Specifically ang diyos na si Zeus. Mayroon itong alagang 2 uwak na nagsisilbing cctv nya. Literal na cctv. Sila ang tagadala ng impormasyon kay odin.

History:

Huginn and Muninn - Wikipedia

Para sa Norse culture at mythology, kilala ang mga uwak bilang pinaka mahalagang ibon para sa kanilang kinikilalang Diyos na si Odin. Ang mga uwak ay nakilala sa mga simbolo at mga larawan kung saan makikita na sila ay nakadapo sa balikat ni Odin o makikitang lumilipad ito sa itaas ng kanyang ulo.

Ang mga uwak ay makikita sa mga amulets at mga helmet plates na ginamit noong nakaraang ika-anm at pitong siglo. Ang mga tao noon sa Sweden, England, Denmark, Norway ay pinaniniwalaan na kailangan nilang bigyan ng papuri ang kanilang kinikilalang Huginn at Muninn upang sila ay bigyan ng gabay at kapangyarihan.

Ang Huginn at Muninn ay mababasa sa ilang mga sinaunang libro tungkol sa kultura ng mga Norwegian o Norse culture. Ang mga paglalawaran sa kanila ay makikita sa mga kwento noong 13th century na The Prose Edda, Heimskringla at Third Grammatical Treatise. Ang dalawang ibon na ito ay pinaniniwalaan na nagbibigay papuri sa Tapestry na mula sa Osberge. Ang tapestry na ito ay nakita mula sa isang 9th century funeral ship at pinaniniwalaan din na sila ay nagpapahinga sa tinatawag na Thorwald’s Cross na isang rune stone mula 11th century.

Story:

Huginn and Muninn: The Divine Ravens of Odin - Owlcation - Education

Mababasa mula sa iba’t ibang libro ang kwento patungkol sa dalawang uwak na ito. Ayon nga sa paniniwala, sina Huginn at Muninn ay hindi mga Diyos, diwata, anghel o ano pa man. Sila ay mga uwak na kung saan ang kanilang mga pangalan ay mayroong sinisimbolo. Ang mga ito ay mahalagang alaga para sa pinaka malakas na Norse God na si Odin.

Ang dalawang ito ang nagsisilbing mata at tenga niya sa bawat pangyayari na nagaganap sa kanyang nasasakupan. Dahil sa dalawang uwak na ito, pinaniniwalaan na mas naging madali ang pamumuno at pagsugpo ni Odin sa kanyang mga kaaway. Hindi lamang basta uwak o alaga ang turing ni Odin sa dalawang ito ngunit mas mahalaga pa ito sa kanya sa kahit sino o kahit anong bagay na mayroon siya.

Tuwing umaga ay ipinapatawag niya ang dalawang uwak upang palibutin sa buong mundo at alamin kung ano ang nangyayri sa kanyang kaharian na Asgard at ang earthly realm. Sa pagbalik ng mga ito ay uupo ito sa balikat ni Odin at doon ay ibubulong nila ang kanilang mga nakita. Ayon sa kahulugan ng pangalan ng dalawang uwak, mula sa lumang Norse na salita. Ang Huginn ay nangangahulugang “Thought” at ang Muninn naman ay nangangahulugang “Mind”.

Mula naman sa panulat ng isang 13th century Icelandic historian at scholar na si Snorri Sturluson, inilarawan niya ang dalawang uwak mula sa kanyang sikat na librong ‘Heimskringla:A chronicle of the Kins of Norway”. Mula sa libro na ito na ptungkol sa buhay ni Odin,ibinunyag niya sa chapter 7 ng libro ang katotohanan na dahil sa dalawang uwak ay naging wais at matalino ang malakas na Diyos na si Odin.

Mula naman sa kwentong “Grimnismal” na isinulat din ni Sturluson, dito ay mababasa na si Odin ay nagkatawang tao upang makausap ang Prinsepe na si Agnarr. Noong makausap niya ang prinsepe, binigyan niya ito ng kaalaman at katotohan patungkol sa dalawang uwak.

“Huginn and Muninn fly ech day over spacoius earth.I fear Huginn, that he comes back. Yet anxious am i for Muninn”.

Ang linya na nga ito ang nagbigay ng pagtatalo sa bawat scholar na mayroon sa Norway at iba pang lugar. Ang ilan ay naniniwala na ang impormasyon na ito ay patungkol sa mystical influence ng dalawang uwak. Habang ang iba naman ay patungkol sa mga Shaman na nagsasagawa ng mga kakaibang bagay upang mas lalo pang mapalapit sa mga kinikilala nilang Diyos. Kasi nga naman bakit matatakot si Odin na hindi bumalik ang kanyang uwak eh diyos sya.

Mababasa naman sa isang pang kwento na minsan ay nabahala si Odin patungkol sa pagkawala ng God of Music na si Idun. Dito ay ipinadala niya ang Huginn at Muninn sa underworld upang pa-imbestigahan ang nangyari. Ngunit noong bumaik ang dalawa ,ang kanilang dalang impormasyon ay magulo at hindi kapani-paniwala.

Mayroong isang kwento patungkol sa isang higante na kinilala bilang si Suttung. Si Suttung ay nagbigay ng isang bagay sa kanyang anak na si Gunlod, ang alak ng poetry at inspirasyon. Kailangan itong bantayan ng anak ,araw hanggang gabi at maari din ipatikim sa ilang diyos at ilang mga mortal.

Upang mas mapangalagaan pa ang alak na ito. Dinala ito ni Gunlod sa hollow mountain at doon ay binantatyan niya ng maigi para sa mga taong magtatangkang kumuha nito. Lingid sa kaalaman ni Gunlod, nalaman ni Odin ang kanyang pagtatago sa alak dahil sa matalas na mata nina Hugin at Muninn.

Characteristic:

Ang dalawang ito ay makikita bilang isang normal na uwak, ngunit mayroon kakaibang abilidad.

Ang mga ito ay mayroong kakayahan na lumipad ng mabilis, sa sobrang bilis ay mabibisita nila ang siyam na mundo sa loob ng isang araw at magagawa pang makapgbigay ng mensahe kay Odin tuwing oras ng hapunan. Kung baga may super speed sila, super sight at super hearing kasi naririnig nila ang mga dinadaanan nila kahit sobrang bilis nila.

Para kay Odin ang mga uwak na ito ay hindi isang alipin, ngunit mga importanteng ibon na nagbibigay sa kanya ng katalinuhan at kaalaman. Ang mga uwak na ito ay nakakasama ni Odin tuwing ito ay nakikipaglaban.SIla ang nagbibigay ng direksyon kung nasaan ang kalaban at minsan naman ay ginagamot ng mga uwak ang sinasakyang kabayo ni Odin.

Ang uwak nga ay naging mahalagang hayop para sa mga Norse noong unang panahon. Pinaniniwalaan na ang mga uwak ay nagkaroon ng magandang samahan sa mga tao at sa kanilang pang-araw araw na buhay. Dahil nga ang mga sinaunang tao sa Norway ay mga mangangaso at ang kanilang mga kinakain ay mga laman ng hayop, tulad ng isang uwak na ganito din ang gawain.

Ang ugali ng mga uwak kapag nakapatay ng isang hayop ay magtatawag ng mga kasamahan sa pamamagiitan ng pag-iikot ikot sa himpapawid. Kung ito ay makikita ng mga tao noon, alam nilang mayroong bagong patay na hayop na maari din nilang kainin. Ginagamit din nila ang mga uwak upang makahanap ng isang lugar na pagdadaungan.

Mula sa pagtatapon nito sa karagatan upang makalipad, kung ito ay bumalik ang ibig sabihin ay walang isla o lupa sa direksyon na kanilang tinungo. Kung ito naman ay pinalipad sa isang direksyon at hindi na bumalik, ang ibig sabihin ay mayroon lupa o puno na silang nadapuan at maaring pagdaungan.

Sa pagdaan ng panahon, ang dating uwak na kanilang ginagalan ay nagbibigay ng gabay para sa mga tao na nakatira sa Norway. Ang mga ito ay hinuhuli at ikunukulong na lamang. Ang minsan naging simbolo ng katalinuhan ay napalitan na nang pagpapaalis sa mga ito sa tuwing sila man ay nakikitang lumilipad. Dahil na din sa pagdating din ng Kristyanismo sa Europa, katulad na lamang ng pagdating dito sa Pilipinas.

Ang mga dating diwata, simbolo, mga anito ay napalitan na nang mga anghel, santo at iba pang paniniwala patungkol sa Kristyanismo. Ngunit sa panahon ngayon ay ginagamit ng mga eksperto ang kanilang pangalan bilang pantawag sa isang uri ng uwak.

Para sa mga taga ibang bansa, ang mga uwak ay isang ibon na naninira ng mga pananim na palay, prutas at iba pang mga puno. Para naman sa ating bansa, kapag nakakita ng isang uwak ay maraming paniniwala na ang maiisip ng isang tao. Maaring aswang, masamang pangitain, pagkamatay at iba pa.

Ngunit hindi natin alam na ang mga ito ay nakatulong sa mga tao noong unang panahon upang sila ay mabuhay at maging ligtas sa kapahamakan.

Totoo ngang hindi natin malalaman kung ano ang pinagmulan ng isang bagay kung hindi natin aalamin.

Media:

Huginn and Muninn, black ink and pen, A3 : Art

Dahil nga sila ay parte ng mythology, hindi maiiwasan na maiugnay sila sa mga palabas at mga laro. Pero bibihira lamang dahil kagaya sa mythology, hindi masyadong nabigyan ng spotlight.

Para sa mga naglalaro ng warcraft nuong bata pa sila, mapapansin nyo ang 2 dwarf mountain kings ay pinangalan sa dalawang uwak na ito. Specifically Munin Ironcliff at Huginn Ironcliff.

Sa palabas naman, alam natin na ang marvel ay kinuha ang konsepto ng norse mythology. Anjan si Loki, thor at Odin. Sympre dahil anjan si Odin dapat kasama nya din ang 2 uwak. Pinakita lang sila ng salit sa Thor kung saan kinoronahan si Thor at nakita muli ang 2 uwak nuong nasa kwarto si odin. Sa Thor Dark World naman, pinakita ang pagdapo ng isang uwak sa kamay ni odin.

SOURCCES

Sources

  1. https://northatlanticblog.wordpress.com/2015/04/08/leviathan-the-biblical-sea-monster/
  2. https://www.babynamewizard.com/baby-name/boy/leviathan
  3. http://www.unmuseum.org/kraken.htm
  4. https://www.npr.org/2013/01/13/169274472/the-kraken-is-real-scientist-films-first-footage-of-a-giant-squid
  5. https://ocean.si.edu/ocean-life/invertebrates/giant-squid
  6. https://mythology.net/monsters/kraken/
  7. https://www.ancient-origins.net/news-myths-legends-europe/legendary-kraken-00267
  8. https://www.greekmythology.com/Myths/Norse/Kraken/kraken.html

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend