Ang 8 ulo ahas ng japan

Reading Time: 11 minutes

Topics

Isa sa mayroong pinaka maraming pinaniniwalaan na nilalang ay ang bansang Japan. Ang kanilang literatura, paniniwala at kultura ay laman ang iba’t ibang halimaw na kung saan ang iba ay nakakatulong, nakakasakit at ang iba naman ay masasamang halimaw. Kilala ang Japan na nagpasimula ng iba’t ibang anime na kung saan dito nila naipapakilala ang mga nilalang na kanilang pinaniniwalaan at kinatatakutan.

Isa na dito ang tinatawag na “Yamata no Orichi”.

Ngunit ano ba ang mayroong sa nilalang na ito at kilalang kilala ito sa bansang Japan at maging sa iba pang parte ng mundo.

History / Origin:

Ang kwento patungkol sa nilalang na ito ay nagsimula sa dalawang ancient text. Una itong nakita noong 680 AD na nakasulat sa isang Japanese chronicles ng iba’t ibang paniniwala. Ang chronicles na ito ay pinamagatang Kojiko o Furukotofumi na ang ibig sabihin ay “Records of Ancient Matters”.

Ayon sa nakalagay sa Kojiko, pinangalanan ang nilalang na ito bilang “八岐遠呂智 ” o sa ingles ay eight headed o eight tailed serpent. Noon namang dumating ang taong 720 AD, lumabas ang isang libro na kung saan pinamagatan na Nihon Shoki na siyang pangalawa sa pinaka matandang libro ng Japan, at ang nilalang na ito ay pinakilala bilang malaking ahas.

Ang pagkakaintindi sa salitang “Orichi” ay mababasa bilang 大蛇 ( Daija ) o malaking ahas.

Ayon sa ilang mga research, ang nilalang na ito ay isang Japanese dragon na kung saan mayroong walong ulo at walong buntot. Ang kwento ng Japanese mythology books at historical book patungkol sa orichi ay pareho lamang. Ang kinikilalang Susanoo na kung saan ipanatapon sa kalangitan dahil sa panloloko nito sa kanyang kapatid na si Amaterasu, ang Diyosa ng araw ng mga hapon.

Matapos maipatapon si Susanoo sa kalangitan, nakakilala ito ng dalawang kinilalang “Earthly Deities” na malapit sa Hi River na nagyon ay kinikilalang Hii River na makikita sa Izumo Province. Nilagyan lang ng isa pang I ang pangalan ng ilog na ito.

Ayon sa kwento, tinulungan ni Susano-o ang dalawang deities na ito upang masugpo ang malaking ahas na kanilang kinakaharap.

Story:


Ang malaking ahas na ito ay kilala dahil nangugulo ng mga mayayamang pamilya na mula sa probinsya ng Izumo. Ang pinaka kilalang ginawa nito ay kinakain nito ang pitong ulo ng walong magkakapatid na babae.

Dahil sa nakakatakot na gawain ng malaking ahas, humingi ng tulong ang mga pamilya sa Diyos na si Susanoo, na kinikilala nga nilang Diyos ng karagatan at bagyo. Sakto naman na nasa area lamang si susano at nakasalubong nito ang 2 matandang mag-asawa at sinabi nga ng mga ito na 7 sa 8 anak nila ay kinain ng halimaw na orochi at ang natitirang isang anak nila ay nanganganib dahil ito na ang susunod na target ng halimaw.

Ayon sa kwento, ang Diyos na ito ay nakaisip ng isang paraan upang mautakan ang malaking ahas. Ayon sa isang kwento, gumamit ng isang pain si Susanoo upang mapalabas sa lungga ang halimaw na ito, ayon naman sa ibang kwento, hiningi muna ni Susanoo ang kamay ng babae o permiso bago nya gawing pain sa malaking halimaw.

Mayroon ding kwento na kung saan gumawa ng paraan ang Diyos upang malasing ang bawat ulo na mayroon ang halimaw na ito. Naglagay ito ng walong alak na nakalagay sa malaking lalagyanan upang mainom ng bawat ulo ng halimaw. Nagawa niya ng maayos ang kanyang plano, dahilan upang maputol niya ng walang hirap ang bawat ulo ng halimaw na ito.

Appearance, skills and abilities:

Ayon sa paglalarawan sa nilalang na ito, isa itong malaking ahas na mayroong walong ulo, at walong buntot. Inilalarawan din ito bilang nagdadala ng ilang mga puno na tumutubo sa kanyang likuran. Ayon sa ilang mga kwento, ang buntot ng halimaw na ito ay nagtataglay ng mahiwang espada.

Ang espada na ito ay nakuha ni Susanoo noong hiniwa-hiwa niya ang bahagi ng halimaw at ibinigay niya sa kanyang kapatid na si Amaterasu. Ayon sa ilang mga paniniwala sa kakayahan ng Orichi, mayroon itong kakayahan na magbuga ng apoy mula sa kanyang bibig.

Mayroon din itong kakayahan na makatagal mula sa isang malalang pahirap na kanyang dinaranas, dahilan upang mabuhay ito ng matagal at makapatay ng maraming tao.

Similar Mythology:

Kung hahanap ng isang halimaw na katulad ng nilalang na ito, makikilala sa Greek mythology ang wind God na kinilala bilang si Typon. Ang nilalang na ito ay isang higanteng ahas na kung saan delikado at nakakamatay. Ayon sa kwento ni Hesoid , ang nilalang na ito ay anak ni Gaia at Tartarus.

Kinikilala din ang tinatawag na Polycephalic na isang rare multi headed animals na kilalang kilala sa mga mitolohiya.Kilala din ang Lernaean Hydra o kilala din bilang Hydra na kung saan isang 9 headed na water monster.Isama na din ang kinikilalang Ladon na isang 100 headed na halimaw na kilalang kilala din sa mitolohiya ng Griyego.

Kung titignan sa bibliya , mayroon ding halimaw na lumbas na mababasa naman sa Book of Revelation.Ayon sa Revelation 13:1 “The dragon[a] stood on the shore of the sea. And I saw a beast coming out of the sea. It had ten horns and seven heads, with ten crowns on its horns, and on each head a blasphemous name”

Inilarawan dito ang isang halimaw na kung saan nagtatagalay ng halos pitong ulo at sampong buntot. Sa Pilipinas ay mayroon din malaking ahas na kinikilala ang mgta tao.Ito ang Bakunawa, wala man itong walo o pitong ulo, isa din itong malaking halimaw na kinatatakutan ng mga tao.

Ang Orichi ay lumabas na sa maraming palabas na ginawa ng mga tao.Mga kwento na ito ay kumalaban sa Godzilla.lumabs na din ito sa One Piece, sa One Punch Man , sa Tokyo Ghoul , sa Yu gi oh at sa iba pang mga anime movies.

Hindi lamang sa palabas ngunit nagamit na din ito sa iba’t ibang laro na ginawa ng mga tao tulad na lamang ng “Warriors Orichi”Kung titignan natin ang ugali na mayroon ang Diyos na pinagmulan ni Orichi, na si Tsukuyomi.Makikita natin na kinain ito ng inggit dahilan upang magbago ang kanyang pamumuhay at naging masamang tao ito.

Ang inggit ang nagiging dahilan upang mapagsimulan ng maraming masasamang bagay.Kung ang isang tao ay makukuntento na lamang sa kung ano ang mayroon siya, hindi na nito kailangan pang magbago at makapankit ng ibang tao.

Ang xiangliu o xiangyao ng Chinese mythology ay ang counter part ng orochi. Subalit ang pinagkaiba lamang nito sa orochi ay ang xiangliu ay mayroong 9 na ulo. Ayon sa mythology, ang xiangliu ay isang nakakatakot na nilalang kung saan lahat ng pupuntahan nito ay nasisira, ang mga malilinis na tubig ay bigla na lamang magiging marumi at lahat ng nakatira ditto ay mamamatay.


Media Representation:

Ayon sa pelikulang godzilla, ang Orichi heisei series, ang malaking halimaw na ito ay minsang naging Diyos na kinilala bilang si Tsukuyomi. Si Tsukuyomi ay ang kinikilalang Diyos ng underworld at Diyos din ng Buwan sa Japan. Lumipas ang halos sampong libong taon, nagbago ang anyo nito upang sumira ng mga buhay sa mundo.

Dahil sa inggit na kanyang nadarama mula sa kanyang kapatid na si Amaterasu na siyang nasa langit at diyosa ng araw, nanira ito ng iba’t ibang lugar. Mga siyudad at mga bundok ang kanyang pinag-initan dahil sa galit na kanyang nadarama, sympre nga naman di nya masaktan ang kanyang kapatid kaya’t duon nya na lang tinuon ang kanyang pagtatantrums. Ngunit hindi nagtagal ay nahinto ito dahil sa pagpigil ng kanyang kapatid na si Susano na siyang Diyos ng bagyo at karagatan.

Matapos itong mapigilan at mahuli ng kanyang kapatid, inialis ito sa mundo at ikinulong sa isang napakalamig na lugar. Nakalipas ang halos libong taon, muling itong nabuhay at nakabalik sa mundo sa tulong ng kanyang mga tagapagsilbi. Noong ito ay makatakas sa napakalamig na lugar, bumuo ito ng isang kastilyo ngunit natalo ito ng dalawang tao.

Mula sa dalawang tao na kinilala bilang si Yamato Takeru at Oto kung saan sinaniban ng kanyang dalawang kapatid na sina Amaterasu at Susano. Dahil dito, mas lalong nagalit si Tsukuyomi dahil siya ay natalo. Alam nyang di nya kakayanin ang dalawa sa kanyang katauhan kaya’t nagpalit ito ng anyo upang mapatay ang dalawang tao na ito. Ang kanyang plano ay hindi natuloy dahil sa tulong ng tagapag silbi ni Amaterasu na si Amano Shiratori. Nailigtas man ang dalawa, naitapon si Orichi sa kalawakan na naging dahilan upang magsama ang dalawa at maging si Utsuno Ikusagami.

Noon din ay nagkaroon muli ng pag-lalaban ang dalawang pwersa na ito. Subalit kagaya ng naunang pagsasagupaan, natalo nila ang malaking ahas na si Orichi. Ayon sa kwento, ipinag utos mismo ni Susano na ikulong sa buwan si Tsukuyomi at ilagay sa isang bagay at doon ay ipinatapon ito sa kalawakan. Si Susano din mismo ang nagsabing, isang araw ay babalik ang kanyang kapatid, pero sa ibang kaanyuan.

Pinaniniwalaan din na ang nilalang na ito ay si king ghidora at ang orochi ay ang immature form nito.

May tanong ako sa inyo mga boss, gusto nyo ba sa mga future videos ay isama ko ang mga reference ng mga mythological characters sa mga anime, video games, movies at iba pa? Kagaya ni orichamaru sa topic na ito at ni Godzilla. Medyo nagaalangan pa kasi akong isama ang mga references kung saan sila lumitaw baka kasi hindi rin magustuhan ng iba at sabihin na pinapahaba lang ang video. Palagay naman ng opinion ninyo.

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Syokoy

Cyclops ng Pinas