Ang Anghel ng Pagwasak

Reading Time: 9 minutes

TOPIC

Hindi masyadong kilala si Azrael, pero isa sya sa mga anghel na nabanggit sa judaism, christinity at islam. Isa rin syang arkanghel na katulad nila Gabriel, Michael at samael pero mayroon syang nakaaktakot na kapangyarihan. You see mga boss, kung si Samael ang angel of death, si Azrael ang angel of destruction.

Kahit na si Azrael ay isang anghel ng liwanag, base sa kanyang deskripsyon makukunsidera sya na isa sa mga nakakatakot na anghel, hindi lang ang pisikal kundi pati layunin nito. Gayunpaman, si Azrael ay loyal sa panginoon.

Mga boss kagaya ng iba pang mga angel videos, ang mga marininig nyo po ay mostly sa jewish mythology at catholic. Please be advise.

Names:

Kahit ni si Azrael ay kilala bilang angel of destruction, hindi rin iba sa arkanghel ang mabigyan ng iba’t ibang alias. Ilan na nga dito ang Angel of the lord, Messenger of death at the destroyer. Hindi klaro kung ang ibang mga alias ay binigay dahil sa titulo o pangalan ng anghel o isa itong generic term para sa lahat ng mga anghel.

Medyo naguluhan ba kayo? Halimbawa, ang alias o title na angel of death ay ginagamit din o alias din ni abaddon. Yun ang tawag sa kanya sa judaism. Habang ayon naman sa hebrew tradition, ang ibig sabihin ng pangalan ni Azrael ay “whom God Helps” kung saan pinaniniwalaan na isa syang direct servant ng panginoon at pinapatupad nito ang kahilingan ng maykapal.

Illustration:

I just want to be clear mga boss, wala sa kahit anong religious text ang size ni azrael, pero pinaniniwalaan na isa itong higanteng anghel. Sa sobrang laki nito ang isang paa nya ay nasa ikaapat o ikapitong langit at ang kanyang isang paa ay nasa pagitan ng tulay na nagdudugtong sa langit at impyerno.

Tayong mga tao, pagsinabing anghel, kadalasan ang naglalaro sa ating isipan ay magagandang nilalang, kutis belo o calayan at sobrang liwanag, pero hindi un laging totoo mga boss lalo na’t kay azrael. Dahil si Azrael ay pinaniniwalaang mayroong 4 na mukha at ang katawan nito ay parang upgraded na pinya, puno ng mata at dila. Ang bawat isang mata at dila ay nagrerepresenta ng tao na naninirahan sa mundo.

Ang ibang muslim ay naniniwala na si Azrael ay may laki na umaabot ng 70,000 feet at mayroong 4,000 pakpak.

Kadalasan din may dala dala itong malaking espada. Ang espada ay sumisimbolo ng kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang arkanghel na tagapagtanggol ng langit. Ito rin ay sumisimbolo ng kanyang responsibilidad sa mundo.

Ang espada rin ang sumisimbolo kay azrael bilang isang tapat na sundalo. Bilang isang anghel na kagaya ng isang sundalo, pinapaslang o tinatapos nito ang sino mang nanaisin ng panginoon.

Ang ibang mga paglalarawan kay azazel ay may hawak itong kutsilyo na mayroong tali sa dulo nito kung saan pinaniniwalaang tinatali nito sa mga leeg ng mga taong kanyang tatapusin.

Kilala rin si Azrael na may iba’t ibang katauhan. Pinaniniwalaan na sya ay nagpapakita rin bilang isang matandang anghel na may daladalang karit o scythe. May ibang paniniwala din na si azrael ay kadalasan nagpapakita bilang isang manlalakbay o hindi naman kaya isang pulubi kung saan nakikisalamuha ito sa mga tao ng hindi pinapakita ang totoong itsura nito.

Life and Death:

Si Azrael ay isang napakalakas na anghel. Although halos kasing level nya lang ang ibang mga arkanghel kagaya nila michael gabriel at raphael, si Azrael lang ang nakatulong sa pagkakagawa kay Adam. Ayon ito sa librong a dictionary of angels, including fallen angels ni Gustav Davidson.

Sila Michael, Gabriel at Israfel ay hindi nakapagprovide ng 7 handfuls of earth para sa paglikha kay adam, ang ikaapat na ang anghel, si azrael ang nakagawa nito. Again, wala to sa bible. Jewish mythology po ito.

Ang isang hebrew tradition naman ang nagsasabing si azazel ang sumusubaybay sa sangkatauhan. Sya ang may hawak ng records ng bawat buhay na tao. Si Azrael ay sinusulat ang bawat pangalan ng tao sa kanyang ledger at kapag ito ay naisulat, tsaka pa lang ito mabibigyan ng buhay. Kapag panahon na ng kamatayan ng isang tao, si azrael ay buburahin ito sa kanyang ledger.

Ayon sa islamic tradition, Hindi lang sya ang tagapamahala ng mga taong nabubuhay, sya din ang gumagabay sa taong sumakabilang buhay. Kapag ang isang tao ay yumao, si azrael ang kukuha ng kaluluwa mula sa katawan nito at puputlin nito ang koneksyon mula sa spiritual world at physical worlds, from here si azrael ang magdadala sa langit o magtatapon sa impyerno ng kaluluwa, depende sa utos ng panginoon.

Destruction:

Sa libro ng exodus dito binanggit ang pagkamatay ng mga unang anak sa egypt ang ika 10 salot at ang pinakahuli. Ito ay dahil sa hindi pagpayan ni ramses na palayain ang mga israelites.

Ang mga tagasunod ng panginoon ay nagsakripisyo ng mga tupa at minarkahan ang bawat pintuan bilang isang senyales na sila ay tagasunod ng panginoon. Ang markang ito ang magsisilbing proteksyon para hindi pumunta ang angel of destruction sa kanilang mga pintuan.

Although hindi sinabi ang pangalan ni azrael sa banal na aklat, maraming mga schoalars ang naniniwala na ang nilalang na tumapos sa mga bata ay si azrael.

Sa 2 samuel, si King david ay nakiapid sa isang babae na tinawag na bathsheba. Umamin naman sya sa panginoon at humingi ng tawad. Pinapili ng panginoon si david kung ano ang gusto nito, tatlong taon na taggutom sa nasasakupan nito, 3 buwan na hahabbulin sya ng mga kalaban nya o 3 araw na magkakaroon ng salot sa kanyang nasasakupan. Hinayaan nitong pumili ang panginoon pero hiniling nya na wag syang tugusin ng kanynang mga kaaway.

Ang panginoon inutusan ang kanyang anghel na magpakalat ng salot sa israel at dahil dito, nasa 70,000 ang namatay. Huminto lang ang anghel sa pagkuha ng buhay nuong nagmakaawa si david sa panginoon.

Sa 2nd kings naman, ang assyrian army ng sennacherib ay nagpplanong atakihin ang jerusalem at talunin si hezekiah. Ang mga tagasunod ng panginoon ay nanalangin sa kanya at pinakinggan nya naman ito. Ang panginoon ay nagpadala ng isang anghel para tumulong sa kanila. Nuong gabing iyon, si Azrael ay kumitil ng libo libong assyrian soldiers at tinapos ang pagsasagupaan sa isang gabi lamang.

Mga boss, i just want to be clear again, although hindi sinabi sa bibliya ang pangalan ni Azrael maraming scholar na naniniwala na ito ay ang angel of destruction dahil na rin sa talatang nabanggit.

2 Kings Chapter 19 Verse 35:

” And it came to pass on a certain night that the [d]angel of the Lord went out, and killed in the camp of the Assyrians one hundred and eighty-five thousand; and when people arose early in the morning, there were the corpses—all dead.”

Modern Representation:

Base sa mga nabanggit, alam natin na si azrael ay isang napakalakas na anghel. Gayunpaman, si azrael ay isang loyal na anghel at sumusunod ito sa pinaguutos ng panginoon.

Kahit na sya ay ang angel of destruction, si Azrael ay inilalarawan din bilang isang counselor. Kung saan ayon sa mga spiritual experts si azrael ang tumatayong grief counselor sa mga naiwan ng yumao.

Pinaniniwalaan din ng mga spiritualist na si azrael ay ginagabayan ang mga taong yumao at hanggat maari ay kinukuha ito ni azrael ng mabilisan, kumbaga, painless at saka gagabayan ito sa kanyang susunod na paglalakbay.

Mga boss i wanted to reitirate, ang mga narinig nyo po karamihan sa info ay mula sa jewish mythology. Hindi po porket taliwas sa inyong paniniwala ay mali na, sadyang may mga iba’t ibang relihiyon na may kanya kanyang paniniwala.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

HAVANA SYNDROME

Gaano katotoo ang bigfoot?