Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Sa Greek mythology si Aether ay isang primodial deities. Ang ibig sabihin ng salitang Aether o Aither ay “Liwanag”. Kung minsan ay kinikilala din ito bilang Acmon, na isa sa first born elementals.

Katulad ng Tartarus at erebus, Si Aether ay walang templo para siya ay sambahin at maging kulto ay wala ito. Si Aether nga ay makikilala sa mga isinulat na tula nila Hesoid na Theoginy,at kinilala din ito ng isang Roman mythograpger na si Hyginus.

Story:

Si Aether ay kinikilala bilang primodial god of light sya din ang god of the sky. Si Aether ang anak ng goddess ng gabi na si Nyx.

Mula sa paniniwala ng mga griyego, ang mist o mga hamog ay mula kay Aether ay pinuno ang kalangitan. Samantalang ang hangin na mula sa mundo ay hawak naman ng isang primodial goddess na si Chaos, at ang hangin naman na nasa labas ng mundo ay hawak ni Aether.

Ang nga primodial gods at goddesses ay tinawag na primodial dahil ang mga ito ang pinaka unang deities na nagmula lamang sa isang emty space. Isipin nyo na lang ang patalastas na coco krunch, ganun. Ayon sa mga sinaunang griyego, ang kalangitan ay may harang na nagtatakip sa buong nilalang na nasa mundo.

Sa tuwing dadating ang umaga, aalisin ni Hemera ang mist noong kinagabihan para masilayan muli ng mga tao ang magandang kalangitan ni Aether. Si Hemera pala ay ang kapatid at asawa na din ni Aether.

Si Aether ang dahilan para matakpan ang buwan, ang araw, mga bituin, ang ulap at pinaka itaas ng isang bundok. Ito nga ung nakikita nating hamog. In short ayon sa griyego, sya ang hamog at ang ulap. Meron namang ibang paniniwala na si Aether ay ang anak ni Erebos at ito ay walang ina. Habang ang iba ay nagsasabing ang ama ni Aether ay si Cronus mismo at kapatid nito ang mga Olympian gods. Medyo malabo na rin at naghalo halo na ang family tree nitong si Aether.

Mula kay Aether at sa kaniyang asawang si Hemera, naging anak nila ang nanay ng mundo na si Gaia, ang goddess ng karagatan na si Thalassa at ang diyos ng kalangitan na si Uranus.
Ayon naman kay hyginus, sa libro nyang fabulae, si Aether ay anak ng kadiliman na si Caligo at Chaos. Dagdag pa ni Hyginus, merong tatlong anak si Aether at Hemera at ito ang Earth, sea at heaven. Meron pang theorya si Hyginus na inasawa din nitong si Aether ang anak nyang si Earth o Gaia at ang kanilang mga naging anak ay sila Deceit, Prid, Sloth, Fear, Vengeance at marami pang iba.


Kagaya ng iba pang mga kwento ng mitolohiya, maraming version ang kwento ni Aether, depende sa kugn anong nabasa at napakinggan mo. Si aether ang kinikilalang diyos ng upper air na pinaka malinis at inihihinga at nilalanghap ng lahat ng diyos at diyosa.


So ibig bang sabihin ay ang hinihinga nating normal na tao ay ganun din ang hinihinga ng mga diyos? Well not really, ayon sa mga ancient greeks, mayroong tatlong uri ng hangin na nilalanghap ng iba’t ibang nilalang at isa dito si aether.

Ang una ay tinatawag na mist of darkness o erebos, ito ay ang pinaka mababang hangin na nalalanghap ng mga underworld creature, pangalawa naman ay tinatawag na khaos, isang colourlesss na hangin ang hinihinga ng mga taong at iba pang nilalang na namumuhay sa mundo at ang pinaka mataas ay si aither na nilalanghap nga ng mga diyos.

Si Aether ang siyang naghihiwalay sa mga tao at iba pang mga nilalang sa mundo, mula sa Tartarus.at dahil dito, naniniwala ang mga sinaunang griyego na si Aether ay isa ding protektor ng mga tao.

Dahil lamang sa presence ni Aether, nagagawa nitong pangalagaan ang mga tao at ilayo sa kadiliman at maging sa diyos ng underworld. Kahit ito ay kilalang kilala ng mga tao at ginagalang. Si Aether ay hindi nagkaroon ng kulto at kahit anong itinayong templo para sa kaniya, upang siya ay sambahin o ipagdiwang. Marahil dahil sa mas nakilala ang mga Olmypian gods kesa sa mga primordial gods. Kumbaga mas nagingactive ang mga olympians sa pakikipaginteract sa mga tao. Take zeus at poseidon for example. Naku ang dami nilang naging asawa at anak.

Characteristic:

Ang pinaka kapangyarihan ni Aether ay kontrolin ang hangin ng mundo at sa iba pang bahagi nito. Ito ang dahilan kung bakit labis na nagpapasalamat ang mga tao noong unang panahon sa kanya. Naniniwala ang ilan na kasama sa kakayahan nito ay kontrolin ang bituin, ang ulap, ang buwan at maging ang araw.

Dahil si Aether ay isang primodial god, ito ay hindi inilalarawan na mayroong katawang. Ito ay inilalarawan bilang isang elemento na mula naman sa limang elemento sa mundo. Si Aether ay isa sa mga kinikilalang ancient science element na water, air, fire at earth. Ang kalangitan at ang hangin sa mundo ay si Aether mismo.

Si Aether ang ginamit ng mga 19th centiry scientist upang ipaliwanag ang gravity ang liwanag at maging ang iba pang mga natural phenomena.

Kahit na si Aether ay walang templo at walang kahit anong kulto, Ito ay kinilala ng mga griyego hanggang Middle ages. Ang mga scientist nga noon ay kinikilala ang pang limang classical elements bilang Aether.

Ang mga eksperto noon ay kinikilala at inaaral ang apat na classical elements. Ang earth, air,fire at ang water. Ang lahat ng elemento ay nasa ating mundo pero hindi nila maipaliwanag kung paano ang mga ito ang bumuo sa buong kalawakan. Dahil dito, kanilang naisip na mayroong isang elemento na nagiging dahilan para ang apat na elemento ay manatiling magkakasama at magpupuno sa bawat espasyo na mayroon sa lahat ng bagay. Ito nga ang tinatawag na fifth element at ang kinilalang si Aether mismo.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/u7uXN6ixDw0

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend