Bukod sa Greece na mayroong iba’t ibang mga paniniwala sa mga Diyos, Diyosa at nilalang. Mayroon din isang bayan ang hindi papatalo pagdating sa kanilang mga sinasamba.

Ang bayan ng Ehipto o Egypt. Magmula pa noong unang panahon, laganap na din ang mga paninawala patungkol sa mga kakaibang nilalang na labis na sinasamba ng mga taong nabubuhay dito. Isa na nga dito ay si Sobek.

History:

Si Sobek ay kinikilala bilang Ancient Egyptian Crocodile at God of the Nile. Ayon sa paniniwala, nagmula ang Nile River sa pawis ng Diyos na ito. Ito ang dahilan kung bakit niya nakokontrol ang tubig at maging ang Fertility ng mga lupa dito.

Si Sobek nga ay ilang beses na nabanggit sa mga Pyramid text na kinikilalang pinaka matanda at pinaka sagradong texts sa buong mundo. Ang pinaka unang pagpapakita nito ay panahon pa ng Old kingdom sa Lower egypt at ancient city ng Shedet. Ang Shedet na mula sa greek word na Crocodilopolis na ng ibig sabihin ay “Crocodile City”. Ang siyudad nga na ito ay matatagpuan naman sa rehiyon ng Faiyem, kung saan si Sobek naman ay kinikilala bilang Diyos ng rehiyon na ito.

Ngunit ayon naman sa ilng mga historian, si Sobek ay mas nakilala noong Middle Kingdom taong 2055-1650 BCE at nasa pamumuno ng Twelfth Dynasty pharaoh na si Amenemhat III.

Malaki nga ang naging interes ng pharaoh sa rehiyon ng Faiyum dahil may malaking kinalaman dito ang Diyos na si Sobek. Dahil dito ay bumuo si Amenemhat ng ilang mga gusali at lugar sa bayan mismo ng Faiyum upang maipakilala sa tao ang Diyos na si Sobek.

Pero dahil sa pagkakatulad nito sa isa pang diyos, madalas ay nakikilala ito bilang si Horus na siyang Falcon headed god of divine. Dahil dito ay mas lalong napalapit sa mga hari ng ehipto ang pangalan ni Sobek at nabigyan ito ng lugar sa Egyptian pantheon.
Dahil na din sa nakakabit ang panagalan ni Sobek kay Horus, minsan na din itong kinilala bilang solar deity. Kinilala nga ito bilang Sobek-Rah, ipinagsama ang katauhan nito at ng diyos ng araw na si Rah. Noon nga ay lumaganap din ang Sobek-Horus hanggang New Kingdom taong 1550-1069 BCE at ito ay nawala noong napalitan at nakilala naman ang SObek-Rah.

Mula sa Crocodilopolis, ipinatayo ang isang temple ground. Ang espasyal na templo na ito ay mayroong sarling lawa na tinitirahan ng isang buwaya na pinangalanan namang Petsuchos na ang ibig sabihin ay


“Son of Sobek”.

Ang buwaya na ito ang ginagawang daan ng mga tao upang masamba si Sobek. Ito ay inaalayan nila ng mamahaling kagamitan tulad na lamang ng ginto at maging mga gems. Bukod sa mga bagay na ito, ang ipinapakain sa buwaya ay mga pagkain na kinakain ng mga maharlikang tao sa ehipto noong unang panahon. Kanin, gatas at mayroon pa itong kasamang honey.
Tuwing namamatay ang buwaya na nasa templo, ito ay kanilang ibabalot sa tela at papalitan ng panibagog buwaya. Ang mga buwaya nga ang isa sa mga non-mammals na nag-aalaga ng mabuti sa kanilang mga anak. Ang mga ito ay kanilang binubuhat gamit ang kanilang bibig o hindi naman ay pinapansan nila ito sa kanilang likod.

Ang ganitong gawain ay isang pagpapaalala sa ugali ng namatay na hayop, sa pagbabalot dito ay sumisimbolo sa pagka protective nito na ugali din ni Sobek, sa kanyang pagprotekta sa Egypt. Ayon sa isang anceint greek historian at isa din philosopher na si Herodotus,isinulat nito na kung ang isang tao ay pinatay ng isang buwaya na naninirahan sa Crocodilopolis,ito ay isang banal na tao.

Ang bangkay ay inilalagay sa isang sagradong kabaong at binibigyan ito ng espesyal na burol na ginaganap naman sa Nile river. Hanggang ngayon nga ay mayroon pa ding samahan sa Egypt na naniniwala kay Sobek. Ang samahan na ito ay tinawag na Kom Ombo na ginawa noong 300-380 BC, dito ay nag-aalaga ang mga tao sa kanilang templo ng maraming buwaya at sinasamba nila ito.

Marami ngang mga scholar ang naniniwala na ang pangalan na Sobek ay mula sa salitang “Sbak” na ang ibig sabihin ay to impregnate. Sa ibang panulat naman ng kanyang pangalan na “sAq” ay mayroon ibig sabihin na to unite.

Story:

Ayon sa paniniwala kay Sobek, ang ama nito ay ang kinikilalang god of thunder, storms, war at chaos na si Set. Ang kanyang ina naman ay ang Goddess ng wisdom, hunting at war na si Neith.

Dito naman ay kanyang napangasawa ang Goddess ng harvest na si Renenutet. Pinaniniwalaan ng mga egyptian na ang kanyang asawa ay ang nagbigay ng magandang buhay at magandang kinabukasan sa mga tao ng ehipto noong unang panahon. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng anak, ang kanilang anak naman ay kinilala bilang diyos ng buwan at oras na si Khonsu.

Ang mga buwaya nga noong unang panahon ay minamahal at sa kabilang banda ay kinakatakutan din. Ang mga ito ang naging simbolo ng kalakasan, virtility at fertility. Pinaniniwalaan ng sinaunang ehipto na si Sobek ang taga protekta ng mga tao noon, lalo na ang mga egyptian army at ng mga pharaohs.

Ang kanyang kapangyarihan ang nagbigay sa pharaohs ng tapang upang harapin ang lahat ng pinagdaanan nito sa kanyang pamumuno at nagsisilbing proteksyon upang hindi ito tablan ng mga masasamang mahika.

Bukod pa dito, pinaniniwalaan nga na ginagamot ni Sobek ang mga kaluluwa ng mga namatay na sa labanan. Ginagamot niya ang inikinamatay nito, tulad na lamang paghati ng katawan habang ito ay nakikipag laban, nabulag at kung ano pang dahilan ay aayusin ito ng Diyos.

Sa ilang mga egyprian text, pinaniniwalaan na si Sobek ang gumawa mundo at habang ginagawa nga niya ito, dahil sa pagod, ang kanyang pawis ay tumagas sa kanyang balat at ito ang naginig Nile RIver.

Sa ilan pang mga kwento, iniligtas nito ang tatlo sa apat anak ng kilalang egyptian deity na si Horus. Ito ay noong alunin ang tatlo sakay ang isang lotus flower at ito ay naisagip ni Sobek gamit ang isang net. Ang maga anak nga ni Horus ang kinikilalang protector ng liver, stomach, lungs at intestine. Bukod pa sa kwento na ito, pinaniniwalaan din na noong pinanganak si Horus, tumulong si Sobek upang mailabas ito ng maayos.

Dahil nga si Horus ay naging buwaya noong nililikom niya ang katawan ng kanyang ama na si Osiris. Ang pangalan nito at ni Sobek ay palaging magkasama.

Characteristic:

Si Sobek ay inilalarawan bilang isang buwaya. Hindi ordinaryong buwaya ngunit isang, katawang tao na mayroong ulo ng buwaya. Ang katawan din nito ay nakabalot ng tela.

Bukod dito, makikita din ang larawan na ang ulo nito ay nakasuot ng plumed headdress na mayroong horned sun disk at hawak ang isang sceptre na sumisimbolo sa kapangyarihan at isang Ankh na siyang sumisimbolo sa breath of life.

Ang mga mummified na buwaya ay nagrerepresenta sa mga diyos na siyang namang matatagpuan sa mga ancient tombs. Kung kikilalanin naman natin ang ugali ng Diyos na ito. Pinaniniwalaan na ito ay may pagka agresibo at mayroong pagkabiyolente.

Ito ay mayroong pure animal instict dahil na din sa kanyang pagkabuwaya. Kinikilalang protective dahil sa pagprotekta niya sa knayang sinasakupan, malakas at makapangyarihan at may kakayahan na manggamot ng kaluluwa ng mga patay.

Mababasa ang isang monograph o isang detailed study para kay Sobek na binabasa ng mga Roman Egypt at maging Ptolemaic. Ito ang Book of the Faiyum. Ito ay isang libro tungkol sa kanyang pagsunod sa galaw ng araw sa kalangitan. Mababasa din dito ang relasyon na mayroon si sobek sa Faiyum.

Ang kasulatan na ito ay nagkaroon ng maraming kopya at maraming mga scholar din ang tumangkilik sa libro. Kinikilala naman ang isang uri ng buwaya na nabubuhay sa nile river na naging basehan sa Diyos. Ang Nile crocodile o Crocodylus niloticus, na lumalaki ng halos 16 feet long at nagtataglay ng bigat na 550 kgs. Ang mga babaeng buwaya naman na naninirahan dito ay mas maliit at palaging binabantayan ang kanilang mga anak sa mga nais kumuha dito.

Kilala ang Nile Crocodile dahil sa malaki at matutulis na ngipin na siyang naninira at pumapatay ng maraming hayop at maging tao. Ang mga buwaya na nga ito ang may kinalaman sa maraming taong namatay sa lugar.

Media:

Sa palabas at larong pokemon makikilala si krookodile. Maihahalintulad ito kay sobek dahil sa pagiging biolente nito. Ang pinagkaiba lang nila ay ang krookodile ng pokemon ay isang kriminal, well kita naman sa character model nito.

Sa DC comics naman, si sobek ay lumitaw bilang isang supervillain. Isa syang humanoid crocodile na ginawa sa lab ni doctor sivana. Sa comics may kapangyarihan sya na iparamdam ang sobrang gutom sa isang tao. Mayroon din syang super strength.

Sa larong smite naman, si sobek ay isang guardian god. Dahil sa kanyang structure, kinukunsidera ito na tank sa larong smite. Mayroon itong magical power at passive na blessing of the nile na makakapagbigay sa kanya ng proteksyon sa ilang segundo.

Isa pang Online game ay ang league of legends kung saan makikilala si renekton. Sa larong ito si renekton ay makukunsiderang diver o fighter na kadalasan ay ginagawang tank build. Sa larong ito si Renekton ay isang magiting na mandirigma, subalit nuong matalo ang kanilang emperyo sya ay nalibing sa ilalim ng buhangin dahil sa kanyang kapatid. Unti unti syang nabaliw habang ang mundo ay nagbabago. Nuong sya ay nakawala, hinanap nya ang kanyang kapatid na si nasus upang makapaghiganti dahil sya ang sinisisi nito sa kanyang sinapit.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/vG2vmeCJP8U

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend