Alam kong alam mo na kung ano ang isang Shinigami.

Pero alam mo na nga ba ang lahat patungkol dito? Malamang ay napanuod mo na ito sa Bleach, death note at iba pang anime na iyong napanuod at malamang ay nabangit na ang isang Shinigami. Hindi natin pag-uusapan ang Soul society na kinabibilangan nila Ichigo at Rukiya, ngunit pag-uusapan natin kung saan nga ba nagsimula ang paniniwala sa mga nilalang na ito.

Halina at kilalanin natin mabuti ang isang Shinnigami.

History:

Ang isang Shinigami ay ang tawag sa isang death God o hindi naman ay isang reaper ng mga Hapon. Mula sa salitang “Shi” na ang ibig sabihin ay Death at mula sa salitang “kami” na God. Ang kwento, paniniwala at ideya patungkol sa nilalang na ito ay mula noong ang mga Hapon ay nagkaroon ng koneksyon sa ilang Western Country.

Mula sa mga pinaniniwalaang Western Folktales patungkol sa isang Grim reaper, ito na nga ang naging inspirasyon ng mga Hapon upang buhayin sa kanilang isipan ang isang Shinigami. Pinaniniwalaan na nagsimula lamang ang paniniwala ng mga hapon sa Shinigami noong pumasok ang 18th century o hindi naman ay 19th century.

Ang salitang Shinigami ay unang narinig noong Edo Period taong 1603 hanggang 1868. Ginamit ang term na Shinigami sa isang Japanese puppet theater at sa ilang literatura na mayroong koneksyon patungkol sa kamatayan. Kwento patungkol sa mga masasamang espirito, mga sumasanib na kaluluwa at kung ano pa.

Bago pa man pumasok ang isang Shinigami. Ang Japan ay mayroon nang pinaniniwalaan na godesses of death. Mula sa Shinto na isang relihiyon sa Japan noong 8th century hanggang 1945, kinikilala nito ang death god na si Izanami. Noong pumasok ang ilang ideya ng Eastern at Western culture sa paniniwala ng mga Shinto, dito lumabas ang panibagong death God at kinilala bilang isang Shinigami.

Story:

Ang mga Shinigami ay isang spirit of possesion na naghahanap ng isang taong bibiktimahin upang baguhin ang ugali nito. Ang mga pinaniniwalaan na nagiging biktima ng isang Shinigami ay ang mga taong nais tapusin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay.

Ang mga taong ito ay maiisip ang lahat ng kasalanan na kanilang nagawa sa buhay at dahil doon ay nanaisin na lamang nilang magpakamatay. Ayon sa paniniwala, ang isang Shinigami ay madalas nambibiktima ng mga masasamang tao. Dahil na nga din sa paninwiala ng mga tao na ang ilan ay nakakakita ng mga espirito, naniniwala din ang mga taga Japan na kung ito ay makakita ng isang Shinigami,d adanas ito ng kakaiba at nakakatakot na pagkamatay.

May iba’t ibang paniniwala din ang kumakalat sa Japan patungkol sa kayang gawin ng espirito na ito. Mula sa isang siyudad na kinilala bilang Kumamoto, tuwing matatapos ang isang overnight vigil, ang sino mang tao na mayroong kakamatay na kamag-anak ay maaring sundan ng isang Shinigami. Dahil dito, ang lahat ng pumunta sa Vigil ay dapat maglagay ng isang bowl ng kanin o hindi naman ay isang tasa sa tabi ng kanyang kama bago matulog. Kung ito ay kanyang gagawin, hindi siya sasapian ng Shinigami na sumusunod sa kaniya.

Mayroon din paniniwala sa iba pang bahagi ng Japan patungkol sa isang Shinigami. Ayon dito, kung ang mayroon man isang pagpatay o pagpapakamatay ang naganap sa isang lugar, asahan na mayroon muling susunod na pangyayari sa kalapit na lugar. Pinaniniwalaan na paulit-ulit na dadanak ng dugo sa lugar na iyon hanggang ang kaluluwa ng mga namatay at maging ang lugar na kanilang kinamatayan ay nalinis na.Pinaniniwalaan na ang isang Shinigami ay mayroong malaking ginagampanan sa ganitong pangyayari.

Ang kaluluwa ng mga masasamang tao ay nakakapagtawag naman ng buhay na kaluluwa ng mga masasamang tao. Doon ay maitutulak nila ang taong ito na maghpakamatay. Kung ito ay hindi napigilan, maaring ang cycle ay hindi tumigil at patuloy na mangyari.

Ayon naman sa Shizuoka na isang lugar na nakapaloob sa Hamamatsu, ang Shinigami ay sasapi sa isang tao at doon ay dadalhin niya ito sa kagubatan, ilang mga tagong daan at mga lugar na malalapit sa karagatan. Doon ay mamatay ang mga ito. Ang pagkamatay na ito ay magkakaroon ng tinawag na Shiniban o Death turn na kung saan hanggat walang pumunpunta sa mga tago at malalayong lugar na ito, ay walang susunod na mamatay. Kung baga parang sinumpa ang lugar.

Mula naman sa paniniwala ng mga taga Higan, Okayama. Kung ang isang tao ay bumisita sa isang libingan habang sumasapit ang araw at kung hindi ito nagpunta ng kinagabihan, maari itong sapian ng isang Shinigami sa kanyang pag-uwi. Kung ito naman ay bumista ng takip silim, maari itong bumisita muli habang sumasapit ang umaga.

Ang isang pinaka kilalang kwento ng isang Shinigami ay patungkol sa isang lalaki na handa nang tapusin ang kanyang buhay. Ngunit bago pa niya magawa ang bagay na ito ay binisita siya ng isang Shinigami at sinabi na hindi pa nya oras. Dito ay ipinaliwang din ng Shinigami na ang bawat tao ay mayroong kanya-kanyang kandila at kung ang kandila na ito ay mawalan ng apoy, ito na ang panahon upang mamatay ang isang tao.

Upang hindi maituloy ng lalaki ang kanyang balak na pagpapakamatay, binigyan siya ng Shinigami ng isang paraan upang makakuha ng maraming pera. Ang pagbibigay ng impormasyon upang maiwasan ang pagkamatay ng isang tao mula sa kahit anong sakit at kung paano mapaalis ang isang Shinigami na susundo sa kaluluwa nito.

Para sa paniniwala ng mga Buddismo, ang isang Shinigami ay isang demonyo na nagiging dahilan upang ang isang tao ay magpakamatay.

Characteristic:

Ayon sa ilang mga research, ang isang Shinigami ay mahirap makilala. Dahil nga isa itong kaluluwa, marami ang naniniwala na para lamang itong isang tao. Dahil ang ibang tao ay nakakakita ng ibang nilalang bukod sa mga tao, hindi nila napapansin na isang espirito na pala ag kanilang nakasalubong at nakasalamuha.

Pinaninwalaan na kung ang isang tao ay nakakita ng Shinigami sa isang anyo, hindi na niya muli pang makikita ito sa kaparehas na anyo dahil nagpalit na ito ng itsura. Ito na din ang isa sa dahilan para mahirap makilala ang mga nilalang na ito. Kung minsan naman ay inilalarawan ang mga Shinigami bilang mga kalansay na nakasuot ng itim na balabal at mayroong hawak na malaki at mahabang palakol o hindi naman ay mga goblin na nagiging dahilan ng mga aksidente at pagkamatay.

Madalas ay inihahalintulad ito sa itsura ng isang bampira na mayroong magandang mukha at isang immortal. Pinaniniwalaan din na ang mga ito ay madalas may kasama sa tuwing naghahanap ng biktima o magsusundo sa isang kaluluwa.

Kung atin namang aalamin sa ilang mga anime na ating napapanuod, ipinapakita dito na ang mga Shinigami ay mayroong kakaibang kapangyarihan at kakaibang kakayahan. Pagtakbo ng mabilis, pagsanib sa mga tao, paglipad at magagaling sa pakikipaglaban. Kung minsan ay kinikilala dn ang mga ito bilang ma halimaw, taga bigay ng tulong, masasamang nilalang o hindi naman ay maga Fallen Angels.

Maaring ang magulang o pinagmulan ng isang Shinigami ay ang mga diyos na sina Izanmi at Izanagi. Ngunit dahil walang kahit anong sulat patungkol sa pinagmulan ng mga esprito ng isang Shinigami, hindi sigurado kung saan pamilya nabibilang ang mga ito.

Similar Creature:

Ang isa ngang Shinigami ay maihahantulad sa mga Reaper na mula sa western culture. Ang mga Grim reaper ay ang mga taga sundo ng kaluluwa ng mga namatay. Parehas man na kumukuha ng kaluluwa ang dalawa, ang isang Shinigami ay siyang nagsisigurado na ang buhay ng isang tao ay hindi lalagpas sa itinaksang oras nito.

Ang Grim reaper naman ay naghihintay kung sino ang mamatay upang maani niya ang kaluluwa at magabayan kung saan ito mapupunta. Ang isang Shinigami o reaper para sa kanila ay isang normal na tao lamang na nakasuot ng kulay itim na damit at makikilala sa namumutalng balat nito.

Tulad nga nang nasabi ko kanina, ang isang Shinigami ay laman na nang iba’t ibang palabas mula sa Japan, sa panahon natin ngayon. Mula sa pinaka sikat na Shinigami na si Ichigo sa sa Bleach at si Ryu naman mula sa Death Note. Ang isa ay tumutulong na lumaban sa ma masasamang nilalang na pumapatay sa mga tao, habang ang isa naman ay tumutulong upang mamatay ang mga tao.

Media:

Kagaya nga ng nabanggit ko ang shinigami ay hindi na iba lalo na sa anime. Nabanggit nga kanina ang Bleach at death note. Pero meron pa ring mga ibang anime na nafeature ang isang shinigami.

Sa Naruto, ang isang shinigami ay isang malakas na summon spirit na halos kamukha ni ryu sa deathnote. Isang malaking espirito na mayroong mahabang buhok at maraming kamay. Kaya nitong kainin ang kaluluwa ng target nito. Pero ang kakayahin nitong makain ang kaluluwa ay depende sa lakas ng nagsummon dito.

Sas black butler, ang mga shinigami ay nagrereview ng mga buhay ng mga taong mamatay, sila din ang nagdedesisyon kung mabubuhay pa ito o hindi na. Ayaw din nila sa demonyo at ang kanilang trabaho ay protektahan ang mga kaluluwa na kanilang nirereview mula sa mga demonyo. Ang mga demonyo naman ay susubukan itong kuhanin at kainin.

Sa mga video games naman, syempre hindi mawawala ang shin megami tensei. Ang mga shinigami sa larong ito ay mga demonyo kagaya nila hel, chernobog o mot.

Sa larong odin sphere, ang mga shinigami ay ang tagabantay ng underworld ng endelphia. Malalaki silang mga nilalang at mayroong malalalim na boses. Meron din silang mga karit. Sila ay mga mini bosses sa larong ito.

Sa larong blazblue naman, ang character na si Ragna the bloodedge ay binigyan ng alyas na grim reaper dahil sa itsura nito na may mahabang balabal at malaking karit.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/J_Mdjj39C3U

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend