Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 9 minutes
advanced divider


Ang mga egyptian ay mayroong isang paniniwala patungkol sa isang nilalang na kanilang maiingkwentro sa kabilang buhay. Dahil sa mga paniniwala noon ang mga Ehipto, sila ay natatakot kung ano ba ang kahahantungan ng kanilang kaluluwa sa kabilang buhay. Ang nilalang na ito ang dahilan kung bakit takot ang mga Egyptian noong unang panahon na gumawa ng masama dahil sa nakagisnang paniniwala.

Mula kay Osiris at sa iba pang mga nilalang na pinaniniwalaang hahatol sa kaluluwa ng taong namatay. Isa na dito ang kinatatakutan na si Ammit.

History:

Ammit The Devourer Of Souls - Egyptian Mythology - YouTube

Ang pangalan na Ammit ay nangangahulugan na “Devourer”, ”Bone Eater” o “Devourer of millions.” Ang kanyang pangalan na mismo ang nagsasabi kung ano ba ang ginagawa ng nilalang na ito. Kung minsan ang ibang scholar ay inihahantulad ang nilalang na ito sa isang goddess na si Tawaret dahil sa parehas nilang itsura at tagapag tanggol din ng mga tao sa masasamang nilalang.

Kinikilala din si Ammit sa mga pangalang Ammut at Ahemeit na siyang sumisimbolo sa divine retribution o ang parusa na nakukuha matapos mamatay ng isang tao. Ang mga Egyptian noong unang panhaon ay naniniwala na kung sila ay namatay, ang kanilang kaluluwa ay mapupunta muna sa “Hall of Two Truths”. Sa lugar na ito, ang mga kaluluwa ay huhusgahan sa kanilang nagawa noong sila ay buhay pa.

Makikita ito sa Papyrus o isang papel na ginagamit ng mga tao noong unang panahon sa bayan ng Ehipto 1357 BC. Dito ipinapakita ang larawan kung saan ang puso ng isang tao ay tinitimbang sa kanyang mga kasalanan. Makikita din dito si Ammit na naghihintay kung ano ba ang maihahatol sa puso ng taong ito. Hindi lamang sa Papyrus makikita ang detalyadong larawan ngunit maging sa iba pang book of the deads ng Egypt.

Story:

ArtStation - Ammit, George Bennett

Ito ay makikitang nakaupo sa tabi ng Scales of Justice ng godess na si Ma’at. Kasama sa Hall of Truth ang tagapangalaga ng Underworld na si Osiris at doon ay kanilang hahatulan ang kaluluwa ng namatay na tao. Ang mga dalang kaluluwa ni Anubis na siyang sumusundo sa mga kaluluwa upang ihatid sa kabilang buhay.

Ayon sa paniniwala, matapos ang isang delikadong ritwal para sa kaluluwa ng isang namatay na tao. Ito ay may pagkakataon na depensahan ang kanyang sarili sa lahat ng kasalanan at kung ano pang nagawa nito noong siya ay nabubuhay. Magsisilbing taga tanong ang god of wisdom na si Thot, habang sina Osiris, Isis at Nepthys naman ang magsisilbing taga hatol dito.

Matapos ang pagtatanong, ang puso ang kaluluwa ay ilalagay sa timbangan ni Ma’at at dito ipagkukumpara ang bigat nito sa bigat ng isang hibla ng pakpak ng isang ostrich. Kung ito man ay mas magaan sa hibla ng pakpak, pinaniniwalaan na balanse at mabait ang isang tao, ibibigay ang kaluluwa kay Osiris upang ipadala sa Aaru para sa eternal life.

Kung ang puso ay mas mabigat sa pakpak, ibibigay ni Anubis ang puso kay Ammit na siyang kakain dito. Sa pagkain ng puso nito, hindi na ito mabubuhay muli at habang buhay na hindi matatahimik ang kanyang kaluluwa. Pinaniniwalaan na ito ang pangalawang pagkamatay ng kaluluwa at dahilan kung bakit kinatatakutan si Ammit ng mga taong naniniwala dito. May ilang misconception na kapag kinain ni Ammit ang isang kaluluwa ay wala na kung baga the end na. Hindi, ayon sa paniniwala ng mga taga ehipto, ang kaluluwa na nakain ni ammit ay habang buhay or should i say habang patay itong masusunog sa loob ng tyan ni ammit. Either sa mga stomach juices nito o sa naglalagablab na apoy.

Hindi tulad ng ibang mga Diyos, si Ammit ay hindi sinasamba ng mga tao, ngunit tinitignan bilang isang paalala, paalala na kailangan sundin ng mga Ehipto ang prinsipsyo na mayroon si Ma’at. Kung minsan ay kinikilala itong demonyo, ngunit ayon sa ilang mga paniniwala, si Ammit ang naninigurado kung nasusunod ba ang dapat gawin, nagpapalaganap ng kabutihan at siya din ang nagtataboy sa mga masasamang nilalang.

Si Ammit ang sumisimbulo na ang bawat tao ay mabibigyan ng karapatan na bigyan ng depensa ang kanyang sarili. Sa pagdepensa nito sa kanyang sarili mula sa mga bagay na kanyang ginagawa noong siya ay nabubuhay pa, malalaman kung ito ba ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan o magiging isang hindi matahimik na kaluluwa.

Characteristic:

Ammit the devourer of souls by wfdrawings on DeviantArt

Inilalarawan ito bilang isang demonyo na mayroong ulo ng isang buwaya at ang katawan nito ay maihahantulad sa isang mabangis na pusa o minsan ay inilalarawan na katawan ng isang leon at ang paa nito ay makikita naman bilang paa ng isang hippopotamus. Mayroon ding paniniwala na ito ay nagkakatawan bilang isang tao.

Ayon sa paniniwala, si Ammit ay isang babae. Dahil na din sa kanilang pagkakatulad ng hippopotamus goddess na si Tawaret at sa kanilang pagkakatulad na paglaban sa mga masasamang nilalang. Pinaniniwalaan din na si Ammit ay hindi umaalis sa Underworld sa tabi ng timbangan ni Ma’at, dahilan upang isang beses lamang ito makita ng kaluluwa ng tao at yun ay kung ito ay hahatulan na.

Ngunit may paniniwala din na ito ay nakatira sa tinatawag na Lake of Fire kung saan pinaniniwalaan na dito itinatapon ang mga kaluluwang makasalanan. Hindi sa kinakain niya ang mga kaluluwa na napupuna dito, ngunit si Ammit ang nangangalaga at nagsisilbing tagabantay ng Lake of Fire. Dahil naman sa ganitong paniniwala, si Ammit ay ikinakabit naman kay Sekhmet dahil sa paniniwalang ito ay taga bantay ng lawa ng apoy at dahil na din sa kanyang katawan na leon.

Makikita naman na simbolo ni Ammit ang isang kwago at ito ang simbolo ng kamatayan. Nakita ito mula sa hieroglyphics o isang sulat na mga simbolo o hayop na ginagamit noong unang panahon ng mga taga ehipto. Makikita ang pangalan ni Ammit mula sa “A” at sumunod naman dito ang dalawang kwago na siyang sumisimbolo sa kaluluwa at kamatayan. Pinaka huli ay ang kalahating bilog siyang rumirepresent sa pagiging feminine nito.

Similar Creature:

Since i am a child of hades, my pet is a hellhound! Her name is ...

Kung ang Egypt ay mayroong Ammit na siyang kinatatakutan ng mga kaluluwa, makikilala din natin ang isang Hellhound na makikilala sa mga mitolohiya ng Northern Europe. Kilala din ito sa iba’t ibang bahagi ng America. Hindi man ito katulad ng itsura ni Ammit, ngunit ang paniniwala sa isang hellhound na ito ay nagha-hunt ng lost souls o taga bantay ng isang mahalagang lugar.

Dahil kung ikukumpara natin si Ammit sa isang tunay na tao, ito ang kinikilala nating berdugo o taga patay ng isang nahatulan. Mula noong unang panahon ay mayroon nang ganitong nilalang.

SOURCCES

Sources

  1. https://ancietegyptonline.co.uk/ammit/m.landofpyramids.org/ammit.htmlehyptian-gods.org/egyprian-gods-ammit/
  2. https://en.m.wikipedia.org/wiki/Ammit
  3. https://study.com/academy/lesson/ammit-mythology-hieroglyphics-facts.html
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.