Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Hindi natin paguusapan ang banda ng incubus. Altho isa sila sa mga gusto kong banda, ang paguusapan natin ay ang mythological being na tinatawag na incubus. Mayroon tayong paniniwala na ang succubus ay ang babae at ang incubus naman ay ang lalaki.

Mga mae-el tong mga demonyong ito. Pinaininiwalaan na ang mga manyakis na demonyong ito ay sumisiping sa mga kaawa awang mga dalaga at di nila alam boom buntis na sila. Narape sila ng incubus sa kanilang pagtulog.

Pero ano ba ang incubus? Saan ito nagmula? Demonyo ba ito? Espirito o halimaw?

History:

the magical realism of Iannis Nikou | Incubus mythology, Incubus ...

Ayon sa history, ang nilalang na ito ay kilala na mula pa noong 2400 BCE sa bayan ng Mesopotamia at ito ay makikita sa Sumeerian King list. Kinilala ito bilang Lilu o Lila na kabalikatad ng Succubus, ito ay nang-aakit ng mga babae sa kanilang pagtulog. Ang salitang “Incubus” ay nagmula sa salitang Latin na “In” ang ibig sabihin ay “On top of” at ang “Cubo” na kung ang ibigi sabihin ay “I lie”. Kapag binuo ang salitang ito ay mabubuo ang salitang Incubo na ang ibig sabihin ay “I lie on top”. Ang nilalang na ito ay kilala sa Western medieval legend ang mga nilalang na ito ay sumasama sa pagtulog ng isang babae upang ito ay kanilang maanakan.

Ang kinikilalang Lilu sa Mesopotamia ay mayroon pang kasamang dalawang demonyo na kung saan ang mga ito ay nagpaparami din ng kanilang mga lahi. Ayon sa ilang mga paniniwala, ang mga nilalang na ito ay mga storm demon na mas nakilalala bilang mga night demon at pumapatay sa mga tao sa tuwing sila ay natutulog. Sa atin mas kilala natin ang tawag dito bilang bangungot.

Sa pangrarape sa mga babae, mas mapaparami nila ang kanilang mga lahi. Ayon sa paniniwala , ang pinaka pinagmulan ng nilalang na ito ay ang kilalang magician na si Merlin. Si Merlin ay kilala sa Welsh Literature at Arthurian Legend na kung saan nabuhay ito bilang isang misteryosong lalaki na magaling sa paggamit ng mahika.

Mabalik tayo sa Incubus, nuong medieval age ng Europe ang mga ito ay lumabas at kumlat sa mga taong gumagamit nang kakibang mahika o mga black magic na kung saan kilala bilang mga mangkukulam.

Maaring ang paniniwala sa isang Incubus ay nahaluan din ng paniniwala patungkol sa isang kasalanan. Kumbaga hindi naman lahat ng babae binibiktima nya, meron syang mga Target if you will. Noong medieval ay pinaniniwalaan na ang mga babaeng may mga sexual sins o ang mga babaeng nakikipagtalik sa hindi nila asawa ay ang madalas na binibiktima ng nilalang na ito. Which make sense kasi nga demonyo ang incubus so ang kaluluwa ng taong nagkaroon ng sexual desires sa hindi nya asawa ay vulnerable na sa mga demonyong ito.

Ang mga biktima ay nakakaranas ng ilang totoong panaginip, sleep paralysis at ilang mga pakiramdam na kung saan noon ay hindi pa maintindihan dahil sa hindi sapat na kaalaman. Dahil dito, nabuo ang paniniwala na mayroon ngang ganitong uri ng demonyo na pinapalabas ang inner guilt ng kanyang mga biktima. Sa panahon natin ngayon alam na natin na ang mga incubus at sucubus ay parte lamang ng sleep paralysis. Anyway nadiscuss ko na yan sa sleep paralysis video.

Lumabas sa ilang mga research na ang ilang mga biktima ng nilalang na ito ay dumanas din ng isang masaklap na kapalaran mula sa isang tunay na tao which is narape o napagsamantalahan talaga sya at ang demonyo ang nagmanifest sa kanyang malagim na nakaraan. Pinaniniwalaan na maaring ang mismong nang gahasa sa babae habang ito ay natutulog ay maaring isa sa kanyang mga kakilala at maaring ito din ang nagbigay ng paniniwala na isa lamang kakaibang nilalang ang makakagawa nito.

The Story:

Incubi: Sleep Demons and Sex Spirits – CVLT Nation

Ang mga succubus ay inuubos ang enerhiya ng kanilang mga biktimang lalaki at ganitong ganito rin ang ginagawa ng isang incubus. Naniniwala ang ilang mga relihiyosong tao na kung paulit-ullit na nangyayari ito, maapektuhan ng paunti-unti ang katawan ng babae at di kalaunan, ito ay malalagutan na nang hininga.

Ang ilang mga paniniwala naman na kung saan ang isang incubus ay dumadalaw o nambibiktima din ng isang lalaki upang makuha nito ang pagmamayari ng isang lalaki na magagamit para magkaroon ng anak in short si junjun. Sa sandaling makuha nya ito, ilalagay niya ito sa kanyang sarili upang magamit sa isang babae na kanya namang bibiktimahin. Which make sense, kasi nga ang supernatural ay hindi naman basta basta makakabuntis dahil magkaiba ang genes, sa pamamagitin ng paggamit ng kapareha na genes, well who knows.

Ang magiging anak ng mga nilalang na ito ay magmumukhang tao. Ngunit ang mga ito ay magkakroon ng isang kakaibang kakayahan isa na nga dito ang charms o magaling mang akit. Ang mga anak ng incubus, sucubus o kahit anong demonyo mula sa tao ay tinatawag na “cambion”.

Posible naman na ang isang succubus at incubus ay magtalik. Parehas naman silang Ma-L. Kapag ang isang Incubus at isang Succubus naman ang nagkaroon ng pagtatalik, ang kanilang anak ay magiging purong incubi o succubi.

Mabalik tayo sa tao, kapag matagal nang nangyayari ang pakikipagtalik ng demonyong ito, ang tao na kanilang bikrima ay maadik sa kanilang naiibibigay na saya hanggang sa ito ay mabaliw at tuluyan ng mawala sa katinuan.

Incubus Characteristic:

Incubus Dream Symbol

May ilan ding paniniwala, na ang Succubus at ang Incubus ay wala talagang mga gender. What i mean is maari itong magkatawang babae o lalaki. Ang paniniwala na ang isang Succubus ay kukuhanin ang sperm ng lalaki na kanyang nabiktima at magkakatawan ito bilang Incubus upang ilagay sa babaeng biktima ang kanyang nakuha. Kumbaga Kara Mia ang peg nito.

Ang nilalang na ito ay kilalang mahilig makipagtalik sa kung sino man ang kanyang natipuhan na babae. May pagkabayolente din ang nilalang na ito base sa paglalarawan. Ang ilang mga biktima nito ay nakikita nilang nakaupo sa kanilang dibdib ang isang incubus, at doon ay tatakpan nila ang bibig ng babae hanggang sa hindi na ito makahinga.

Kilala din na matalino ang isang Incubus. Sa tuwing ito ay pupunta na sa kanyang biktima, sisiguraduhin niyang walang iistorbo sa kanyang plano. Ang kakayahan nito na mang hipnotismo ang kanyang gagamitin upang magawa ng maayos ang kanyang balak. Sa sandaling mahipnotismo ang biktima, hindi na ito basta basta magigising at makakagalaw.

Katulad na lamang ng isang Succubus, ang nilalang na ito ay magpapakita sa mga tao bilang magandang lalaki. Isang lalaking matipuno, maganda ang mukha gwapo, kamukha ng bts. Ito ang dahilan kung bakit malaya silang nakakuha ng kanilang biktima. Ito yung literal na looks can kill. May ilang paglalarawan naman na mukha itong tao ngunit mayroon itong nakatagong pakpak at mahabang buntot.

Kung pagbabasuhan naman natin ang kanilang demonic feature o ung mukha nila bilang isang demonyo, maihahaliintulad ito sa gargolye o hindi naman ay nagtataglay ng mukha ng isang unggoy. Makikita ang itim at mabalahibong nitong balat, ang mga mahahabang kuko, ang dalawang sungay at ang pakpak nito na para bang pakpak ng isang paniki.

Kahit na may pakpak ang mga ito, naniniwala ang ilan na gumagapang lamang ang mga ito sa bahay na kanilang pupunthan at doon ay mapapasok na nila ang biktima. Literal na ginapang ang datingan ng incubus.

Ayon sa ilang research, inilarawan ni Guazzo sa kanyang libro na “Compendium Maleficarum” noong 1608 na ang nilalang na ito ay maaring magpakita bilang isang napakagandang lalaki na mayroong magandang pangangatawan, ngunit kung ang isang mangkukulam ang titingin sa nilalang na ito, makikita nito ang incubus mula sa kanyang tunay na anyo.

Similar Mythology:

Ghosts Among Us - Popobawa: The Legend of a Sexual Predator - YouTube

Katulad na lamang ng ilang mga nilalang ang isang Incubus ay mayroon ding mga kaparehang nilalang na nabubuhay sa mundo. Tulad na lamang ng makikilala sa bansang Zanzibar. Ang kanilang kinikilalang Popo Bawa o Popobawa na ginawan ko din pala ng video way way back un ung mga naunang video ko sa isang channel kaya kung hindi nyo pa napapanood, check it out.
Hindi ito umaatake ng babae ngunit umaatake ito ng mga lalaki. Ang itsura nito ay makikita tulad ng paglalarawan sa isang Incubus noong unang panahon na kung saan mayron itong pakpak katulad ng pakpak ng paniki.

Kinikilala din ang isang El Trauco na mula sa Chiloé Province ng Chile. Ang nilalang na ito ay makikita bilang maliit na lalaki o isang duwende na kung saan nang-aakit ng mga babae. Naniniwala ang mga taga chile na ang nilalang na ito ang may kagagawan ng ilang babaeng biglaan na lamang nabubuntis.

Mula naman sa Hungary, makikilala ang tinatawag na Liderc. Base sa paniniwala ng mga taga Hungary, isa itong nilalang na makikila sa tatlong katauhan. Isa sa mga katauhan nito na ay pinaniniwalaan na “Satanic Lover” o devoted ito sa demonyo at nagagawa nitong magkatawang ibon na lumilipad sa himpapawid ng umaapoy. Kumbaga parang phoenix ang datingan ng Liderc.

Para naman sa German Folklore mayroong kinikilalang “Alp” na kung saan pinaniniwalaan na isang halimaw na tao. Para itong vampire like creature dahil sa tao nitong katawan ngunit ito ay umaatake sa gabi.

Sa South Africa naman may kaparehas din itong nilalang na tinawag na “Tikoloshe”. Ang nilalang na ito ay iniilarawan bilang mabalahibo at nanggagahasa ng mga babae. Ang ilang paniniwala pa ay kinakagat nito ang paa ng isang bata habang ito ay natutulog.

Ang kilala naman sa Norse mythology ay ang tinawag na “Mare”. Ito ay pinaniniwalaang demonyo na katulad ng isang Incubus at umuupo din ito sa dibdib ng kanyang bibiktimahin. Mula sa ganitong gawain ng nilalang na ito, magkakaroon ito ng isang bangungot.

Kung tayo ay pupunta naman sa Pilipinas, makikilala natin ang tinatawag na “Batibat”. Ito ay isang isang dambuhalang nilalang na dumadagan sa kanyang biktima hanggang sa ito ay mawalan ng hininga.

Kung minsan ang iba ay pinag kukumpara ang isang bampira at ang isang incubus. Ang mga ito ay makikila na mahilig sa isang babae at kinukuha ang enerhiya ng kanilang biktima. Ayon naman sa ibang mga eksperto patungkol sa mga kakaibang nilalang, magkaiba ang dalawang ito dahil ang isang bampira ay mayroong katawan ng tao samantalang ang isang incubus ay hindi katawan ng tao bagkus isang katawan ng demonyo.

Dahil sa tagal nang paniniwala sa nilalang na ito, mayroong ilang pangontra na nagawa upang mapatay o mapaalis ang nilalang na ito. Mula sa libro na Malleus Maleficarum, ang exorcism ay isa sa paraan upang mapaalis ang isang incubus. Ang ilan ay dinadala sa isang simbahan at ito ay dadasalan at papakitaan ng isang krus habang dinadasalan ng ilang incantation.

Hanggang sa panahon ngayon, marami pa din ang naniniwala sa nilalang na ito. Ngunit para sa mga eksperto, katulad ng kanilang pagpapaliwang sa nagagawa ng Succubus, ito ay gawa lamang ng ating utak dahil sa ilang mga pangyayaring nangyari sa atin.

Kung ating babalikan, ang ilang mga sikat na artista na nakilala na pinatay ng bangungot ay sina Rico Yan at Marky Cielo. Ang mga ito ay natagpuan na lamang patay sa kanilang mga tinutuluyan, ngunit ang paliwanag ng mga doktor ay isa lamang itong komplikasyon sa kanilang mga tiyan at walang kinalaman ang batiabat, succubus o incubus dito.

Kung ating titignan sa panahon ngayon, hindi dapat tayo matakot sa mga ganitong nilalang, mas matakot tayo sa gawa ng totoong mga tao. Maraming mga lalaki ang tinatamaan ng matinding kati sa kanilang katawan at ito ay nakakgawa ng ilang bagay na kanilang pagisisisihan sa habang buhay.

Uso na sa balita ang iba’t ibang mga kaso ng rape, mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang iba ay hindi pa nakuntento dito at nagagawa din nilang patayin ang kanilang biktima ng walang kalaban laban. Ang mga ganitong tao ang kailangan katakutan at bantayan. Tandaan na mas nakakatakot ang tao kumpara sa ibang mga nakakatakot na nilalang.

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at makain ng garuda ang inyong request.

SOURCCES

Sources

  1. https://thoughtcatalog.com/christine-stockton/2018/05/everything-you-need-to-know-about-the-incubus-demon/
  2. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
  3. https://www.deliriumsrealm.com/incubus/
  4. https://mythology.net/demons/incubus/
  5. https://mythology.wikia.org/wiki/Incubus
  6. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
  7. https://www.timelessmyths.com/arthurian/merlin.html
  8. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend